Jomari Yllana reveals details about Martin-Pops concert in February 2009

IMAGE 0


"Si Pops na ang unang nakipag-usapkay Martin noong October pa, at nagkaayos agad sila. Medyo mahal, perohindi ako tumawad sa kanila. Pareho ang talent fee nila, walang mataas, walangmababa. And I guaranteed them na it will be the best Pops and Martinconcert," says Jomari Yllana about the Martin Nievera-Pops Fernandez reunion concert that he'll co-produce.



Missing You ang title ng pre-Valentine concert nina MartinNievera and Pops Fernandez sa February 6, 2009, sa Araneta Coliseum. It will beproduced by Fearless Promotions, na pagmamay-ari ng boyfriend ni Pops na siJomari Yllana and Congressman Ronald Singson.

Ito ang ibinalita ni Jomari sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) at ilan pang entertainment press kahapon, December 8—ang mismong arawrin ng third anniversary nina Jomari at Pops bilang magkasintahan. Inamin dinni Jomari na magdi-dinner sila ni Pops sa Tagaytay Highlands to celebrate theiranniversary as a couple.

Paano nagsimula ang pagpu-produce niya ng concert nina Popsat Martin?

"Ang totoo, gusto kong mag-produce ng concert ng isanginternational artist," sabi ni Jomari. "Pero alam ko hindi ko kayangmagbuo ng isang concert, kaya kinuha ko si Pops as partner. Kabisado niya kungpaano mag-handle ng concert, ginawa ko siyang line producer.

"During our meeting, pinag-uusapan namin kung sino angkukunin naming international artist. Tapos nabanggit ni Pops na nagbabalaksilang magkaroon ng concert ni Martin. Yun, bigla naming naisip na bakit hindimuna local artist, sila ni Martin ang ipag-produce namin ng concert. Fiveor six years ago pa ang huli nilang concert as Concert King and Queen."

Patuloy ni Jomari, "Si Pops na ang unang nakipag-usapkay Martin noong October pa, at nagkaayos agad sila. Medyo mahal, perohindi ako tumawad sa kanila. Pareho ang talent fee nila, walang mataas, walangmababa. And I guaranteed them na it will be the best Pops and Martinconcert.

"Naalaala ko kasi ang MaxiMedia. Hindi ba sila yungnagbibigay ng magagandang concert dito sa atin? Nagkaroon ng blank spacenang hindi na sila nag-produce, kaya I want to regain thatcredibility. Kaya ibibigay namin ang best dito.

"Kung napanood ninyo ang Divas 4 Divas [concert nina Pops,Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez], three times nito ang budgetnamin. Ito na siguro and pinakamahal na local production. Kinuha namingmarketing arm ang Airtime Marketing and, so far, may mga pumapasok nangsponsors and advertisers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sure siyang panonoorin ng mga tao ang concert, bakithindi Valentine show ang ginawa nila?

"Hindi ko kaya ang rent sa Araneta Coliseum," sabi niJomari. "Double or triple ang presyo nila pag Valentine show, kaya nag-decidekaming gawing pre-Valentine show na ito. Actually, matagal ko nangnai-reserve ang date na ‘yon."

Si Rowell Santiago ang magdidirek ng concert nina Popsat Martin. Wala rin silang guest, bagamat may participation ang mga anaknilang sina Robin at Ram.

"Ilu-launch namin si Robin," banggit ni Jomari. "Siyalang among the Nieveras ang tumutugtog ng musical instruments. Mahusay siyangtumugtog ng gitara at keyboard, at music pa ang kinukuha niya sa St.Benilde. He sounds like John Mayer.

"Ram will be involved in sketches. May LED screenkaming ilalagay dahil we want Martin and Pops travelling, at si Ram ang bahaladoon."

May nagsabi kay Jomari na tuwing may concert daw sina Popsat Martin, lagi silang may kissing scene sa ending. Paano kung i-request ng mgafans na mag-kiss din sina Pops at Martin sa huli?

"Okey lang ‘yon sa akin, part of the show iyon,"nakangiting sagot ni Jom. "'Saka ako pa, fan ako talaga ng Pops andMartin love team."

Nag-usap na ba sila ni Martin?

"Oo naman," sagot ni Jomari. "Basta nandito siya, laginaman kaming nag-uusap. Ang tawag ko sa kanya ‘My King.' Tawag naman niyasa akin, ‘Mr. Producer.' Nai-pictorial ko na sila ni Pops. Narito ngayonsi Martin kaya tuluy-tuloy ang meetings namin. Aalis siya with Robin andRam sa December 15, at sa January na siya babalik dito."

Paano yung balak nilang sa Las Vegas mag-Christmas?

"Dito lang ako sa Christmas, hindi ko maiwanan siAndrei [his son with ex-wife Aiko Melendez]. Baka magtanong siya na, ‘Nasaan siDada?' at may sumagot na, ‘Wala, kasama ang girlfriend niya sa LasVegas!'" nagbibirong wika ni Jom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Baka umalis din kami ni Pops after Christmas dahilgusto ko nang makipag-usap sa ilang tao na tutulong sa amin. Magkakaroon kasing tour ang Missing You next year sa U.S., Canada, Europe, Middle East, HongKong and Japan. Pero kailangan naming bumalik agad dito dahil may NewYear's show si Pops sa Shangri-La Makati."

Kumusta naman sila ni Pops ngayon?

"Wala kaming problema ni Pops," sabi ni Jomari. "Yes,nagtatalo kami tungkol sa negosyo. Iba kasi siyang mag-isip, nothing personalnaman. Sa personal, hindi kami talaga nag-aaway ni Pops. Noon nga langumalis siya for a series of shows sa States at pagbalik niya, naging busy namansiya sa preparation ng Divas 4 Divas. Naiwanan lahat sa akin ang trabaho, kayapagod na pagod ako. Kaya bigla kong isinama si Andrei, nagpunta kami saPunta Fuego para mag-unwind."

Paano sila naging magkaibigan ni Martin sa kabila ng ilangbeses nang nag-away ang Concert King at si Pops?

"Mas may respeto kasi kami ni Martin sa isa't isa dahilnaiintindihan namin ang lahat, dahil pareho ang aming pinagdaanan. Ganoon dinsi Pops, naiintindihan ko rin siya dahil nga napagdaanan ko na rin angpinagdaanan niya.

"May respeto rin sa amin ang mga anak namin. Sina Robinat Ram, ‘Tito Jom' ang tawag sa akin. Si Andrei, ‘Kuya' ang tawag kay Robin,Ram ang tawag niya kay Ram, at ‘Tita Pops' kay Pops.

"Ako naman, kahit sila nag-aaway, alam kong one way or theother, mag-uusap pa rin sila dahil may mga bata. Pinag-uusapan nila angmga gastusin, lalo pa at nasa college na si Robin, at si Ram naman will graduatena from high school," kuwento ni Jomari.

Kung minsan ay napag-uusapan na nila ni Pops angpagpapakasal, pero napag-usapan na rin ba nila ang pagkakaroon ng anak?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang totoo, gusto naming magkaanak ng girl dahil pare-parehonglalaki ang mga anak namin. Pero ayaw na niya, kasi daw she'll turn 40 narin. At ayaw ko rin naman niyang danasin ang dinanas nina Ate Vi [VilmaSantos] at Sharon [Cuneta], na para magkaanak, nagtiis silang naka-bedrest. If ever, hindi man namin pinaplano ay magkaanak pa rin kami, okey‘yon sa amin, it's a blessing."

Speaking of Andrei, ipinagmalaki ni Jomari na isa na ringBench model ang anak. Kasama ni Andrei sina Del-Del (anak ni Wendell Ramos) atJuliana (anak nina Richard Gomes at Lucy Torres). Ilu-launch na sila sa Bench Brats atmagkakaroon din ng billboards.

Wala pang bagong project si Jomari sa ABS-CBN. Pero bukod sapagiging abala sa pre-Valentine concert nina Pops at Martin, may isa pang pinagkakaabalahansi Jom.

"Nagsusulat ako ngayon ng script para sa 2009 MetroManila Film Festival," pagsisiwalat ni Jomari.

"Hindi ko muna ikukuwento ang story, baka may kumopya!"biro pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN