Marky Cielo’s parents recall fondest memories with their son

IMAGE 0


"Ayaw niya magkaroon or mag-create ng gulo, asmuch as possible maiwasan... Wala akongmaalala na may nakaaway siya," paglalarawan ni Mr. Bobby Cielo tungkol sakanyang lumisan na anak na si Marky Cielo.



Sa maagang pagpanaw ng binatang aktor na si Marky Cielo,naiwang nagdadalamhati ang dalawa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya—angkanyang mga magulang na sina Mrs. Mildred Cadaweng at Mr. Bobby Cielo.

Sa halip na mapag-usapan ang kalungkutan na kanilangnararamdaman, sinariwa ng mga magulang ni Marky ang mga masasayang ala-ala nanaiwan sa kanila. Sa kanilang hiwalayna panayam sa Showbiz Central na ipinalabas kahapon, December 14,napag-usapan kung gaano naging mabuting anak si Marky.

Ayon kay Mrs. Cadaweng, "Ang talagang hindi namin makalimutansa kanya ay talagang inuuna niya kami. Sobra niyang mapagmahal sa amin, sobrang kami ang inaalala niya,inaalagaan niya. Kami 'yong pinapasaya niya, bago ang sarili niya."

Sa kabilang banda, si Mr. Cielo naman ay napangiti habangkinukwento ang pagpapatawa ng kanyang anak. Aniya, "Minsan may mga ano 'yan, spontaneous lang na patawa, mga expressionsa mukha. Minsan tatakbo na lang 'yansa gate, 'tapos biglang mag-pose o mag-try, ‘Mama, tingnan mo ako, Mama!' In fact, sa kalikutan niya, minsan nasugatna sa kamay dahil nabali sa akyat nang akyat. Minsan sa kalikutan niya lagi."

Nabanggit din ng ama ni Marky ang pagkahilig ng kanyang anak saarts at kung paano nito napabuti ang kanilang relasyon bilang mag-ama.

"Si Buknoy [palayaw ni Marky], grabeang interest niya sa arts. Noong una,visual arts ang kanyang training. Later, dine-develop ko ang kanyang skill sa dancing. So, napakabilis at napakadali lang niyaturuan. Kapag bata pa, talagang meronsiyang sketches na sarili niyang ginawa.Doon ako natutuwa dahil 'yong interpretation makikita."

Dagdag pa ni Mr. Cielo, naging magkatuwang din sila sa paglalakbayni Marky sa larangan ng showbiz noong nag-uumpisa pa lamang ito.

"Minsan, bago mag-contest, may system kami, mag-uusap kami,‘O, ano ba ang concept mo, idea mo sa theme? Ano ba ang gusto mongi-project sa theme na 'yan?' Ang sa akin lang naman, ibang feelingkapagfather ka at manalo 'yong anak mo, na may interest din pala siya saganungbagay, ibang tuwa," lahad ng ama ni Marky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa mga ito, lubos ang pagkagulat ni Mr. Cielo sa pagpanawng kanyang panganay na anak.

"Gulat, shock ako sa balita. Hindi ko naman ine-expect na mangyari," malungkot na sabi niya.

PREMONITIONS OF MARKY'S DEATH. Ayon kay Mr. Bobby, hindi rin namannagkaroon ng pagpaparamdam mula sa kanyang anak bago ito namatay.

Ang tanging naaalala na lamang ni Mr. Cielo ay ang dalawanginsidente na maaaring naging pangitain sa pagkamatay ng kanyang anak.

Una ay ang pagtatanong niya kay Marky kung mamimigay siya ngmga regalo sa kanyang fans ngayong Pasko.

"Ibig sabihin, sa pagtanong ko sa kanya, alam niyang merongphotos pero sinabi niya sa akin wala. Dalawa ang naiisip ko, it's either nag-project na siya ng ganito nawala, o ayaw na lang niya mag-commit na'may ibibigay ako sa mga fan.'"

Pangalawa, ay ang kanyang pagkainteres na bumili ng putingbulaklak.

"Bago siyamamatay, dumaan ako sa simbahan sa may bandang Anonas. Bigla akong napabili ng bulaklak, e, hindinaman ako bumibili palagi. Pero thattime, gusto ko talagang bumili ng puting bulaklak, ilalagay ko lang sa bahay," kuwento ni Mr. Cielo.

LAST MESSAGE FOR MARKY. Bagama't hindi nagkaroon ng sapat na panahon para magsama angmag-amang Marky at Bobby Cielo, nais naman magpasalamat ng huli dahil sakanyang narinig mula sa mga kaibigan ng StarStruck Ultimate SoleSurvivor.

Pahayag ni Mr. Cielo, "Kung may chance lang na makarinigniya sa akin, gusto ko lang ipaabot na salamat din na may mga taongnag-relaysa akin na sinabi mong mahal mo ako. Hindi ko naman narinig sa kanya.'Yon lang, salamat kahit hindi directly nabanggit mo sa akin, at leastnapaabot mo sa ibang tao. Kung hindi konakausap ang mga kasama mo sa StarStruck, hindi ko alam na ganun anglalim ng pagmamahal mo. Gusto kongipaabot sa 'yo na mahal din kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, nagbigay naman muli ng pasasalamat ang ina niMarky sa mga suportang natanggap niya mula sa mga katrabaho at fans ng kanyanganak.

"Sa lahat ulit ng humanga at nagtiwala sa aking anak,salamat sa inyo," wika ni Mrs. Cadaweng. "Sa mga katrabaho niya, sa GMA-7, sa management ng GMA-7, salamat sainyong lahat. Ang sinasabi ko, hindilang ngayon na pinasasalamatan ko. Mula pa noong day one ay damdam na namin angsuporta ninyo at alam namin na hindi ninyo kami iniwan hanggang sa hulingsandali."

Sa huli, tinanong ng showbiz reporter na si Lhar Santiago siMrs. Cadaweng kung ano ang magiging plano nila matapos ihatid sa hulinghantungan si Marky ngayong araw.

"Sasamahan namin siya hanggang saPasko at tatapusin lahat 'yong mga dapat na mga rituals at saka mga dapat nagawin, like 'yong nine days na rosary siguro hanggang sa forty days. Sasamahan muna namin siya ito sa amin,pagkatapos noon wala pa akong plano," saad ng ina ni Marky.

Kaninang hapon ay inihatid na sa kanyang huling hantungan si Marky sa bakuran ng kanilang bahay sa Bauko, Mountain Province.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN