Network war extends to coverage of Marky Cielo's wake

IMAGE 0


Even until death, Marky Cielo seems not to be spared from controversies as rival networks GMA-7 and ABS-CBN engage in a "word war" in connection with the coverage of the young actor's wake. Marky will be buried today in his hometown in Mountain Province.


Ngayong araw, December 15, ay nakatakdang ihatid sa kanyanghuling hantungan ang young actor na si Marky Cielo. Pumanaw si Marky noongDecember 7 sa kanilang tahanan sa Antipolo City.

Bukod sa matinding dalamhati na nararamdaman ng kanyangpamilya, mga kamag-anak, mga kaibigan, mga nakatrabaho, at mga fans, nabahiran ng kontrobersiya ang pagkamatay ni Marky. Nadawit na rin dito ang networkwar sa pagitan ng home network ni Marky na GMA-7 at ng ABS-CBN.

Noong Sabado, December 13, ay iniulat ng Startalk—angshowbiz-oriented show ng Kapuso network—ang diumano'y report ng ABS-CBNnang walang pahintulot mula sa pamilya ni Marky. Bukod pa raw rito angpagpapakita ng mukha ng yumaong aktor sa loob ng kabaong sa isang news program ngKapamilya network. Ito ay sa kabila ng pakiusap ng ina ni Marky na si Mrs.Mildred Cadaweng na huwag ipakita sa telebisyon ang mukha ng kanyang anak.

Sa panayam ng Startalk kay Mrs. Cadaweng ay ipinahayag niyaang kanyang sama ng loob sa aniya'y hindi pagsunod sa kanyang pakiusap.

"Nagtaka naman ako nang nalaman ko na lumabas sa news,nandoon yung mukha niya [Marky], kung saan, paulit-ulit akong nag-e-explain athumihingi ng paumanhin kung bakit ayaw naming pakuhanan ng picture... Bakit ginawanila yun? Talagang masakit ang loob ko dun. Talagang masakit," saad ng inani Marky.

STARTALK'S STATEMENT. Bukod sa interview kay Mrs. Cadawengay nagbigay rin ng pahayag ang Startalk tungkol sa pangyayari, kung saanbinatikos nila ang anila'y kawalan ng respeto ng kabilang istasyon sapagdadalamhati ng pamilya ni Marky. Si Marky ay naging bahagi rin ng Startalksa sa pamamagitan ng segment na"StruckAttack."

Narito ang kabuuang statement ng Startalk:

"Kapag biglang pumanaw ang isang taong hinahangaan, maramingtanong ang biglang lumalabas. Dala na siguro ng ating sakit ng loob atpangungulila, ang pangangailangan na biglang magkaroon ng kasagutan sa atinglungkot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dalamhati na ating nararamdaman sa pagpanaw ni MarkyCielo ay may kaakibat din na tanong at isyu na pilit nating inaalam. Pilit napinag-uusapan at nagiging sanhi ng mga haka-haka at palaisipan.

"Nandiyan ang mga isyu ng drug overdose, depression, at patina rin ng suicide. Perhaps in their grief and in their disbelief, people havebegun to look for signs and clues in the statements made by Marky's familymembers and friends.

"Pilit nating hihimayin, pag-uusapan, uungkatin ang mga statementna ito. Pilit nating babasahin ang mga gusto nating basahin. Pilit natinggagawan ng isyu ang isang pangyayaring dapat na lang nating tanggapin,pagdalamhatian, at ipagpasa-Diyos. Marahil ang marami sa atin ay tunay nanalulungkot at pilit naghahanap ng sagot para maibsan ang ating lungkot.

"Ngunit meron din namang mga naghahanap lang ng isa pangisyu para pagpiyestahan, pagkalibangan, gamitin, at tuluyan nang limutin. Masmasakit na sa pangangailan na magkaroon ng kuwento para sa mga palabas, pilitna nilalabag ng iba ang hiling ng pamilya ni Marky na sana'y galangin angkanilang pagdadalamhati.

"Matapos dalhin ang labi ng pamilya ni Marky sa Cathedral ofResurrection sa Baguio City, ang labi ay iniuwi sa Barangay Sinto, sa bayan ngBauko, Mountain Province. Dito sa bayan na minahal at kinalakihan ni Marky,dito ililibing si Marky sa likuran ng kanilang bahay. Ayon sa kaugalian ng mgaKankanaey.

"Paulit-ulit na humingi ng paumanhin ang ina ni Marky na si Mrs.Cadaweng. At sinong tao naman ang hindi maaantig at makakaintindi sa kanyangpanawagan na huwag kunan ang labi ng kanyang anak bilang paggalang sa alaalanito? Ngunit ang paggalang sa basic human right to dignity ay pilit nanilalabag ng isang istasyon.

"Noong Huwebes ng gabi [December 11], sa kanya mismong tahanan, tuluyan nangnag-breakdown ang ina ni Marky dahil sa pilit na coverage na ginagawa ng isangistasyon. Lubhang ikinagulat ni Mommy Mildred ang pagkuha at pagpapakita salabi ng kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nahuli ng mga kamera namin nang mag-breakdown ang inangdismayadong Mommy Mildred dahil sa itinuturing niyang invasion of privacy ngcamera crew ng isang istasyon. Ngunit dahil sa mga dahilang maiintindihan,hindi na ito kailangang ipalabas pa.

"It is enough to state that a mother and family still comingto terms with the sudden loss of a beloved son, have had to contend with thekind of pressure and anxiety that is, to say the least, inhuman.

"And what does this intrigue do for the memory of MarkyCielo, a young man who by all accounts tried his best to be a role model and agood human being? Nothing.

"The actions and statements of so many people trying to findthe 'real' truth behind Marky's demise make him nothing but anotherscandal...another issue to be dissected, speculated on, and then forgotten.

"Ibinabandera sa mga plug ang mga ‘shocking truth,' ang mgatunay na dahilan, ‘isisiwalat' na ibubunyag tungkol sa pagkamatay ngbinata. Kahit sinong tao ay mapapaisip, ano ang magagawa nito?

"Walang takot naming sasabihin: What is really shocking isthat in order to get a story, the human right to privacy and dignity of familyCielo was totally disregarded.

"Walang takot naming sasabihin: Sana pinairal angrespeto.

"Ang tunay na kagimbal-gimbal ay hindi iginalang angtaus-pusong hiling ng isang nagdadalamhating pamilya. Na igalang angisang alaala ng isang binatang pilit na nagpaka-tao sa masalimuot na mundo ngshowbiz.

"A young life has been lost...and the lives of those who lovedhim have been affected. Kung minahal natin si Marky Cielo at hinangaan, tamalang na ipagdasal natin ang kanyang kaluluwa at ipagpasa-Diyos na ang kanyangmaikling buhay at ang malungkot niyang kinatapusan.

"Goodbye, Marky, maraming salamat sa maliwanag na sinag naibinahagi mo sa amin. We have been sorry that your final journey has beenmarred by greed and insensitivity of others. Patawad Marky, maraming salamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ABS-CBN AIRS ITS SIDE. Kahapon naman, December 14, ay sinagotng The Buzz ang akusasyon ng Startalk at ang naisulat ng isa sa mga host nitongsi Lolit Solis sa kanyang column sa Pilipino Star Ngayon noong Biyernes,December 12, na nag-cause daw ng disorder ang crew ng The Buzz at EntertainmentLive sa burol ni Marky.

Isang nagngangalang Marlon Escalona, crew member ng ABS-CBN,ang nagbigay ng kanyang panig kaugnay ng pangyayari sa burol ni Marky saMountain Province.

"Nakarating kami saMountain Province, 6 p.m," simula ni Marlon. "Sumalubong sa amin yung mgakaanak ni Marky Cielo. Pinakain kami, pina-kape kami. Kumbaga, e, in-entertainkami. So, malaki ang pasasalamat namin."

Pagkatapos nito ayipinakita ang video kung saan nilapitan ng The Buzz si Mrs. Midlred Cadaweng upanghumingi ng permiso para ma-interview siya

Sagot ni Mrs.Cadaweng: "Puwede kaya mag-wash up muna ako? That's what I was about to do. Aalisna ba kayo kaagad?"

"Actually nga,"sabi Marlon, "niyaya nga kami ng the same family at tinanggap din kami pero hindina kami makapag-cover dahil dumating na bigla yung mga labi ni Marky."

Patuloy niya, "Yungmga una naming nakuhanan sa Baguio, sa facade ng bahay nila Marky...hanggangdoon na lang, e. Hanggang doon na lang ang kaya naming ibigay. Kulang, kulang ang shoot pero hanggang doon na lang para magingrespeto sa pamilya ni Marky.

"Wala kaming hawakna video camera noong lumapit kami," paglilinaw ni Marlon. "Ibig sabihin noonay wala kaming plano at wala kaming pakay na kunan yung lugar, yung burol niMarky. Actually, pati kay Mommy talaga magpapasalamat kami."

THE BUZZ'S STATEMENT. Narito naman ang pahayag ng The Buzztungkol sa paratang ng Startalk:

"Malungkot, dahilpinalaki lamang ng kabilang istasyon ang dapat lamang na tahimik na proseso ngpag-cover ng sensitibong balita, tulad ng pamamaalam ni Marky Cielo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa amin lang,kung inalam muna ng kabilang istasyon ang tunay na naganap. Sa likod ngkanilang mapang-akusang pahayag, hindi sana aabot sa ganito ang usapan.

"Ang sa amin lang,responsibilidad ng anumang media network, hindi lamang ng ABS-CBN, ang ihatidang mga balita sa mga manonood—malaki man o maliit, sensitibo man o hindi.

"Hindi ito paglabagsa anumang batas. Hindi ito pagyurak sa pagkatao ninuman. It's everyone'sfreedom to know the latest news and it is our responsibility to get them anddeliver them to the public.

"Ang sa amin lang,kung kinukuwestiyon ng kabilang istasyon ang kawalan daw ng respeto ng ABS-CBN,kawalan nga ba ng respeto ang paghingi ng paalam sa mismong kapamilya ng aktorupang sila ay ma-interview?

"Tanong, itratratoat tatanggapin ba kami ng kapamilya ni Marky ng ganito kainit, kung hindi namin silabinigyan ng kaukulang respeto? Sagot, we don't think so.

"Kararating lamangsa Baguio City, kaagad na nil