Rufa Mae Quinto lives with her family again

IMAGE 0


"I'mback with my family, magkakasama na uli kami after nine years na nagsolo ako. Angsarap-sarap ng feeling na kasama mo na uli ang pamilya mo. Ang sarap naevery morning, may pandesal na ako, nandiyan yung taho, balot, inaabangan koyun, kasi yun talaga ako," shares Rufa Mae Quinto about returning to her ancestral home.


Afterbreaking up with her Mexican-American boyfriend Bobby Lopez through email,bumawi naman bago matapos ang taon si Rufa Mae Quinto sakanyang showbiz career.

Rufa Mae bagged the Best Comedy Actress award for her performance in the gag show Bubble Gang and was namedFemale Star of the Night in the 22nd StarAwards for Television of the Philippine Movie Press Club (PMPC).

She expressed happiness in receiving the awards and for beingback with her family.

"With the award that the PMPC gave me, at least I can say na yung pagpapatawa ko, yungmga paghihirap ko, nagkaroon na naman ng bunga. ‘Tapos ako pa yung napilinilang Female Star of the Night.

"'Saka,kaya ako okey ngayon, I'm back with my family, magkakasama na uli kami afternine years na nagsolo ako. Ang sarap-sarap ng feeling na kasama mo na uli ang pamilyamo. Ang sarap na every morning, may pandesal na ako, nandiyan yung taho,balot, inaabangan ko yun, kasi yun talaga ako," bida ni Rufa Mae, na nakatirangayon sa ancestral home, kasama ang buo niyang pamilya

Rufa Maeadmitted that she really missed her family—ang kanyang 83-year-oldlola at dalawang nakababatang kapatid na parehong nagdadalaga na rin ngayon. She realized na sa sobrang abala niya sa kanyang trabaho ay marami na palasiyang napalagpas na mga pagkakataon.

"Unasa lahat, na-miss ko sila. Bising-busy ako sa loob ng siyam na taon, na medyo nawalanna ako ng oras for them. Di ko ine-expect na mas maa-appreciate ko namagkakasama kami. My grandma is 83 years old, so dapat bantayan ko na rin andat the same time na-realize ko na nagdadalaga na yung mga kapatid kong babae. Gustoko, yung mga natutuhan ko sa buhay, yung mga failures ko, maikuwento ko sa kanila,na kailangang i-guide ko sila sa tamang opinion ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naisipanni Rufa Mae na muling manirahan kasama ang kanyang mga kapatid at lola mataposniyang ipa-renovate ang kanyang room sa kanilang ancestral home, katulong angkanyang kapatid na lalaki. Dito nabuksan ang isip niya na there's no place likehome talaga.

"Mayancestral house kami, siyempre pag ancestral house, may room akodun. Pina-renovate ko yun. Nagustuhan ko, kasi kapatid ko ang gumawa,kaming dalawa—ako ang nag-interior, siya ang nag-architect, nag-contractor. Angtagal naming pinaghirapan yun, so, sabi ko kailangan yatang tirhan ko muna. ‘Tapospagdating dun, I felt so happy, happy ka ng 24 hours."

STILL OPEN FORBOBBY. Witheverything happening positively for Rufa Mae, tila wala nang puwang sa kanyaang ex-boyfriend o maski na ang aftermath ng pakikipag-break niya rito.Naka-move on na ba talaga siya from her breakup with Bobby Lopez?

"Di naman sobrang naka-move on, pero siguronag-decide na rin ako na career muna. Lahat naman ng ginagawa natin, inisiipmuna natin. In fairness, pinag-isipan ko muna yun. Saka kung para sa akin,para talaga sa akin. I know I've been a good person. I'm pretty sure naang ibibigay sa akin is worth it talaga.

"Walana kaming communication sa ngayon pero siguro hangga't di pa ako nag-aasawa,walang closure-closure, di ba? Ang naging problema lang naman sa amin istime. Yung love, okey naman, kaya lang ang hirap kasi ng sitwasyon. Kailanganbalikan [back and forth between Hong Kong and Manila] kahit pagod na pagod na akosa trabaho. Gusto ko lang sigurong sulitin at itodo na lang muna angcareer na nasa akin."

PAST ISSUE WITH SAM. Sa nagyon aynamatay na ang issue sa kanila ni Sam Milby, pero sa nakaraang interview ngaktor ay itinanggi nito na close sila ni Rufa Mae. Agad naming hiningi angreaksyon dito ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We'refriends pero siguro ang sinasabi ni Sam ay yung close na may malisya gaya ngsinasabi ng iba. Wala naman talagang issue kaya natatawa na lang ako andthankful na rin na tapos na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN