A heartbreaking "StarStruck" reunion at Marky Cielo's wake

IMAGE 0


The first night of Marky Cielo's (in photo) wake became a heartbreaking reunion for StarStruck graduates. Marky was the third StarStruck Ultimate Male Survivor and the first and only Sole Survivor.


StarStruck is now less than one, literally and figuratively,dahil sa pagpanaw ni Marky Cielo, the third Ultimate Male Survivorand the first and only Ultimate Sole Survivor.

Sa St. Peter Memorial Chapel sa Antipolo dinala ang mga labini Marky. Si Rommel Gacho, ang tinatawag na "tatay" ng mga taga-StarStruck, angnaging punong-abala sa pag-ayos ng katawan ng binata.

Marky's wake was the most heartbreaking StarStruck reunion ever.

Pagdating namin ng bandang alas-onse ng gabi, hindi panailalagak si Marky sa kanyang kabaong kung kaya't naghihintay nang tahimik saloob ng saradong memorial chapel ang mga kaibigan at kamag-anak niya.Kailangang isara ang St. Peter Memorial Chapel dahil sa labas pa lang, puno nang tao ang kalye at naghihintay ng mga magsisidatingang artista.

Parang walang namatay para sa mga nandoon at nagmistulangfiesta para sa kanila na kapag may dumarating ay nagsisigawang artista. Kasabaynaming dumating sina Rainier Castillo (StarStruck Batch 1 First Prince) at angGMA Artist Center handler na si Daryl Zamora. Ka-convoy namin si Ryza Cenon(StarStruck 2 Ultimate Female Survivor) na kasama naman ang ilang staff ngGMA-7. Halos hindi nakapasok sina Ryza at Rainier sa memorial chapel dahilkinuyog agad sila ng mga taong nagnanais makakita ng artista.

Maaga pa lang daw, nandoon na sina Aljur Abrenica(StarStruck 4 Ultimate Hunk) at ang ka-batch ni Marky na sina Iwa Moto at GianCarlos (First Princess and Prince). Naabutan namin sa chapel sina LJ Reyes,Vaness del Moral, at Arci Muñoz ng Batch 2; sina Chariz Solomon, Mart Escudero,Prince Stefan, Stef Prescott, at Jan Manual ng Batch 4; at ang StarStruck Ultimate Female Survivorcounterpart ni Marky na si Jackie Rice.

Nandoon din sina Glaiza de Castro, Jennica Garcia, Robert Villar, Tess Bomb, at NandingJosef. Sumunod naman ang head ng GMA Artist Center na si Yda Henares at si LouGopez, na pareho nang nakaitim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang nakapili na ng kabaong para kay Marky, pinauna na angmga artista sa bahay ni Marky sa Sta. Isabel sa Mission Hills para hindi lalo magkagulo ang mga tao.

Nagkaroon naman ng maliit na aberya sa gate ng Mission Hillsdahil walang pinapapasok na sasakyan kung kaya't nagmistulang traffic angentrance ng subdivision. Biglaan daw kasi ang desisyon ng ina ni Marky na siMrs. Mildred Cielo na sa bahay na lang nila iburol ang anak. Ito ang bahay nanapanalunan ni Marky bilang Ultimate Sole Survivor sa StarStruck. Una raw,hindi pumayag ang homeowner ng subdivision ngunit dahil sa awa sa ina,pinayagan na rin sila.

Hindi nga lang nagkaayos sa entrance ng pagkarami-ramingsasakyan kung kaya't hinintay muna ng mga guwardiya ang go-signal parapapasukin ang napakaraming sasakyan.

Isa lang ang naging request ng mga homeowners: limitahan angmedia. Napagkasunduan na isa lang munang TV crew ang darating doon—angStartalk. Kung may papasok mang ibang camera, lalabas muna ang staff ngStartalk para makapasok ang pangalawa.

Nandoon na sa bahay nina Marky ang ilan pang artista sapangunguna nina JC de Vera at Rhian Ramos, na co-stars ng yumaong aktor sa LaLola. Nasa paligid din ang mga nagsisiiyakang sina Yasmien Kurdi (StarStruck 1 Ultimate Female Survivor) at KrisBernal (StarStruck 4 Ultimate Loveteam, with Mart Escudero).

Dumating naman ang talent manager na si Leo Dominguez at ang kanyang alaga at ka-partner ni Marky sa La Lola na siLovi Poe, na namumugto na rin ang mga mata kasama angbaguhang singer na si Chris Cayzer. Kasama nila ang isa pang manager na siManny Valera.

Sumunod na rin si Mike Tan (StarStruck 2 Ultimate Male Survivor), na sa una ay nagpipigil pa ng luha;ang makapatid na Ehra at Michelle Madrigal; at Survivor Philippines castaway JaceFlores.

Sa mga taga-GMA-7, nangunguna si Ms. Lilybeth Rasonable; anghead ng creative team na si Jun Lana; ang mga naging executive producers atassociate producers ni Marky tulad nina Helen Sese, Edlyn Tallada, MichelleBorja, at Nieva Sabit. Isa pa sa humabol ay si Jenny Donato ng GMA ArtistCenter na nanggaling pa sa Dasmariñas, Cavite para sa isang show roon ngkinatampukan ng ilang Kapuso stars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maganda, maayos, ngunit maliit ang bahay nina Marky. Sa salainilagak ang kabaong na diretso sa pinto kung kaya't hindi puwedengmagsabay-sabay ang papasok. Sa dami ng naghihintay sa pagdating ng mga labi niMarky, kahit kalahati nito, hindi makakapasok sa bahay nang sabay-sabay.

Alas-dos ng madaling-araw, December 8, na dumating angkarwaheng kinalalagyan ng kabaong ni Marky. Puting-puti ito na may silver atgold trimmings sa mga handle. Inayos muna muli ni Rommel Gacho si Marky bagobinuksan ang pinto. Nagpahabol pa ng isang rosary ang ina ni Marky na inilagaysa kaliwang kamay nito.

Maayos ang pagkaka-makeup ng mga labi ni Marky. Suot niyaang kanyang suit na ginamit noon sa grand finals ng kanyang StarStruck season.Kapansin-pansing napakataas ng saradong kuwelyo ni Marky na takip ang kanyang leeg.

Ang unang grupong artista na pumasok sa bahay ay sinaRainier, Mike, at Ryza. Dito, hindi na napigilan ni Mike ang umiyak nang todo.Isa sa closest friends ni Marky si Mike na kasamahan din sa Station 168, angInternet shop sa Tomas Morato kung saan sila regular na naglalaro ng onlinegames. Sa iyak ni Mike, nagsimula na ring humagulgol ang mga nakapilang artistahindi pa man nila nakikita si Marky.

Halos wala nang iluha si LJ, na sa funeral parlor pa lang aynapansin na naming mugtong-mugto na ang mata at naduduwal na.

Sa pagpasok nina Jennica at Mart, si Mart naman anghumagulgol nang todo. Isa pang malapit kay Marky si Mart at nakakasama rin saStation 168.

Malalakas ang naging iyak nina Kris, Lovi, at Yasmien, mganakatambal ni Marky sa mga ginawa nitong projects para sa GMA-7.

Kahit sa paglabas nila, hindi mapiligan ang pag-iyak nina Mike,Mart, at Kris. Inilayo muna ni Rainier si Mike. Si Kris, yumakap na lang sakanyang ina habang humahagulgol. Si Mart naman ay niyakap ang kasintahang siJennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang pumapasok na artista sa bahay na tuyo pa ang mga matana hindi lalabas nang hindi umiiyak. Si JC, minabuti na lang lumayo muna kasamang dalawang EP na sina Edlyn at Helen dahil hindi raw nila makayanan.

Hanggang sa isinusulat namin ito, hindi pa makapagdesisyonang ina ni Marky kung ilang araw ibuburol sa bahay ang anak bago ito ilipad sa Bontoc, Mountain Province. Ang sabi, dalawang araw lang daw ito sa bahayngunit baka raw mag-tatlo at sa Miyerkules, December 10, na ito dalhin saprobinsiya para doon ilibing.

May ilang StarStruck graduates na ring nangibang-bakod ng TVnetwork, pero si Marky ang kauna-unahang namaalam nang tuluyan.

GMA-7 OFFICIAL STATEMENT. Ito ang inilabas na statement ng GMA-7 kaugnay ng pagpanawni Marky kahapon:

"Bandang alas-diyes kaninang umaga [December 7] sa AntipoloDoctors Hospital ay idinireklarang DOA [dead on arrival] ang young actor atStarStruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.

"Ayon sa paunang salaysay ng kaniyang ina na si MildredCielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang panganay na anak sa kanilangtahanan sa Antipolo, Rizal, at agad itong sinugod sa ospital. Sa ngayon ayhinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon ng sanhi ng pagpanaw ni MarkyCielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kaniyang pamilya.

"Tubong Mt. Province at may lahing Igorot si Marky Cielo,ang itinanghal sa Sole Survivor sa Season 3 ng StarStruck. Hinahangaan siya sakanyang maamong mukha, pati na rin sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw.

"Huli siyang napanood sa Startalk, SOP, at La Lola. Siya rinang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health.

"Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin,humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na ito sa kanilangbuhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN