Marky Cielo's mother angered by unauthorized coverage of her son's wake

IMAGE 0


"Kung nakita n'yo siya sa kabaong niya, yung kanyangtahimik, at peace na ipinapakitang face, sa akin ay yun ang nagbibigay ng lakasna he's okay. He's fine at wala akong dapat ipagalala sa kanya," says Mrs. Mildred Cadaweng about her son Marky Cielo.


Sa report ng Startalk ng GMA-7 kahapon, December 13,isiniwalat nila ang diumano'y walang pagtigil na pagre-report sa burol ng yumaong aktor na si Marky Cielo at ang walang pahintulotna pagpapalabas ng mukha ng aktor sa loob ng kabaong sa isang news program ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ina ni Marky na si Mrs.Mildred Cadaweng na ayaw niyang makita sa telebisyon ang mukha ng anak na nasa loobng kabaong. Isang simpleng pakiusap lang daw ito mula sa nagluluksangina.

Pagkatapos ng pagkuha nang walang pahintulot mula sa burol niMarky sa Antipolo City, sumunod pa rin daw angstaff and crew ng dalawang showbiz-oriented shows ng ABS-CBN hanggang saBaguio, kung saan pansamantalang ibinurol si Marky bago dalhin ang kanyang bangkay sa MountainProvince.

Ipinalabas ng Startalk ang video footage ng pagsunod ngisang van na may logo ng ABS-CBN hanggang sa Mountain Province, kung saannakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Marky. May mga saksi raw nanakausap ang staff ng Startalk na ang sinasabi raw ng staff at crew ng ABS-CBN ay mayutos daw sa kanila ang mismong executive producer ng kanilang show na huwag silangbababa ng Manila hangga't hindi nakukuhanan ng panayam si Mrs. Cadaweng.

Namataan din ang staff ng ABS-CBN na umaaligid sa bakuran ngtahanan nina Mrs. Cadaweng, marahil ay para makuhanan ulit si Marky sa loobng kabaong at mahingan din ng interview ang ina nito.

Yun nga lang, sa labis na sama ng loob ay nagdesisyon na ang ina ni Marky na kausapin ang staff at crew ng ABS-CBNpara lisanin na ang lugar. Pagkatapos nito, saka palang nagpasyang umalis ang staff at crew ng ABS-CBN.

Live namang nag-report ang isa sa mga host ng Startalk na siButch Francisco mula sa Mountain Province kahapon. Live din niyang nakausap si Mrs. Cadaweng pagkatapos ipalabas ang video clip, kung saankinausap ng ina ni Marky ang staff at crew ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Butch, sa Antipolo pa lang ay nakiusap na si Mrs.Cadaweng na irespeto at huwag nang kunan ng video o picture ang mukha ng anakhabang nasa kabaong. Tatlong beses din daw itong sinabi ng mommy ni Marky saBaguio, bago pa ilagak ang bangkay ng anak sa Mountain Province.

Ngayong araw na ito, December 14, eksaktong isang linggo naang nakararaan mula nang sumakabilang buhay si Marky. Kaya hindi kataka-takakung pagod na rin si Mrs. Cadaweng, lalo na sa mga hindi mapakiusapansa konting kahilingan nila.

Tinanong ni Butch si Mrs. Cadaweng kung saan siya humuhugotng lakas sa gitna ng matinding dagok na ito sa kanilang buhay.

"Unang-una, sa kanya [Marky] pa rin," sabi ni Mrs. Cadaweng."Siyempre, nandito kayong lahat, relatives ko. Mga panalangin ng mga kaibigan,mga panalangin natin. Nakakatulong yun, pero unang-una, sa kanya pa rin.

"Kung nakita n'yo siya sa kabaong niya, yung kanyangtahimik, at peace na ipinapakitang face, sa akin ay yun ang nagbibigay ng lakasna he's okay. He's fine at wala akong dapat ipagalala sa kanya."

Ayon kay Butch, naging maayos naman daw ang paglilipat ngmga labi ni Marky from Antipolo to Baguio to Mountain Province. Maliban ngalang sa natunghayang pangyayari between Mrs. Cadaweng and the staff and crew ofABS-CBN's showbiz talk shows.


Kaya tinanong muli ni Butch si Mrs. Cadaweng ku