Judy Ann Santos admits begging for "Ploning"

IMAGE 0


"Totoonaman, di ako magpapanggap na di ako namamalimos ng tulong. Napakaipokrita koat napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi. Yes, I'm begging for help,what's wrong with that? Di naman ako nagnanakaw, nakikiusap naman ako nangmaayos, di naman ako namimilit," says Judy Ann Santos.


Sadami ng dinaanang hirap ni Judy Ann Santos para sa pelikula niyang Ploning, mukhang magbubunga naman ito ngmaganda, dahil kung magtutuluy-tuloy ang paglikom niya ng 5million pesos na kakailanganing pondo para ma-exhibit ang pelikula niya saOscars sa Amerika ngayon Disyembre ay magbubukas din ito ng pinto ngoportunidad para naman sa iba pang pelikulang Pilipino na nais makilala saibang bansa.

Kayanga sobra na lang ang pasasalamat ni Juday sa mga taong sumuporta sa nakaraangfund-raising niyang Plato Para KayPloning na ginanap sa Rockwell Tent last December 4.

"Masayang-masayaako, dahil finally, nairaos ito nang maayos, maraming kaibigan ang nagpunta, at maramingmga top performers ang nandito para magbigay ng entertainment.

"Ican say na di lang naman ako or sina Ga [Ploningdirector Dante Nico Garcia] lang ang nag-put ng effort talaga sa event, ofcourse the marketing of ABS-CBN, sina Tita Cory [Vidanes] and other executives,sina Ogie [Alcasid], sina Ate Shawie [Sharon Cuneta], KuyaKiko [Sen. Francis Pangilinan]. Di ko ine-expect ang tulong nila, from SenatorJinggoy [Estrada], Senator Bong Revilla... Itoyung mga taong suntok talaga sa buwan, and dito ko naisip na siguro sa twenty-twoyears ko sa show business, I earned so many friends."

SOURCES OFSTRENGTH.Nandun din ang boyfriend niyang si Ryan Agoncillona tumayong escort ni Juday at punong-abala rin sa pag-estima ng mga taongdumating at sumuporta sa Plato Para kay Ploning.With Father Carmelo "Tito" Caluag and Ryan, Juday found her sources of strengthpara makaraos sa lahat ng difficulties na nararanasan niya.

"Withoutthe guidance of Ryan and Fr. Caluag, maybe di kami magkakaroon ng ganitokalaking pagtitiwala sa mga sarili namin na kaya namin ito. Si Ryan, si FatherCaluag, sila ang naging pader namin sa lahat-lahat ng ito, sila ang tinatanongnamin kung tama ba yung ginagawa namin. Blessed ako to have so manyfriends with me, I have Ryan with me, and I have so many peoplearound me who keep on supporting me through all my difficulties. Sobrangnakaka-overwhelm!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEGGING FOR PLONING. Ngunit sa kabilanito, di pa rin maiiwasang mabahiran ng intriga ang kanyang efforts. May mganagsasabing tila namamalimos daw ang aktres para sa Ploning.

"Totoonaman, di ako magpapanggap na di ako namamalimos ng tulong. Napakaipokrita koat napakasinungaling ko kung sasabihin kong hindi. Yes, I'm begging for help,what's wrong with that? Di naman ako nagnanakaw, nakikiusap naman ako ngmaayos, di naman ako namimilit. Kung sino lang ang pupuwede, kung sinolang ang willing pero di ko naman sinasabing magbigay sila."

"Angsa akin lang, sana ma-appreciate naman ng tao. What we did is not for us, notfor Ploning but for the wholeindustry. 'Wag sana nilang isipin na mayroon kaming ibang iniisip sakabila ng lahat ng ito. Ginagawa namin ito para sa Pilipinas.Para makilala tayo sa ibang bansa na magagaling naman talaga ang mga Pilipino,at napakatalentado. Sana magtulungan tayo sa mga susunod na iba pangfestival. Sana magsama-sama ang mga Pilipino. Sana wala nang crab mentality."

SUPPORT FROM AN OLDFRIEND.Marami rin ang natuwa nang mabalita ang pagbabati nina Judy Ann at Direk JoyceBernal. Balita na sa nakaraang fund raising ng Damit Para Kay Ploning ay si Direk Joyce ang isa sa mga nag-solicitng mga damit sa mga kaibigang artista para ipa-auction dito. Sa Plato naman ni Ploning ay nandundin ang mahusay na direktor na sumuporta rin sa panibagong fundraisingng nasabing pelikula.

Sabi ni Juday, "Matagalna kaming nagkaayos. Sa akin, ang friendship na nagkaayos, di na dapatibinubulgar pa dahil isang malalim na pagkakaibigan yun. Ayokong isipin ngmga tao na may ipino-promote kami o kung ano pa man, It's between me and Joyceand matagal na kaming magkaibigan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN