Anne Curtis: "I'll always love Sam, but I'm not in love with him anymore."

Dec 10, 2008
"I'm not saying that there's totally no chance at all. But, alam mo yun, there are certain things that you need to think of yourself first. Siguro, we'll just cross the bridge when we get there," replies Anne Curtis about the possibility of getting back with ex-boyfriend Sam Milby.

Ginagampanan ni Anne Curtis ang role na Feliza Reyes, isang magandang Filipina na umibig sa isang half-Spanish, half-Filipino played by Jericho Rosales sa 2008 Metro Manila Film Festival entry na Baler.

May pagka-Romeo & Juliet ang love story nina Anne at Jericho sa pelikula, na maging si Anne ay nagtataka kung bakit parang sobrang big deal at naha-hype ang naging kissing scene nilang dalawa ni Jericho sa movie.

"Ewan ko nga kung bakit, e. If you see it naman, it's done in a way na hindi mo kailangan ng super kissing, hindi mo kailangan to make it beautiful. That's how you do it, parang romantic talaga. Kapag sinabi mo kasing love scene, parang may malisya na," pahayag ni Anne nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 5th Floor Corporate Office ng PAGCOR sa Hyatt & Casino Hotel sa Manila.

How would she compare yung naging love scene niya with Aga Muhlach sa When Love Begins at sa love scene niya ngayon with Jericho rito sa Baler?

Continue reading below ↓

"Parehas hindi daring, e," sagot ni Anne. "Yung sa amin ni Aga, super wala lang. I don't know, sometimes they tried to make it a selling point. But in this movie, you don't need it naman."

MOVING ON. Naging controversial ang kissing scene nila ni Echo sa Baler dahil may anggulo pang lumabas noon na tila pinag-ugatan ito ng selos ni Sam Milby. Ito rin ang naging dahilan ng kanilang breakup. Totoo ba ito?

"No, no, definitely, it's not the cause of the breakup! You know, sa amin naman kasi ni Sam, we respect each other's work naman," diin ni Anne.

Kumusta na ba siya ngayon?

"I'm good, I'm okay," nakangiti niyang sagot.

Ayon kay Anne, kung anumang unfinished business nila ni Sam ay napag-usapan na raw nilang dalawa.

"Napag-usapan na namin kaya okey na kami. We're friends at hindi na yung hindi kami nag-uusap. Hindi na yung hindi nagpapansinan. Okey na kami," saad ng aktres.

Continue reading below ↓

Nagte-text, nagtatawagan na ba silang muli?

"Hindi naman nagtatawagan, but you know, every now and then, may communication pa rin. I guess it's safe to say na may communication. But it's not an everyday thing," sabi niya.

Wala na ba ang dating pain na nararamdaman niya?

"Wala na," ani Anne.

Paano nangyari?

"It's a choice naman. Lahat naman pagdadaanan mo. I mean, if you've been through heartaches, nandoon ang denial, anger, pain, depressed. But then, you'll have acceptance and then, you're okay na."

Gaano katagal bago yung acceptance?

"I don't know, but it's been three months."

Although wala na raw yung feeling of being in love with Sam, aminado si Anne na wala pa naman daw siya sa proseso na handang makipagrelasyon muli.

"It's not something that I'm looking for. I mean, you have self-realization din naman kasi. I've realized that I always look for someone. Parang it's safe to say na it's just three months at okey lang na wala."

Continue reading below ↓

Is she dating now?

"No, not yet," sagot ni Anne. "If I feel that I'm ready at sa tingin ko naman, the guy is a nice guy, you know..."

Wala pang nagpaparamdam?

"Wala pa. Kasi, you know, with all the issues that are coming up, parang recent lang, di ba?"

May chance pa kayang magkabalikan silang dalawa ni Sam, especially now that they are on speaking terms again?

"I'm not saying that there's totally no chance at all. But, alam mo yun, there are certain things that you need to think of yourself first. Siguro, we'll just cross the bridge when we get there."

Kung siya ang masusunod, gusto niya na magkabalikan sila?

"Hindi ko iniisip."

Mahal pa ba niya si Sam?

"You know, I'll always love Sam, but I'm not in love with him anymore. I love him. I love him, pero yung in love, e, di sana umiiyak pa rin ako hanggang ngayon, di ba?" natatawang sabi niya.

Continue reading below ↓

When it comes to her leading man in the movie Baler, Anne stressed na hindi talaga nanligaw sa kanya si Jericho. Hindi rin sila nag-usap regarding her breakup.

"Hindi namin pinag-uusapan yun. Professional kami pagdating sa set."

Ang pag-alis at pagbabakasyon daw ni Anne ng isang linggo sa Amerika ang nakatulong sa kanya to heal her pain.

"Ganoon naman talaga ako. When I know that I'm gonna need to fix myself, I leave the country. With what happened to my little sister [who died], I left for Hawaii. When I came back, okey na ako. Nakakatulong talaga yung change of atmosphere.... It really helps you. And this time, I am with a friend, kaya mas naging mabilis."

ANNE & ERWIN. Naroon sa press conference ng Baler sa PAGCOR office hindi lamang ng PAGCOR Chairman na si Mr. Ephraim Genuino, kundi maging ang anak nitong si Erwin Genuino, na na-link din kay Anne at pinaniniwalaan ng ilan na naging boyfriend niya.

Continue reading below ↓

"Well, he's one of the producers, I think, if I'm not mistaken ha. Basta, we're super okay naman. We still text from time to time."

Friends lang talaga sila?

"Yes, super friends!"

Nothing romantic?

"Malay ba natin, he might even have a girlfriend now. Si Erwin naman, he's super good-looking guy, well-mannered. We just got along before at hanggang ngayon pa rin naman."

Sa huli, natatawa na lang si Anne at sabay sumbong kay Erwin na ginagawan daw silang dalawa ng isyu ng entertainment press.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I'm not saying that there's totally no chance at all. But, alam mo yun, there are certain things that you need to think of yourself first. Siguro, we'll just cross the bridge when we get there," replies Anne Curtis about the possibility of getting back with ex-boyfriend Sam Milby.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results