Anne Curtis flattered by admiration from Japanese-Brazilian model Akihiro Sato

IMAGE 0


"I'mso flattered. Na-meet ko na siya sa ASAP.Cute naman siya," says Anne Curtis of Japanese-Brazilian model Akihiro Sato. Anne says, however, that she's not ready to enter into another relationship with anyone.


Sabreakup nina Anne Curtis at Sam Milby, kapansin-pansin daw ang malamig nilangpakikitungo sa isa't isa sa tuwing magkakasama sa iisang lugar. Malayung-malayoraw sa dating sweetness at closeness na nakikita sa kanila. May mga usap-usapanpang apektado rin daw diumano ng breakup nila ang teleseryeng Dyosa kunsaan magkapareha sina Anne atSam.

Sapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Anne sa launching ng ineendorsoniyang slimming product na Fern Slim noong December 4, inamin ng aktres na naapektuhanang trabaho nila ni Sam sa Dyosa at ipinagpapasalamatniya na nagkausap na sila't naayos na ang working relationship nilang dalawa.

"Naapektuhantalaga, nahirapan talaga kami. Imagine, sa eksena magtititigan kayo, pero alamninyo pareho that something painful happened. Mabuti na lang at pinag-usapkami and naayos naman yung working relationship namin."

EASINGTHE PAIN.Inamin din ni Anne na dumating siya sa point noon na ayaw na muna niyang makitasi Sam. Kaya para maiwasan ito at maka-recover sa pain ng paghihiwalaynila, umalis muna siya ng bansa na kadalasan daw niyang ginagawa kapagbroken-hearted siya o sobrang lungkot niya.

"Dumaanako sa point na ganun. Lahat naman tayo dumadaan sa ganun once you get hurt. Butyou know, stage lang yun.

"Iba-ibaang way ng pagha-handle ko ng pain. Minsan lumalabas, gumigimik, bahay-bahaywith friends or out of the country. Nung namatay ang baby sister ko,nag-Hawaii ako. Nung nag-break naman kami ni Sam, I asked for a vacation. Iwent to New York."

Sangayon, bukas na uli ang communication nina Sam at Anne. Si Sam nga raw angnag-initiate na makapag-usap muli sila to settle everything.

"Yes,okey na kami, si Sam ang nag-initiate. Nakakapag-usap na kami, nagpapansinanna. Yung di namin pagpapansinan dati, I can say na normal lang naman yun. Ginagawalang issue kasi we're both in the business, but we're also human."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mataposma-link kay Rufa Mae Quinto, kay KC Concepcion naman na-link si Sam. Inamin niAnne na talagang tinawagan niya si Rufa Mae tungkol sa isyu nila ni Sam. As forKC, wala naman daw siyang ginawa dahil alam niyang hindi naman totoo angtsismis.

"Iasked was P-Chi... yung kay Rufa Mae. Pero hindi yung kay KC. Alamko na hindi yun totoo and I'm nadyadyahe nga kay KC. Sobrang sorry ako nanadadamay siya sa issue namin [ni Sam]. I know they're friends."

Nangtanungin kung may posibilidad ng balikan between her and Sam, hindi namanmakapagbigay ng malinaw na sagot ang dalaga. Aminado kasi si Sam na mahal parin daw niya hanggang ngayon si Anne.

"We'llsee what will happen. But as for now, okey na kami siguro ng ganito," pahayagpa ng Fil-Australian actress.

ABOUT AKIHIRO. Sa isanginterview sa Japanese-Brazilian model na si Akihiro Sato, sinabi nito na crush nacrush niya si Anne. Kung mabibigyan nga raw ng pagkakataon, gusto nitongmakapareha si Anne. Flattered si Anne sa pahayag na ito ni Akihiro.

"I'mso flattered. Na-meet ko na siya sa ASAP.Cute naman siya.

"Ifever I'm given the chance I would love to work with him, why not, di ba? I'm open naman working with different leading men."

Kungopen si Anne sa pakikipagtrabaho sa iba't ibang leading men, hindi namanmasasabing ganito rin siya pagdating sa pagpasok sa bagong relasyon.

"Diko yun iniisip sa ngayon. Huwag muna tayong magmadali. Katatapos ko langand I'm moving on."

MAINTAINING HERFIGURE.Nagkuwento naman si Anne tungkol sa bagong produkto na ineendorso niya. Sinabiniyang hindi naman daw siya tumatanggap ng endorsement kung hindi siya bilib saprodukto. Sa kaso ng Fern Slim, naniniwala siya sa dulot nitong epekto sakatawan ng tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It'san appetite suppressant and it's all natural ingredients, palm oil and oat oil.It's liquid so puwede mong ihalo sa ibang foods like cereal, coffee or juice.But ako kasi I drink it alone lang because it tastes like chocolate. You cantake this once or twice a day. It's also BFAD [Bureau of Food And Drugs]approved.

"I'mslim but it doesn't stop me from maintaining it. Di ko naman itinatago napag nag-gain ako ng weight, nagda-diet ako, which is harder. Dito kasiyou'll just drink this, for eight hours, busog ka, ‘tapos all naturalingredients pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN