Dingdong Dantes explains "piggyback photo" with Marian Rivera

IMAGE 0


"Partner ko siya, kasama ko siya noong gabing yun.Sabay kaming bababa. May pilay siya. Ano ang gagawin ko? Papanoorin ko nalang siyang gumulong-gulong sa hagdanan kung sakali? Siyempre naman, hindi!" explains Dingdong Dantes about piggybacking screen partner Marian Rivera (inset).



At present ay nasa Los Angeles, California na si Dingdong Dantes kasamaang kanyang ka-love team na si Marian Rivera para sa kanilang Let's Celebrateconcert na gaganapin sa Shrine Auditorium sa December 5. Nauna lang ng isangaraw si Dingdong na umalis noong December 1, at kinabukasan naman lumipad siMarian.

Sinigurado ni Dingdong na hindi nila bibiguin niMarian ang mga naghihintay at sumusuporta sa kanila sa Amerika. Kahit naka-castpa ang isang paa ni Marian ay siguradong mabibigyan pa rin nila ng magandangshow ang mga manonood.

Nanghihinayang lang si Dingdong na hindi na nila napuntahanang premiere ng One True Love sa Amerika dahil na rin sa napaka-hectic naschedule nila ni Marian

Hindi rin naman itinanggi ni Dingdong na ang mga trabahonila abroad ay nagsisilbing bonding moment na rin sa pagitan nila ni Marian.

"Well, alam n'yo, para sa amin, oo. Kasi, in fact, whenwe're in abroad, mas marami kaming time na makapag-usap. At saka siyempre,nasa isang lugar kami na hindi pamilyar sa amin. So, parang ano rin... Magandanghindi naman puro sa trabaho lang ang pinag-uusapan namin. Meron din sabuhay-buhay. Sometimes, you have to get in touch with our personal livesand discuss it with people para maramdaman mo naman na hindi ka lang puwedengtrabaho, puwede ka rin mag-enjoy," sabi ni Dingdong nang makausap siya ng PEP(Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis.

PIGGYBACK PHOTO. Lumabas dito sa PEP ang litrato ngpagbubuhat ni Dingdong kay Marian nang pababa na sila sa mezzanine ng Imperial PalaceSuites noong thanksgiving party for One True Love. (CLICK here to read related article.)

Iba't iba angnaging interpretasyon ng mga nakakita ng picture na nakapasan sa kanya siMarian. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"'Eto ha... Partner ko siya, kasama ko siya noong gabing yun.Sabay kaming bababa. May pilay siya. Ano ang gagawin ko? Papanoorin ko nalang siyang gumulong-gulong sa hagdanan kung sakali? Siyempre naman, hindi!" paliwanag ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nagbiro na para raw kasing paraan ng pagbuhat sa mgaKorean films and drama series ang naging pagkarga niya kay Marian. Nangiti lang si Dingdongdito.

"Hindi naman, mukha lang. Para sa akin, that was the bestway of bringing her down the stair. Pababa ang hagdanan. That's the best way,"aniya.

BEST FRIENDS. Naikukumpara ngayon ang close friend ni Dingdong na si PaoloContis sa kanya. Pagkatapos daw kasing i-announce ang breakup nina Dingdong atKarylle, balita ngayon na nakipag-break na rin si Paolo kay Isabel Oli.Sabi tuloy ng iba, mag-best friend nga silang dalawa ni Dingdong.

Natawa muna si Dingdong sabay sabing, "With regards toPaolo, he's really... Well, I consider him one of my best friends in theindustry. At tungkol sa mga bagay na mga ganyan, I want him to do the first talkwith regards to the issue. I'm not atliberty to say anything at this point."

Pero nandoon naman ang suporta niya kay Paolo?

"Oo naman!" sagot niya. "Basta palagi kong sinasabi,at the end of the day, do what is right. Yun lang yun. At kung naniniwala ka dun,okey, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN