FIRST READ ON PEP: Marian Rivera offended by Karylles pa-smile-smile

IMAGE 0


"Na-hurt ako sa kanya dahil kung ako angtatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan' o‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.' Nagkaroon ng malisya ang pagsmile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako," says Marian Rivera about Karylle's answer when asked on The Buzz if Marian is pregnant.



Last to arrive si Marian Rivera for the second grand pressconference of Desperadas 2, one of the two entries of Regal Entertainment inthe 2008 Metro Manila Film Festival, at noon today, December 15, at Imperial Palace Suites.

Directed by Joel Lamangan, almost kumpleto ang cast na dumating including her four "sisters": Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto, IzaCalzado, and Ogie Alcasid; pati na rin ang mga leading men nilang sina Jay-R,Christian Vasquez, TJ Trinidad, Will Devaughn, at Carlo Guevara.

Naka-cast pa rin ang paa ni Marian at doon muna siya tumuloysa doctor niya para ayusin ito. Pag-upo ni Marian na katabi si Rufa Mae, isangunnoticed incident ang nangyari. Katapat niya ang isa sa mga beteranongmanunulat na bago pa lang dumating si Marian ay may galit nang nagkukuwento saisang insidente patungkol sa pagiging "plastikada" raw ni Marian. Nangako angmanunulat na sasabihin niya ito nang harapan sa aktres kung sakaling dumatingito.

Nagkataon naman na pagdating ni Marian, sa harap mismo ngmanunulat siya napaupo sa presidential table. Nang nagkaroon sila ng eyecontact, tuwirang sinabi ng manunulat, "Plastikada ka!" bago ito tumayo.

Nagulat din si Rufa Mae na nakasaksi sa pangyayari. Perodahil nasa presidential table pa sila at tuluy-tuloy ang question-and-answerportion, hindi sila makatayo at makapagtanong-tanong.

Sa interview ni Karylle sa The Buzz kahapon, December 14,nag-smile lang ang ex-girlfriend ni Dingdong Dantes sa panghuling tanong ni BoyAbunda kung buntis ba si Marian. Kaya ang huling tanong kanina kay Marian sapresscon ay kung buntis nga ba siya, gaya ng mga nasusulat. (Click here to read related article .)

Ngumiti muna si Marian at dinaan sa patawa ang unang statementniya. "Puwede bang smile na lang din ang isagot ko?" aniya.

Pagkuwa'y sumagot siya nang harapan, "Hindi po ako buntis."

Patuloy niya, "Na-hurt ako sa kanya [Karylle] dahil kung ako angtatanungin ng ganoong katanungan, ang isasagot ko, ‘Wala po akong alam diyan' o‘Wala po ako sa posisyon na sumagot diyan.' Nagkaroon ng malisya ang pagsmile-smile niya. Inaamin ko, na-hurt ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ni minsan ay hindi binanggit ni Marian ang pangalan niKarylle. Puro "niya" at "siya" lang ang naging pagtawag niya rito.

Dito na nagsimulang gumaralgal ang boses ni Marian at namulaang mata.

"Na-offend talaga ako," sabi niya. "Hindi naman ako tanga atlalong hindi na ako bata para magkamali ng ganoon na magpabuntis. Marami paakong gustong mangyari sa career ko at kung mangyayari man yun, ako na angmagsasabi sa inyo. Isa pa, kung mag-boyfriend kami ni Dingdong, ako ang unangaamin dahil lahat naman ng naging boyfriend ko, naging proud ako."

Dagdag niya, "Makakasagot naman siya [Karylle] dahil mayalam naman siya. Sana hindi niya na lang idinaan sa pa-smile-smile."

Mas lalong uminit ang interview nang mag-comment ang isangbeteranong manunulat sa microphone na baka kaya naisip ito ni Karylle ay dahil ba