Ruffa Gutierrez hopes to be free of controversy and intrigue next year

IMAGE 0


"Mas focused ako ngayon talaga sa trabahoko. The year 2008 is very good to me. Kahit wala akong lovelife, nakagawa ako ng three movies. Bukod sa The Buzz,nagawa ko ang Kokey at ito ngang Betty La Fea. Dumami ang endorsements ko,yung ibang endorsement, nag-renew," says Ruffa Gutierrez.




Halos wala pang tulog si Ruffa Gutierrez nang humarap sailang entertainment press sa re-launch niya bilang endorser ng Kisses& Co. kahapon, December 11, sa Mandarin Suites sa Gateway Mall.Umaga naraw kasi natapos ang taping nila ng I Love Betty La Fea. Masaya ringibinalita ni Ruffa na extended ulit ang Betty La Fea until April 2009.

May nagbiro kay Ruffa kung sino ang "kini-kiss" niya ngayon.

"Aside from my family and kids, wala. Friendly kisseslang. Baka next year, meron na, malay n'yo!" sagot naman ni Ruffa.

Dagdag niya, "Mas focused ako ngayon talaga sa trabahoko. The year 2008 is very good to me. Kahit wala akong lovelife, nakagawa ako ng three movies. Bukod sa The Buzz,nagawa ko ang Kokey at ito ngang Betty La Fea. Dumami ang endorsements ko,yung ibang endorsement, nag-renew."

GARAGE SALE. Sa dami ng mga ginawa niya this year, mas marami na siyangdamit at iba pang gamit. May balak ba siyang mag-garage sale ulit?

"Yes, next year siguro," aniya. "Iba rin ang garagesale ni Richard [Gutierrez, Ruffa's brother] para naman sa kanyangGreenpeace.

"Ang dami kong damit, ipinadala na kasi ni Yilmaz [Bektas, herestranged husband] ang mga damit and my accessories na naiwanan ko sa Istanbul.Mga ten boxes din ‘yon.

"Pero yung mga isinuot ko noong buntis ako ang ipinadalaniya, hindi 'yong mga signature dresses ko. Iga-garage sale ko na, kasi wala naakong balak magbuntis."

Hindi ba humihingi sa kanya ng baby brother ang mga anakniyang sina Lorin at Venice?

"Ayokong magsalita ng tapos," sabi ni Ruffa."Kaya lang, dalawa lang ang kamay ko. Bukod kina Lorin at Venice, nasaakin pa si David, ang four-year-old son ni Rocky [eldest of her brothers], kayaagawan sila sa paghawak sa kamay ko kapag nasa labas kami at naglalakad. Kapagnasa car naman kami, gusto nilang tatlo na umupo sa lap ko. Paano pa kungmagkakaroon pa ako ng anak, saang kamay ko pa sila hahawak at saan ko silaiuupo sa lap ko? And I'm glad na hindi naman humihingi ng baby brother sinaLorin at Venice. Ayoko na ng baby boy, ia-adopt ko na lang si David."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya love pa rin niya si Yilmaz kaya ayaw muna niyangmagkaroon ng lovelife?

"I just want to fix everything muna before the year ends,"seryosong wika ni Ruffa. "We both consulted our lawyers para sa pagpa-fileng annulment case, hindi pa lang kami nagpa-file, inaayos pa."

DESPERADAS 2 POSTER. Naiba ang topic nang may magtanong kayRuffa kung nakita na niya ang poster ng Desperadas 2, ang entry ng RegalEntertainment sa 2008 Metro Manila Film Festival (MMFF) na pinagbibidahan nilanina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, Marian Rivera, at Ogie Alcasid. Mukhang maynagrereklamo daw dahil ang nasa gitna ay si Marian.

"It doesn't matter to me kung saan ako ilagay. Basta ako,wala akong problema sa billing. Ako angpinakamatangkad, kaya ako ang napapansin! Natawa nga ako kay P-chi [Rufa Mae]noong mag-pictorial kami dahil eight inches ang taas ng heels niya!" natatawang sabi ni Ruffa.

NOCHE BUENA. Si Ruffa raw ang in charge ngayon sa kanilangChristmas noche buena. Ano ang ihahanda niya?

"Mga healthy and traditional food ang ihahanda ko, walakaming pork. Nag-order na ako ng roast beef and roast turkey, lapu-lapu,Caesar's salad... Mga organic lahat," ani Ruffa.

Dagdag niya, "After the Parade of Stars sa MMFF saDecember 24, sama-sama na kaming lahat sa bahay. Sisimba muna kami, thensalo-salo na kami sa noche buena, opening of gifts. On Christmas day, sama-samakaming manonood ng Desperadas 2, hindi ako papayag na hindi kami ang unangmanonood ng movie namin. After that, kanya-kanya na kaming lakad, isa-shoppingnamin ang perang napamaskuhan namin."

Invited ba ang nali-link ngayon sa kapatid niyang siRichard Gutierrez na si KC Concepcion sa noche buena nila?

"Well, alam kong busy si KC sa maraming bagay, kasimagsisimula na silang mag-shooting ni Richard ng Valentine movie nila sa GMAFilms and Regal Entertainment. She'swelcome to join us in our noche buena, pero dapat si Richard ang mag-invite sakanya," ani Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang Christmas wish niya?

"It's timely to have a Christmas wish, not only for meand for my kids, but to the whole family. Sana, Dad and Mom [Eddie Gutierrezand Annabelle Rama] continue their good health and fitness program, na lessfood intake na and hindi na sila magalit. Kaya sabi ko sa mommy ko, anuman angmarinig niya, ignore na lang niya. Kahit dumarating ang mga blessings, masmaganda kung walang may sakit sa amin. And I wish na next year, makaiwas na kami sa mga controversies andintrigues."

CONTROVERSIAL WRISTWATCH. Alam ba ni Ruffa na nagkaroon ng issue angkanyang wristwatch na binati ni Kris Aquino sa The Buzz noong December 7 habangnagsasalita si Boy Abunda tungkol sa pagkamatay ng young actor na siMarky Cielo? Ano ba yung suot niyang wristwatch that time?

"Matagal na yung Cartier wristwatch kong ‘yon, nakatagolang sa bangko. Inilabas lang kasi ginamit ko sa Star Awards last November 30.At itinakas ko nga lang at isinuot ko sa The Buzz the next day. Tumawag nga siMommy at sinabing bakit ko raw ginamit sa The Buzz, e, pang-Star Awards ko langdaw ‘yon.

"Kung may na-offend man kami, we would like toapologize and condole with the family of Marky. I'm sure he's now in a betterplace," pagtatapos ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN