Karylle received two marriage proposals at Pacquiao-De la Hoya match

IMAGE 0


Singer-actress Karylle got the shock of her life when two men—a Mexican and a Filipino—proposed to her at MGM Hotel in Las Vegas after singing the Philippine national anthem during the Pacquiao-De la Hoya match.



Mas nakatulong pa ngayon kay Karylle ang breakup nila niDingdong Dantes dahil mas lumakas ang appeal niya sa mga lalake. Bagay nga kayKarylle ang ibinansag sa kanya ng Bench kaugnay sa pagiging image model niya ngBench Body—"Single is Sexy."

Katunayan, nakatanggap ng dalawang "marriage proposals" si Karylle mulasa isang Mexican at isang Pinoy nang kumanta siya sa "Dream Match"nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas,Nevada, noong December 7.

Kuwento ni Karylle sa PEP (Philippine Entertainment Portal),pagdating niya sa lobby ng hotel matapos ang kanyang pag-awit ng "LupangHinirang" ay biglang lumapit sa kanya ang isang Mexican at nag-dialogue agad ng:"Will you marry a Mexican?"

Hindi naman daw nagpatalbog ang Pinoy na lumuhod pa sa harapni Karylle at nag-alok din ng kasal.

Na-feel daw ni Karylle ang pagiging isang dalagangFilipina na pinag-aagawan para pakasalan ng dalawang lalakeng hindi niyakakilala at noon lang niya nakita sa kanyang tanang buhay. Nataon pang nakasuot siyang terno kaya naman para siya talagang inaakyat ng ligaw ng dalawang lalake.

Hindi alam ni Karylle kung ano ang isasagot niya sa marriageproposals sa kanya kaya napangiti na lang ito at nagpaunlak na magpakuha ng larawansa dalawang lalakeng nabighani sa kanyang kagandahan.

Natatawa si Karylle kapag naalala niya ang eksenang ‘yondahil akala niya ay magkakaroon ng away sa Mexicano at sa Pinoy. Nagpatalbugandaw kasi sa marriage proposal ang isa't isa.

Wala raw mapili si Karylle sa dalawang lalake. Guwapo angMexican at may hitsura rin naman daw yung Pinoy.

Flattering para kay Karylle ang natanggap na marriageproposals. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakatanggap ng dalawangproposals sa isang araw.

Kaya nga feel na feel ni Karylle ang pagiging "single andsexy," lalo't na-unveil na ang dalawang malalaking billboards niya mulasa Bench Body sa ginanap na launching para rito sa TriNoma Activity Centerkahapon, December 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Namangha ang lahat ng mga taong nakasaksi sa unveiling, kungsaan lumabas ang kaseksihan ni Karylle na suot lang ay top bra. Yung isa aynakatayo siya suot ay low-rise jeans at nakalantad ang kanyang tiyan.Yung isa naman ay naka-lean on siya at kitang-kita ang magandang hubog ngkanyang dibdib.

Sabi ni Karylle, mula nang sumali siya sa isang marathon atnakita niyang maganda ang kanyang abs, doon niya napagdesisyunang puwede nasiyang mag-sexy. Dati raw kasi ay wala siyang confidence kaya ayaw niyangmaglabas ng katawan. Pero ngayon, feel niyang she's single and sexy kaya pumayagna rin siya mag-model sa Bench Body.

Sa tanong kung posible bang magsama sila ng ex-boyfriendniyang si Dingdong Dantes—na modelo rin ng Bench Body—sa isang sexy billboardad, nakangiting sumagot lang si Karylle na hindi niya alam at titingnan daw munaniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN