Mart Escudero will surprise girlfriend Jennica Garcia on their first anniversary

Dec 11, 2008
"Hindi ko naman masasabing hindi ako seryoso, pero siguro pangit din sa iba yung sasabihin kong seryoso ako. Pero ang sa akin lang, hangga't maaari, maayos ang relasyon namin. Mga bata pa kami. Marami pa kaming ibang dapat na intindihin. Ang sa akin lang, maging maayos ang relasyon namin. Mas magtagal pa kami dahil yun talaga ang hangad ko," says Mart Escudero about his relationship with girlfriend Jennica Garcia.


Si Mart Escudero na mismo ang nagsabing "additional character" lang siya sa "Nieves" episode ng Shake, Rattle & Roll X, pero maganda naman daw ang ginampanan niyang role. In fact, naaaliw nga siya sa pagkukuwento kung ano ang role niya sa pelikulang ito na entry sa 2008 Metro Manila Film Festival.

"Ako si Celso rito, mareklamo, sakit ng ulo. Parang kakainisan mo kasi puro reklamo na lang ako nang reklamo. Pero magbabago rin naman bandang gitna dahil mapo-possess ako. May mangyayari sa akin na hindi maganda," paglalarawan ni Mart sa kanyang role nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Shake, Rattle & Roll X noong Martes, December 9, sa Imperial Palace Suites.

Magkasama raw sila ng girlfriend na si Jennica Garcia sa "Nieves," pero wala raw silang love angle rito.

"Parang hinabol lang nga po kasi ang character ko rito," banggit ni Mart. "Pero okey rin naman. Para at least, ma-miss din naman po nila. Hanapin naman po nila. Parang ganoon."

Continue reading below ↓

ONE-YEAR ANNIVERSARY. Mag-iisang taon na raw sila ni Jennica ngayong December. Pero kahit anong pilit namin, ayaw sabihin ni Mart kung ano ang exact date ng kanilang anniversary.

"Basta, ngayong buwan na ito," sabi lang niya.

May mga pinaplano na ba siya sa anniversary nila?

"Hindi ko pa sinasabi. Kasi kung anuman ang gagawin ko sa kanya, gagawin ko sa araw na yun. Pero may nire-ready ako, pero hindi ko muna sasabihin kasi baka malaman niya," ani Mart.

May pinaghahandaan na rin daw siyang anniversary gift kay Jennica.

"Gusto niya ng pet, e. May inaalagaan siya dati, kaso wala na...matanda na kasi."

Paano niya ide-describe ang one-year relationship nila ni Jennica?

"Katulad din ng iba, may araw na maganda, may araw na hindi maganda. Basta ang sa akin lang, kahit na ano'ng mangyari, mas iintindihin ko pa rin ang makapag-ayos. Maging matibay ang pagsasama namin kesa maghiwalay," saad ni Mart.

Continue reading below ↓

Masasabi ba niyang seryoso na talaga sila sa isa't isa ni Jennica?

"Hindi ko naman masasabing hindi ako seryoso, pero siguro pangit din sa iba yung sasabihin kong seryoso ako. Pero ang sa akin lang, hangga't maaari, maayos ang relasyon namin. Mga bata pa kami. Marami pa kaming ibang dapat na intindihin. Ang sa akin lang, maging maayos ang relasyon namin. Mas magtagal pa kami dahil yun talaga ang hangad ko," paliwanag niya.

LOSING A BROTHER. Bilang mga produkto ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA-7, hindi lamang kaibigan ang turingan ni Mart at ng yumaong aktor na si Marky Cielo kundi bilang magkapatid na. Kaya ganoon na lang daw ang pagkabigla ni Mart nang malaman niya ang pagpanaw ni Marky noong December 7.

"May nag-text sa akin, nasa Cavite ako. Tinatanong kung totoo raw ba ang nangyari kay Marky. Balita raw nila, binangungot. Sabi ko, ‘Ha? Hindi ko pa alam!' So, nag-text ako sa kanya [Marky], after 10 minutes, walang reply.

Continue reading below ↓

"Tumawag ako nang apat na beses, walang sumasagot. Doon lang ako kinabahan. Dati kasi, isang text, isang tawag, sagot kaagad at saka palagi pa niyang hawak ang telepono niya. Tapos bandang hapon ko na napanood sa news kung ano ang nangyari. Nagtanong-tanong ako kung nasaan si Marky, nagpunta na ako agad," kuwento ni Mart.

Isa pa sa ikinalulungkot ni Mart, hindi man lang daw niya nakausap o wala man lang sinabi sa kanya si Marky noong huli silang nagkasama.

"Magkasama kami noong Biyernes [December 5]. Tapos, noong mga nakaraang araw, wala siyang nasasabing problema or kahit anong hindi maganda tungkol sa kanya. Kung anumang dahilan kung bakit nangyari yun, wala siyang sinabi. Wala akong nalaman kaya nagulat ako."

Kung may chance, gusto rin daw niyang maihatid pa rin sa huling hantungan si Marky sa probinsiya nito sa Bauko, Mountain Province.

"Kung magbibigay sila ng service, or sasabihin na puwedeng mag-convoy sa araw ng libing, pupunta ako. Pero sa ngayon, hindi ko pa rin alam kung kailan talaga yung libing," ani Mart.

Continue reading below ↓

Ano ang pakiramdam na nabawasan na talaga sila ng isa sa StarStruck?

"Ayoko ngang maniwala, ayokong isipin na ganoon. Masakit, mabigat," napapailing na sabi ni Mart.

Read Next
Read More Stories About
Mart Escudero, Jennica Garcia
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman masasabing hindi ako seryoso, pero siguro pangit din sa iba yung sasabihin kong seryoso ako. Pero ang sa akin lang, hangga't maaari, maayos ang relasyon namin. Mga bata pa kami. Marami pa kaming ibang dapat na intindihin. Ang sa akin lang, maging maayos ang relasyon namin. Mas magtagal pa kami dahil yun talaga ang hangad ko," says Mart Escudero about his relationship with girlfriend Jennica Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results