Katrina Halili is happy for Cristine Reyes's career in ABS-CBN

IMAGE 0


"Honestly,happy ako sa nangyayari kay Cristine. Maganda na ang tayo niya sa Dos. Kungsaan siya masaya, roon siya. Ganoon lang yun. We should be happy for her. Finally,napansin siya ng ABS-CBN. May nakita siguro sa kanya ang Dos nahindi basta nakita ng GMA-7," comments Katrina Halili on her friend CristineReyes's career in ABS-CBN.


Ang One Night Only ang pangalawang Metro Manila Film Festival movie na kasali si KatrinaHalili. Ang unang MMFF film ni Katrina ay ang Super Noypi na naipalabas noong2006.

One Night Only is a sex-comedy produced by OctoArts Films, sa direksyon ni Joey Reyes.

"Masexcited ako ngayon dahil malaki na talaga ang role ko this time," sabi pani Katrina nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Natuwanaman ako, lalo sa co-stars ko rito—sina DianaZubiri, Alessandrade Rossi, Jennylyn Mercado and Valerie Concepcion—pantay-pantaynaman ang naging treatment sa amin dito. Hindi totoong nagkaroon ngpatalbugan."

WHO'S THE REAL "STAR"? Pero, sapresscon pa lang nito na ginanap kahapon, December 11, sa Cravings, T. Morato Ave.,Quezon City, ayon sa press people ay naging mas istariray ang dating ni DianaZubiri, lalo nang sumagot ito sa isang tanong na ang ibang co-stars niya sapelikula ay binalewala lang at hindi sineryoso.

"Kungyun ang sa tingin ng iba sa press, wala akong magagawa, kasi, opinyon nila yun.Ako naman at sinagot ko lang sa abot ng makakaya yung tanong nila, at kunghindi ko sila na-please, ganoon na lang siguro yun. I don't want to make a bigdeal out of it," deretsahang sabi ni Katrina.

Saumpisa pa lang na pinaplano ang shooting para sa nabanggit na MMFF entry ngOctoArts Films, iniintriga na si Katrina. Dahil daw sa pagpapa-press release nasiya ang totoong bida sa project kaya nagsipag-atrasan ang iba pang artista ngStar Magic na inalok para gumanap sa iba pang major roles sa pelikula.

"Hindinaman kasi totoo 'yan. Kaya nga hindi na lang ako nagsalita. Para ano pa? Hindinga rin ako nagtanong kung bakit sila umalis sa cast, na alam kong kasama sila.

"Nirespetoko na lang ang desisyon nila. May kanya-kanya silang dahilan, at ako naman,happy na rin lang sa kinalabasan ng pelikula kasama ang co-stars ko,"banggit ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napansindin namin na si Katrina ang ipinuwesto sa gitna ng poster. Sa ganitong paraannag-umpisa ang dispute sa kaso ng Desperadas2, another filmfest entry mula sa Regal. Usually, ang nasa gitna raw angpinakaimportante, gaya sa kaso ni Marian Rivera sa nabanggit na Regal movie.

"Walanamang ganyang issue sa amin," natatawa na lang si Katrina. "Pati bapictorial, gawan ng intriga?"

KATRINA VS.CRISTINE. Pero,mukhang nauungusan na siya ni Cristine Reyes pagdating sa paseksihan. Anoang masasabi ni Katrina?

"Honestly,happy ako sa nangyayari kay Cristine. Magandana ang tayo niya sa Dos. Kung saan siya masaya, roon siya. Ganoon lang yun. Weshould be happy for her.

"Finally,napansin siya ng ABS-CBN. May nakita siguro sa kanya ang Dos nahindi basta nakita ng GMA-7. Hindi ko naman iniisip na kung hindi siyalumipat sa Dos, walang mangyayari sa kanya.

"Mayroonkasing tinatawag na ‘Slowly but surely.' Pero, kanya-kanyang diskarte 'yan.Kung sa palagay niya, mas makabubuti yung ganoong pacing sa career niya, weshould all be happy for her, at suportahan na lang natin si Cristine,"nangingiting sabi pa ni Katrina.

Kahitdaw para silang mga manok na pinagsasabong sa ngayon dahil magkasalungat nanetworks na ang pinagmumulan nila, hindi raw magiging daan yun para masira angfriendship nila ni Cristine.

"Maymga nag-attempt nang intrigahin kami, pero hindi naman 'yan ang binibigyannamin ng pansin. Kanya-kanya kaming trabaho, kaya ganoon na lang,"ani Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN