Carmina Villarroel sees lifetime partnership with Zoren Legaspi without wedding rites

IMAGE 0


TV host-actress CarminaVillarroel says that her relationship with partner Zoren Legaspi remains strongdespite the absence of marriage vows. "Kasi parang wala kasing kulang, 'tsaka walakaming anniversary. Kaya kung tinatanong ako 'gagaano na kayo katagal', hindi ko alamkasi hindi kami yong yearly we celebrate...basta para sa ‘min lifetimena 'to, so huwag na tayong magbilangan."



Hindi nakakaramdam ng pressure siCarmina Villarroel kahit pa madalas siyang tinatanong ngentertainment press kung kailan ba talaga nila balak magpakasal ng kanyanglong-time partner na si Zoren Legaspi.

Last Friday, December12, sa press conference na inihanda ng Bioderm Family Germicidal soap para kayCarmina sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, sinabi niCarmina na bagama't hindi naman nawawala sa isip nila ni Zoren ang ideya ngpagpapakasal ay kuntento at masaya naman sila sa kanilang set-up.

"Walang balakid, walangmay ayaw, walang may ganito, wala... It's just that hindi lang naminnapag-usapan, it's only because we don't feel na may missing or maykulang," diretsongpahayag ni Carmina nang makapanayam siya ng PEP (PhilippineEntertainmentPortal) at iba pang entertainment press.

Alam ng publiko na datinang ikinasal si Carmina kay Rustom Padilla, subalit nauwi sahiwalayan ang pagsasama ng dalawa. Marami tuloy ang nag-iisip na baka tuluyanna kasing nawalan ng gana si Carmina sa seremonya ng kasal kaya umiiwas na siya ngayon.

"Hindi dahil sa na-traumatizedako or ganito or ganyan," mabilis na paglilinaw nito. "Di ba, hindi ka namanmaghahanap kung wala ka naman dapat hanapin?"

Aminado si Carmina naat the age of 33 ay mas praktikal na ang domestic views niya, hindi katuladnoong mas bata pa siya at dalaga. Kung sakali man nga raw na ikasal sila ni Zorenay mas pipiliin niya na simple lang ang seremonya.

"Okay lang naman, hindiko naman kailangan ng engrandeng ganito... Kasi kung may ganung feeling ako natypical girl na, ‘Ay, dapat naka-wedding gown ako! Dapat naka-ganito!' Kaso paranglumipas na yata 'yong ganun kasi wala naman sa 'king problema. Like what I said, hindinaman ako nakukulangan."

ZORENAND THE GUTIERREZES. Very happy naman si Carmina dahilmaganda at maayos ang relasyon ni Zoren sa pamilya ng ex-girlfriend nito na siRuffa Gutierrez. Nagbigay kasi ng pahayag dati ang mga magulang ni Ruffa nasina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez na gusto nila ang ugali ni Zoren dahillikas daw itong mabait at marunong makisama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung tutuusin ay long overdue naang obserbasyon na ito, pero naiintindihan naman ni Carmina dahilpareho pang bata sina Zoren at Ruffa noong mga panahon na sila'ymagkasintahan. Alamnaman din ng publiko kung gaano ka-protective si Annabelle kay Ruffanoongdalaga pa ito.

"Natutuwa ako kasinagsimula ‘yan nung gumawa sila ni Tito Eddie, ni Chard 'tsaka si Zoren ng Mulawin.Simula kasi nung project na ‘yon,dun lang sila naging close ni Tito Eddie. Imadyinin mo all this timena, siyemprealthough it's understandable naman na dati, bata pa sila mga ganyan.Pero ito, parang na-touch ako kasi Tito Eddie said [to Zoren] na, ‘I'mso happy we weregiven this chance na makatrabaho ka at makilala ka nang husto,"masayang kuwentoni Carmina.

Patuloy niya, "Kasi si Zoren talaga,akala mo lang talaga parang mayabang or ganito. Pero if you really get to knowhim, sobrang ang bait niyan na parang bata. Unang-una, hindi kami magla-last ngganito kung hindi ganun ang ugali niya."

Very proud din siCarmina dahil maayos ang relasyon nila ni Zoren sa buong Gutierrezfamily, kahit na may nakaraan ang kanyang partner at ang unica hijaninaAnnabelle at Eddie.

"Okay ‘yong friendshipnamin ni Ruffa," ani Carmina. "Hindi naging hadlang ‘yong pagiging ex nila. So kahit namagkakasama kami, walang selos, walang ilangan. Kaya nga every time, kahitintimate party lang sa Gutierrez, we're always invited kaya sobrangna-appreciate ko talaga. At least, nakilala na nila yong totoong Zoren."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN