Tirso Cruz III regrets the death of "Zaido" co-star Marky Cielo

IMAGE 0


"Sabi sa research, the youth of todaydaw cannot face life head on. Nagka-cop out agad sila kapag a big problem is infront of them. Naawa naman ako. Parang ngayon ko naaalala ang kakaibang valuenang kami ang bata. We face whatever life brings us," says Tirso Cruz III in relation to Marky Cielo's death.



Kaninang tanghali, December 9, aydumating ang seasonedactor na si Tirso Cruz III sa pangawalang presscon ng pelikulang Magkaibigan ngMaverick Films. Ang entry na ito sa 2008 Metro Manila Film Festival aypinangungunahan nina Christopher de Leon at Jinggoy Estrada; kasamasina Dawn Zulueta at Maricel Laxa, na parehong nagbabalik-pelikula.

Halaw sa tunay na pagkakaibigan nina Jinggoy at angnamayapang si Rudy Fernandez ang kuwento ng Magkaibigan, na mula sa panulat atdireksiyon ni Joey Reyes. Sina Pip at Bobby Andrews ang gumaganap pa nilangbarkada.

Sa last shooting day pa lang ng pelikula nila, nasabi na niPip sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi sila parang sina PhillipSalvador at Bong Revilla ni Bobby sa kuwento. Sa tunay na buhay ngakasi, apat ang magkakaibigan. Pero sa pelikula, bale ang dalawa lang namag-best friend na characters ang bida.

MARKY'S DEATH. Isa si Pip sa unang nag-text sa amin noong Linggo ng hapon,December 7, kung totoong namayapa na nga ang third StarStruck Ultimate MaleSurvivor na si Marky Cielo. Dalawang magkasunod na shows kasi sa GMA-7 angpinagsamahan nila—ang Sine Novela na Kaputol ng Isang Awit at ang primetimesoap na Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Kuwento ni Pip, "Tinext ako ni Rebya [isa sa staff ng Zaido], ‘Tito, namatayna po si Marky.' Nagulat ako. Siyempre, ang inisip ko, baka disgrasya kayanagtanong-tanong ako kung ano ang ikinamatay. Ang unang sabi, bangungot daw.Natakot naman ako kasi ang bunso ko, kaedad niya kaya kinabahan din ako na angbata naman ni Marky para mabangungot.

‘Then, I've been hearing stories saka ko naalala yung nabasako lately tungkol sa mga kabataan ngayon. Sabi sa research, the youth of todaydaw cannot face life head on. Nagka-cop out agad sila kapag a big problem is infront of them. Naawa naman ako. Parang ngayon ko naaalala ang kakaibang valuenang kami ang bata. We face whatever life brings us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ang dami kong naging maling desisyon sa buhay.Nakakahiya mang aminin, hanggang ngayon, nagkakamali pa rin ako. Pero hinaharapko, sasabihin ko, ‘Kaya ko ito!' Ganoon talaga, e, tao lang tayo nagkakamali,pero haharapin mo dapat," saad ni Pip.

Maganda ang mga alaala ni Pip kay Marky.

"Si Marky, pagdating sa set, babatiin lahat, hindi langartista pati ang crew. ‘Tito, nandito na po ako. Sir, dito na po ako. Nanditolang po kapag kailangan n'yo.'

Bagama't mabait at magaling at marespeto, napapansin din niPip na palagi lang nag-iisa si Marky.

"Kaibigan niya ang lahat. Pero sa set, solo lang siya muna.‘Sir, dito lang po ako kung kailangan n'yo na ako, ha,' sasabihin niya palagibago lalayo. Sayang, kung nakausap ko man lang siya, wala naman akongnapapansing problema niya. Magkasunod ang naging trabaho namin noon sa Zaidotapos sa Kaputol," malungkot na sabi ni Pip.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN