Marky Cielo's remains moved to Baguio City for extended wake

IMAGE 0


Marky Cielo's family extend the wake of the young actor in Baguio City until midnight tonight to accommodate all the people who want to see him for the last time.



Ibiniyahe kaninang ala-una y medya ng madaling-araw, December 10, ang mga labi ng pumanaw na batang aktor na si Marky Cielo mula sa kanilang tahanan saMission Hills Subd., Antipolo City para dalhin sana sa kanyang hometown sa Bauko, Mt. Province.

Pero hanggang ngayon ay nasa Baguio City pa rin ang mga labini Marky. Nabago kasi ang unang plano ng kanyang pamilya na tatlo o hanggangapat na oras lamang na pananatili roon dahil na rin sa dami ng mga taong dumagsaupang makiramay. Nagdesisyon ang pamilya ni Marky na i-extend ang public viewinghanggang mamayang hatinggabi.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Balitanghali ng QTV11 kanina, isinaalang-alang din ni Mrs. Mildred Cadaweng ang mganaging kaklase ng anak sa St. Louis University na may pasok pa at mga kamag-anak nilang nasa opisina pa. Mula sa kapilyaay inilipat ang bangkay ni Marky sa Cathedral of the Resurrection upangma-accommodate ang mas maraming tao.

Bago sumali ng StarStruck si Marky noong 2006 ay first-year Architecture student siya sa St. Louis University.

Kumpara sa naging burol ni Marky sa kanilang tahanan saAntipolo City, kung saan iilan lamang ang pinayagang makapasok dahil sa seguridad sa loob ngsubdivision, naging maluwag naman ang ilang oras na burol ng batang aktor sa Baguio City.

Labis namang nagpapasalamat ang pamilya ni Marky sa lahatng mga taong nakiramay sa kanila.

Kaninang umaga ay nagkaroon ng eulogy sa Cathedral of the Resurrection, kung saanpinarangalan ang naging kontribusyon ni Marky sa showbiz, kahit sa maikling panahonlamang, at sa kanyang pagmamalaki bilang isang Igorot. Kaninang hapon naman aynagkaroon ng misa para sa kaluluwa ng yuomaong StarStruck winner.

Bukas ng madaling-araw, December 11, ay dadalhin na ang mgalabi ni Marky sa Bauko, Mountain Province dahil tatlong araw na raw hinihintayng mga kamag-anak nila roon ang pagdating ng yumaong aktor. Doon na rinililibing si Marky, pero hindi pa sigurado ang ina ng aktor kung sa Sabado oLinggo ito gaganapin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marky ay namatay noong December 7 sa murang edad na 20.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN