KC Concepcion admits crying over Joey Reyes's resignation

IMAGE 0


"Understandable naman po talaga ang mga rasonniya. Pero naiyak ako, sa totoo lang. Hanggang kagabi, kaninang umaga, umiiyakpo ako. Siyempre, natatakot din ako kung ano ang magiging resulta. But, ofcourse, sometimes kailangan lang talagang gumawa ng desisyon. Tingnan na langpo natin kung ano ang mangyayari," says KC Concepcion about the resignation of director Joey Reyes from her second movie with Richard Gutierrez.




Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si KC Concepcion lastweek sa rehearsal ng Katy! The Musical Concert, hindi niya itinago ang excitement sa pagsisimula ngshooting ng second movie nila ni Richard Gutierrez for GMA Films and Regal Entertainment.

Kasama sa excitement ni KC ang makatrabaho ang kanilangmagiging direktor sana na si Joey Reyes. Pero ilang araw pagkatapos makausap ng PEP si KC sa rehearsal ng Katy, naibalita rito sa PEP na nag-resignna si Direk Joey bilang direktor ng pelikula nila ni Richard. (Click here toread related story.)

Tiyempo naman na kahapon, December 15, nagkaroon ng pressconference para sa Katy! The Musical Concert sa Annabel's restaurant sa TomasMorato, Quezon City. Tinanong namin si KC kung ano ang reaksiyon niya sapag-resign ni Direk Joey.

"Mabuti na lang part ako nito [Katy! Musical Concert] bilangsiya [Direk Joey] ang nagsulat ng mga kanta. Siya ang nagsulat ng mga kanta ngKaty, na original po nila ni Mr. C [Ryan Cayabyab]. At least, kahit papaano,makaka-work ko si Direk Joey na mahal na mahal ko," sabi ni KC.

Ano nga ba ang nangyari at nag-resign bigla si Direk Joey?

"Medyo creative difference po yata na hindi napagkasunduanni Direk Joey at ng GMA. Kami rin po, palagi po kaming nagbibigay ng comments.So, marami po kaming binabago," sagot ni KC.

Sinabi rin ni KC na mismong si Direk Joey ang nagsabi sakanya na magre-resign na ito.

"Nag-text po siya sa mga managers ko, nag-explain po siyakung bakit kailangan niyang gawin. Hiniwalay naman po niya kami ni Chard. So, talagang ang problema niya poyata ay between him and the producers. Naiintindihan ko naman po nangsobra-sobra yung mga points niya."

Dagdag ni KC, "Understandable naman po talaga ang mga rasonniya. Pero naiyak ako, sa totoo lang. Hanggang kagabi, kaninang umaga, umiiyakpo ako. Siyempre, natatakot din ako kung ano ang magiging resulta. But, ofcourse, sometimes kailangan lang talagang gumawa ng desisyon. Tingnan na langpo natin kung ano ang mangyayari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER PRESSURE. Pagkatapos ng presscon ng Katy ay dumiretso si KC at ang kanyang manager na si Shirley Kwan sa GMA Network Center paramapag-usapan kung ano na ang mangyayari sa pelikula nila.

Gaya ng naibalita rito sa PEP, si Joel Lamangan na angmagdidirek ng ikalawang pelikula nina KC at Richard. Sisimulan na rin angshooting ng pelikula, na wala pang final title, sa Huwebes, December 18. (Click here to read related story.)

Still, excited pa rin si KC sa pangyayaring nagkaroon ngex-deal sa pagitan ng dalawang networks, ABS-CBN at GMA-7, dahil sa team-up nilani Richard.

"At least, di ba, kahit papaano, na-bring together yungdalawang station? Ex-deal kasi siyang talaga. Ako, nahiram sa ABS-CBN, si Chardnaman, sa GMA."

Aminado naman si KC na kung may pressure noon sa first movieniya na For the First Time, ngayon ay panibagong pressure na naman. This time, kailangan naman nilang mapantayan o mahigitan ang first movie nila.

"Of course, may pressure," sabi niya. "Of course,ninenerbiyos ako nang sobra-sobra, kasi hino-hope ko na ganoon din ang suportang mga tao. Hino-hope ko na sana, ganoon din ang ipakita nilang pagmamahal, nahindi ko naman hiningi sa kanila. Pero sana, sana mangyari yung ganoon. Kasi,ibinibigay rin namin sa kanila ang lahat."

NOTHING CHANGES. Kung ang pagbabasehan ay ang mga naging sagot ni KC,tila walang epekto sa kung anumang closenessmeron sila ni Richard ang naging isyu sa young actor lately.

"Okey kami ni Richard. Okey kami," nakangiting sabi ni KC. "Well,before, araw-araw kaming nagkikita. He just arrived from Las Vegas, nanood siyang Pacquiao [fight]. Dapat nga kasama ako run, kaso hindi na ako nakasunod. Maywork kasi, may inaayos pa kaming project sa ABS-CBN. E, siya, since ilang taonna rin naman ang work niya, naka-take siya ng leave."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw nabago sa kung anumang closeness meron sila niRichard noong ginagawa pa nila ang kanilang first movie sa Star Cinema hanggangngayon.

"We're very honest with each other. We're very open to eachother. Para kaming yung very good friends na mag-usap talaga about anything.Very transparent kami sa isa't isa. Siguro lang ngayon, hindi kami nagkikitangmasyado because of work. Unlike noon, yung work namin, magkasama. Pero ngayonnaman, mangyayari ulit, so masaya. Masaya naman," saad ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN