Director Joey Reyes explains two reasons for dropping Richard-KC Valentine movie

IMAGE 0


"Sinabi ko sa kanila na labas sa pagre-resign ko sinaRichard at KC. Nanghihinayang nga ako kasi si Richard, kahit ilang araw ko langna-handle sa My Monster Mom, nakita ko kung paano siya magtrabaho. At si KCnga, matagal ko nang friend ang mommy niya at kilala ko na siya since noongbata pa siya na isinasama-sama ni Sharon sa taping at shooting," says director Joey Reyes in connection with his resignation from the second movie team-up



Masaya na si Direk Joey Reyes nang makausap ng PEP(Philippine Entertainment Portal) bago ang special press preview ngMagkaibigan—ang entry ng Maverick Films sa 2008 Metro Manila FilmFestival—sa Podium Cinema kagabi, December 17. Dumalo rin sa movie preview ang mga bida ng Magkaibigan na sina Jinggoy Estrada, Christopher deLeon, Maricel Laxa, Dawn Zulueta, at ang mga gumanap na anak nila na sina AJPerez at Ryan Julio.

Inamin ni Direk Joey na medyo down ang pakiramdam niyalately. Pero aniya, "Bigla akong sumigla last Tuesday [December16] nang ibalita sa akin na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang movie namin. Okey rin sa akin na PG-13 ang classification na ibinigayng MTRCB, dahil sa tema ng pelikula.Kailangan talaga ang guidance ng parents nila sa mga bata below 13 namanonood ng movie.

"Sabi ko nga, lalong makukumpleto ang saya ko kungmabibigyan din kahit ng B rating ng CEB ang isa ko pang filmfest entry, ang OneNight Only ng OctoArts Films. Pero kung mabibigyan din ito ng A, magsasayaw akonang hubad diyan sa Timog Circle! Naku, joke lang ‘yon, ha!" tawa niya.

Binati namin si Direk Joey pagkatapos ng screening dahilhalos lahat ng nanood ng Magkaibigan ay lumabas sa sinehan na nagpapahid pa ngluha. Maganda raw at malinis ang script niya.

"Sana, makita ng mga manonood ang gusto namingiparating sa pamamagitan ng pelikula," saad ng direktor. "Alam namingmaraming makaka-relate sa mga manonood ng movie, lalo na yung mga maypinagdaanang karamdaman sa pamilya na tulad ng ikinamatay ni Boyet [Christopherde Leon bilang Daboy] sa story. At nagawa ko ito dahil sa mahuhusay na artista ko nanagampanan ang kani-kanilang roles sa movie."

Manonood ba si Lorna Tolentino ng premiere night ngMagkaibigan sa Sabado, December 20, sa SM City North EDSA?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana," sagot ni Direk Joey. "Gusto kong malamanang reaction niya, pero parang hindi ko kayang tingnan si Lorna if everdumating siya sa premiere showing. Pero tribute namin talaga ito para kay Daboy[Rudy Fernandez, Lorna's husband]."

Ang istorya ng Magkaibigan ay inspired sa pagkakaibigan niJinggoy at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

DIREK JOEY RESIGNS. Tinanong namin si Direk Joey kung ang dahilan ng pagigingdown niya lately ay dahil sa pagbitiw niya bilang direktor ng Valentine movienina Richard Gutierrez at KC Concepcion for GMA Films and Regal Entertainment.

"Yes," pag-amin niya. "Down ako dahil naawarin ako sa mga tao ko na may trabaho sana ngayong Christmas, pero hindi nganatuloy. Kinausap ko na rin si Sharon [Cuneta, KC's mom] dahil alam niyang akoang magdidirek ng second movie ni KC. Si Tita Annabelle [Rama, Richard's mom], nakausap ko na rin. Nakakatawanga, pinatawagan niya sa secretary niya si Joey Abacan ng GMA Films, pero numberko ang na-dial niya kaya nagkausap kami.

"Sinabi ko sa kanila na labas sa pagre-resign ko sinaRichard at KC. Nanghihinayang nga ako kasi si Richard, kahit ilang araw ko langna-handle sa My Monster Mom, nakita ko kung paano siya magtrabaho. At si KCnga, matagal ko nang friend ang mommy niya at kilala ko na siya since noongbata pa siya na isinasama-sama ni Sharon sa taping at shooting.

"Naintindihan naman ako ni Sharon at ni Tita Annabellenang sabihin ko ang two reasons ko kung bakit ako nag-resign. Una ay angcreative differences. Alam ko na as producers, may karapatan ang GMA Films atRegal Entertainment na mag-demand sa akin ng gusto nila, pero hindi kami talaganagkasundo sa story.

"Ang pangalawa, ayokong ma-pressure na kailangang matapos koang project dahil may Valentine playdate na ang movie sa February 11. Mahirapmag-shooting kapag Christmas season dahil madalas hindi available ang mgaartista. Sa January 6, birthday pa ni Sharon. Ayokong tanggapin ang projectkung hindi ko ito matatapos nang maayos," paliwanag ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam ba niyang umiyak si KC nang malamang tinanggihan niyaang project?

"Mas iiyak naman ako kung hindi ko matatapos nangmaayos on time ang pelikula nila ni Richard," sagot naman ni Direk Joey.

Alam ba niyang kay Direk Joel Lamangan ibinigay ang project?

"Yes," pagkumpirma ni Direk Joey. "Bago niya tinanggap, tinawagan muna ako ni Joel atsinabi niyang sa kanya raw in-offer ang pagdidirek ng movie. Sagot ko sa kanya,walang problema sa akin. Ganoon kami magsamahang magkakapatid na direktor, nahindi basta tatanggap ng project kung alam naming may una nang pinagbigyannito.

"Sana ay magawa rin ang ganito ng ibang mga mas batangdirektor na magkaroon ng delicadeza at rumespeto sa kanilang kapwa direktor. Kilalako si Joel at naniniwala akong kaya niyang tapusin ang movie on time."

Ano ang susunod niyang project ngayong bakante ang scheduleniya?

"Natapos ko na rin ang shooting ng Single ni Rufa Mae [Quinto]for Viva Films. Next year na ipalalabas ‘yon. May ilang projects din kamingpinag-uusapan ni Orly Ilacad sa OctoArts Films, pero siguro after na ng Christmaskami magmi-meet para doon."

Saan siya magpapalipas ng Holiday season?

"Sa Manila lang ako magki-Christmas. Pero ang New Year,sasalubungin ko sa Boracay para sa paggawa ng bagong kasalanan!" biro niya.

UPDATE ON RICHARD-KC MOVIE. Nakakuha naman ng update ang PEP tungkol sa Valentine movienina Richard at KC, na may working title na Save The Best For Last, mula sascript ni Aloy Adlawan.

Mamayang hapon, December 18, ay may teaser shoot sinaRichard at KC, na susundan ng pictorial. Pagkatapos ay ang final storyconference.

Makakasama nina Richard at KC sina Eula Valdes as the auntof KC, Cherry Pie Picache and Tonton Gutierrez as her parents, and Alfred Vargas asher boyfriend.

Si Iya Villania naman ang girlfriend ni Richard, si FreddieWebb ang daddy niya at friends nila sina Paolo at Bubbles Paraiso, at isang castawayng Survivor Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayos na rin ang schedule ng shooting from December 20 to 23,then December 27 to 30. Magre-resumesila sa January 7 to 23, 2009. May one week shoot sila sa Coron, Palawan,pagkatapos ng mga eksenang kukunan sa Metro Manila.

Priority ito nina Richard at KC, dahil hindi pa namansila magsisimulang mag-taping ng kani-kanilang teleserye hanggang hindi nilanatatapos ng shooting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN