Edu Manzano advises son Luis on kissing scene with John Lloyd Cruz

IMAGE 0


"Pinag-usapannamin ang nasabing eksena. Napaka-integral part kasi nito sa istorya, atnasabi ko na lang sa kanya, kapag malapit na, pumikit siya at dapat gandahanniya. Kasi siyempre, maiilang 'yan, e. Lalaki ang kahalikan mo, e,"relates Edu Manzano on what he told his son Luis for the kissing scene withactor John Lloyd Cruz.


Kungimpact din lang ang pag-uusapan, walang dudang magkasing-lakas ng dating angbalitang pagbabalik-pelikula ng nag-iisang Star for All Seasons na si VilmaSantos at ang balitang pagtanggap ng role ng anak nitong si Luis Manzano bilanganak din nito sa pelikula. Hindi lang kasi bilang isang anak ang role ni Luissa pelikula, pinag-uusapan din ang role niya bilang isang badinglover ng isa pang bidang lalaki sa pelikula, si John Lloyd Cruz.

Atmas nakadagdag-ingay pa ang isyung magkakaroon daw ng kissing scene sina Luisat John Lloyd sa pelikula.

Hindinga naging madali para kay Luis na tanggapin ang role. In fact, sa panayam ngPEP (Philippine Entertainment Portal) sa ama nitong si Edu Manzano, nalaman ngPEP na pinag-usapan talagang mabuti ng mag-ama ang tungkol sa pagtanggap ngrole na ito.

Ayonsa nakatatandang Manzano, panahon na raw para sa anak niya na tumanggap namanng masasabing "off-beat roles." Paniwala kasi ni Edu, nasa tamang-edad na rinnaman si Luis at alam niyang kahit na anong role pa ang ipaganap sa anak aymabibigyang-hustisya nito, dahil na rin sa tunay na dugong-artistangnananalaytay sa kanyang dugo.

"Pinag-usapannamin ang nasabing eksena. Napaka-integral part kasi nito sa istorya, atnasabi ko na lang sa kanya, kapag malapit na, pumikit siya at dapat gandahanniya. Kasi siyempre, maiilang 'yan, e. Lalaki ang kahalikan mo, e,"simula ni Edu sa panayam ng PEP sa kanya.

NO ANSWER TOANOTHER KIND OF PIRACY. Samantala, abala naman at aminadong doble-doble angpagtatrabaho ni Edu bilang chairman ng OMB (Optical Media Board) para sanalalapit Metro Manila Film Festival. Nais kasi ni Edu na masiguradong walangmapipiratang mga pelikulang kalahok sa festival.

Ngunitsa kabila nito, aminado rin siya na wala naman silang masyadong magagawa saisa pang paraan ng pagpipirata ng mga pelikula at musika—ang Internetdownloading.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayonnaman, ang magiging problema natin, ay hindi na yung bilog [discs] na nabibilinatin, kundi yung downloading. Kasi everybody can do it, at wala patayong batas doon. Lahat—software, music, pati pelikula. Punta ka lang sa YouTube,may TV shows ka na. Ang daming naa-access sa Internet," sentimyento ni Edu.



VOTE FOR THE MOST COMPETENT. Sausaping pulitika naman, nagpahayag si Edu na may interes pa rin naman siyangmahalal sa isang posisyon sa gobyerno. May mga naniniwala pa rin kasing mataposna maging bise-alkalde noon sa Makati City, kaya ni Edu na humawak ng masmataas na posisyon sa gobyerno.

Ngunit ayon kay Edu, hindi naman daw siyanagmamadaling tumakbo sa kahit na anong posisyon. Gusto raw muna niyang ipakitasa mga mamamayan kung ano ang mga kaya niyang gawin bilang isang pinuno.

"Alamkasi ninyo, as a matter of fact, mas nauna pa ako kay Vi sa pulitika. So, yunang isang bagay na hindi dapat madaliin, e. Lalo na sa panahon ngayon, weshould look for the most competent, pinaka-credible na tao na tatakbo. Hindi lang porke, sasabihin natin, ating kumpare o kapitbahay o kaibigan, ibobotona.

"Sadami ng mga problema na kinakaharap ng Pilipino ngayon, we should vote for themost qualified. Kaya nga, ibalik natin ang mga debate upang malaman natin kungsino ang mga karapat-dapat na ilagay sa posisyon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN