Gerald Anderson neither confirms nor denies rumored romance with Kim Chiu

IMAGE 0


"Alam naman ng lahat na gustung-gusto ko si Kim. Kung mayroonakong gustong makarelasyon, siya na yun," says Gerald Anderson about onscreen partner Kim Chiu, who is bruited about as his girlfriend of eight months.
"Alam naman ng lahat na gustung-gusto ko si Kim. Kung mayroonakong gustong makarelasyon, siya na yun," says Gerald Anderson about onscreen partner Kim Chiu, who is bruited about as his girlfriend of eig



Hindi kasasawaanagad ng publiko si Gerald Anderson dahil sa pabagu-bago nitong image.Mula sa ruggedly handsome and intense look niya sa miniseries na Your SongPresents My Only Hope, heto at clean-cut Gerald ang tumambad sa PEP (PhilippineEntertainment Portal) nang makapanayam namin siya sa taping ng TayongDalawa kahapon, December 17, sa Tivoli Royale, Quezon City.

"Noong una, parangnanibago ulit ako dahil clean-cut uli ako," sabi ni Gerald."Kailangan kasi dahil sundalo ang roles namin dito ni Jake Cuenca. Maramiang mas nagkakagusto siyempre sa clean-cut, pero mas comfortable ako sa ruggedlook. Okey lang kasi kahit hindi na masyadong inaayos kung rugged ang look,kesa yung clean, mas kailangang clean talaga."

LIFE-CHANGING EXPERIENCE. For a change,nakasanayan na rin niya ang malinis na porma, lalo na't nag-immersion pala silani Jake mismo sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

"Ilang araw rinkaming nandoon, nakihalo sa mga totoong sundalo," banggit ni Gerald. "Changeof image na rin talaga for me. After My Only Hope, na medyo mature na, masmature itong sa Tayong Dalawa, at action din.

"Pinaghandaannamin ni Jake ang mga action scenes namin dito. First time ko sa action kayamalaking tulong sa akin ang suporta ni Jake."

Sa pamamalagi nilasa PMA, naroroong talagang mag-ensayo sila sa kanilang boxing routines. Parakay Gerald, life-changing experience ito.

"Kahit paano,natuto kami ng mas matindi pang disiplina," saad ni Gerald. "Pahirapnang pahirap ang challenges sa amin ni Kim [Chiu, his onscreen partner] sa mgateleserye namin. And with Jake, nakadagdag pa yun ng panibagong angle napuwedeng pag-usapan."

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET. About Kim,usap-usapan na pagkatapos ng isang taping nila sa Baguio, may mganakakitang hinagkan ni Gerald sa labi si Kim nang maghihiwalay na sila.So, may isyu nangayon na ilang buwan na raw na mag-on ang dalawa. Lalong kinukulitngayon siGerald sa tunay na sitwasyon nila ng kanyang ka-love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ah, yun ba?What you see is what you get na lang!" natatawang sabi ni Gerald.

"Ayokong bastamagsalita about MU [mutual understanding], kasi dapat alam na rin ninyo yundahil yun ang nakikita na sa amin. Ganoon na lang. Mahirap mag-elaborate,"ang tila nagugulumihanang dugtong ng batang aktor.

Para kay Gerald,ngayong Kapaskuhan, tiyak na mas masaya ito. Hindi man siya magsalita patungkol sa diumano'y eight months nang itinatagal ng kanilang relasyon ni Kim,bukod sa trabaho ay nakakapag-spend pa rin sila ng more time together.

"Wala namangipinagbabago sa amin ni Kim," sabi ni Gerald. "Pagdating din sa gift-giving,hindi na rin siguro dapat pinag-uusapan ang naibibigay namin sa isa't isa. Lahatkasi halos, napapa-publicize na. Gaya noong nakaraang birthday ni Kim, sobrangbig deal yung pagreregalo ko sa kanya ng kotse, which she really deserves. Dahilbukod sa closeness namin, let's face it, kulang pa yun sa laki ng isinuportaniya sa akin, hindi lang bilang kaibigan, kung hindi bilang artista rin."

Ito rin ang dahilankung bakit namatay na lang nang kusa ang umuusok na intriga kina Gerald atPauleen Luna.

"Wala namankasi talaga yun," giit ni Gerald. "Pinalalaki lang. Maingat din talagaako, kasi ayokong ma-offend si Pauleen. Mabuti na lang naiintindihan niya yungsitwasyon. Nahihiya rin akong pag-usapan ang ganyang bagay na wala ringkatotohanan, in the first place.

"Basta, masaya ako sa suporta ng ABS-CBN saamin ni Kim. At alam naman ng lahat na gustung-gusto ko si Kim. Kung mayroonakong gustong makarelasyon, siya na yun. Behave naman talaga ako. Masyado langgrabe yung tsismis na ikinakalat tungkol sa akin," napapailing napagwawakas ng binata.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN