Toni Gonzaga's past tension with Anne Curtis is closed chapter

IMAGE 0


"Masasabi ko na okey kami pag magkasama at magkatrabaho,although hindi kami yung close na close, gaya kina Mariel [Rodriguez] and Bianca[Gonzalez], dahil may kanya-kanya kaming trabaho ni Anne. Okey kami pagnagkikita kaming dalawa, there's no bad blood between us," says Toni Gonzaga about Anne Curtis (inset).



Nilinaw ni Anne Curtis sa nakaraang interview sa kanya ngThe Buzz na okey sila ni Toni Gonzaga, taliwas sa lumalabas na balita na matagal na rawsilang may hidawaan at hindi nagpapansinan pag off-cam at walang ibang tao nanakakita sa kanila.

Lumabas ang pangalan ni Sam Milby—Anne's ex boyfriend atnaging ka-M.U. naman ni Toni—na siya raw dahilan ng "cold war" sa pagitan ngdalawang ABS-CBN female stars.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayToni, inamin niya na totoong nagkaroon ng tensiyon sa kanila noon ni Anne. Peronilinaw naman ng TV host-actress-singer na matagal na itong natuldukan atnaayos.

"Hindi kami nag-away," paglilinaw ni Toni. "Siguro nagkaroonlang ng kaunting tension dahil na rin sa mga taong naglalagay ng kulay dahil samga nangyari. Pero other than that, wala na. Siyempre, showbiz ito, alam nilana na-link kami pareho [ni Anne] kay Sam, nilagyan na yun ng kulay. Pero saamin ni Anne, wala na yun, matagal na. Kumbaga, closed chapter na yun."

Hindi man daw sila close sa isa't isa, iginiit na Toni nawalang problema pag nagkikita sila ni Anne sa bakuran ng ABS-CBN, lalo pa'tmagkasama sila linggo-linggo sa ASAP ‘08.

"Masasabi ko na okey kami pag magkasama at magkatrabaho,although hindi kami yung close na close, gaya kina Mariel [Rodriguez] and Bianca[Gonzalez], dahil may kanya-kanya kaming trabaho ni Anne. Okey kami pagnagkikita kaming dalawa, there's no bad blood between us," saad ni Toni.

LOVELIFE IS PRIVATE. Si Sam Milby ang nakikitang common denominator kung bakitpinagsasabong silang pilit ni Anne ngayon. Since nasa iisang network at iisangfilm outfit, ang Star Cinema, open kaya si Toni na makatrabaho si Sam gayongpuwedeng gawan na naman sila ng intriga kahit open na ang relasyon ng TVhost-actress kay Direk Paul Soriano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman!" sambit ni Toni. "Ever since naman, kahit sinongma-link sa akin, ready ako to work with them. Wala naman kami naging problemani Sam, magaganda yung mga projects na nagawa namin, may fan-based kami. Nagingparte siya ng showbiz career ko. So with that, I'm thankful and grateful sanaging working relationship namin."

Para kay Toni, masaya siya na hindi publicized ang relasyonnila ng kanyang kasintahan.

"We're okey, tahimik, very private. Tama na yung inaminnamin kung ano ang totoo, okey na yun."

Pagkatapos ng Pinoy Dream Academy Season 2 at My Only U, saASAP ‘08 na lang regular na napapanood si Toni. According to Toni, siya mismoang nag-decide na mag-lie low ng kaunti at hindi muna tumanggap ng mga trabahosa pagtatapos ng 2008.

"Towards the end of the year, itong buwan ng December, wala akong gaanongtinanggap na trabaho after ng movie namin ni Vhong [Navarro]. Para naman maypanahon na makapagpahinga. Kasi by 2009, trabaho na naman. I'm gonna start amovie by the end of January next year," pagbabalita ni Toni.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN