Marky Cielo finally laid to rest

IMAGE 0


Young actor Marky Cielo, 20, was finally laid to rest earlier this afternoon, December 15, at the backyard of their house in Sitio, Bauko, Mountain Province.



Inihatid na sakanyang huling hantungan ang yumaong batang aktor na si Marky Cielo kaninanghapon, December 15, sa bakuran ng kanilang tahanan sa Sinto, Bauko, MountainProvince.

Dumating ang mahigit sa limandaang katao, kabilang na ang mga kamag-anak,kaibigan, at mga tagahanga ni Marky, sa libing ng nag-iisang StarStruckUltimate Sole Survivor.

Ayon sa report niNelson Canlas para sa 24 Oras, bago ang libing ay isa munang misa ang isinagawa sa kapilya malapit sa bahay nina Marky. Pagkatapos ng misa ay nagsalita ang ina niMarky na si Mrs. Midlred Cadaweng upang pasalamatan ang napakaraming nagmamahalsa kanyang anak.

Nagsalita rin angaction superstar na si Robin Padilla, na nakasama ni Marky sa TV series naAsian Treasures at sa pelikulang Till I Met You. Kinilala ni Robin angkontribusyon ni Marky sa showbiz. May usapan na rin daw sila na kapag nagretirosi Robin ay si Marky na ang papalit sa kanya bilang action star.

Ayon kay Robin,pagkatapos manalo ni Marky sa StarStruck ay ipinahanap niya na raw ang binatadahil pareho silang "highlander." Kung si Marky ay taga-Mountain Province, siRobin naman ay lumaki sa Baguio.

Bukod kay Robin aynamataan din ang mga kasamahan ni Marky sa StarStruck na sina Jan Manual, StefPrescott, Rich Asuncion, at LJ Reyes.

Naging madamdaminnaman ang mismong libing ni Marky, bagamat tahimik lang ang pagluha ng mgataong nagmamahal sa kanya.

Nakasuot ng kulay green na damit ang pamilya niMarky. Ang green ang kulay ng costume noon ni Marky sa fantaserye na Zaido:Pulis Pangkalawakan.

Pagkatapos ng libingay tinipon muli ni Mrs. Cadaweng ang mga kaibigan ni Marky upang magpasalamat sa kanila.

"Bahay niya rin yungGMA. Bahay niya rin yung bahay n'yo. Naging kayo yung kanyang mga kaibigan,"saad ng ina ni Marky.

Naikiusap din ang inani Marky na tigilan na ang mga espekulasyon tungkol sa maagang pagkamatay ngkanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na siya artista, so sana tapos na rinsiya sa kanyang public service. Hindi na rin siya makakasagot. Hinihingi ko nalang na papahingahin na natin siya," pahayag ni Mrs. Cadaweng.

Sa murang edad na 20 ay binawian ng buhay si Marky sa kanilang tahanan sa Antipolo City noong December 7.

Pagkatapos siyang tanghalin bilang Ultimate Sole Survivor sa StarStruck, noong 2006, napanood na siya sa iba't ibang palabas sa GMA-7. Kabilang na rito ang Encantadia, Fantastikids, Bakekang, Asian Treasures, Boys Nxt Door, Kaputol ng Isang Awit, at Codename: Asero. Pero mas kilala siya ng marami, lalo na ng mga bata, bilang si Zaido Green sa Zaido: Pulis Pangkalawakan.

Bago sumakabilang-buhay si Marky ay mainstay siya sa musical-variety show na SOP at sa primetime series na La Lola. Maririnig din ang kanyang tinig bilang Ichigo Kurosaki sa anime na Bleach.

Bagamat maikling panahon lamang ang inilagi ni Marky sa mundo at sashowbiz, napakaraming tao ang kanyang pinasaya. Kaya ganoon na lamangang kanilang pagdadalamhati, maging ng mga taong hindi gaanongnakakakilala sa kanya.

Ngunit dahil na rin sa kagandahang-asal na ipinakita niya, hindilamang sa kanyang pamilya at mga kaibigan kundi maging sa mganakatrabaho niya, mananatili ang lahat ng magagandang alaala na iniwanni Marky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN