Kim Chiu admits "mutual understanding" with Gerald Anderson

IMAGE 0


"Basta ang set-up namin niGerald, hindi complicated. Ayaw naming paguluhin ang sitwasyon. Happy kami ngganito. Masaya kami with each other, so ganoon na lang yun," says Kim Chius about her relationship with Gerald Anderson.



Sa Tayong Dalawa,pinag-aagawan ng dalawa sa pinakamainit na young actors sa kasalukuyan angganda ni Kim Chiu. Kasama ni Kim bilang leading men sa pinakabagong teleseryeng ABS-CBN, na baka mag-premiere sa simula ng 2009, sina Gerald Anderson at JakeCuenca.

"Kung in reallife, pinag-aagawan nila ako, malilito ako. Feeling long hair talaga ang beautyko!" at napatili si Kim sa sinabi.

"Seriously,na-experience ko 'yan noong nasa high school pa ako. Kaka-transfer ko langnoon, ‘ayun, ang daming lumalapit at nanliligaw. Nakakalito talaga, kahitnga yung iba crush lang, pero grabe na ang atensiyong ibinibigay nila."

Tahasang sinabi niKim na may MU [mutual understanding] nang namamagitan sa kanila ni Gerald. Veryhonest ang dalaga tungkol sa anggulong ito.

"Kayaimposibleng magkaroon pa ng away sa kanila ni Jake. Magkatrabaho lang kami niJake, although friends din kami. Iba na nga lang yung sa amin ni Gerald,"ani Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Tayong Dalawa kahapon, December 17.

So, ang ibig sabihinni Kim, walang commitment ang kasalukuyang set-up nila ni Gerald?

"Ganoon na ngayun. May understanding kami, pero puwede siyang manligaw ng iba kung gugustuhinniya, at puwede siyang magbago ng choice. What I mean is, iba ang sitwasyonkung talagang mag-on na talaga kami. Hindi ako papayag sa gano'n, kaya ngaayoko pa talagang mapunta kami sa ganoong sitwasyon," paliwanag ni Kim.

Okey lang na ma-linkpa si Gerald sa iba?

"Okey lang,kung yun ang gusto niya," sabi ni Kim. "Kung may iba siyang gusto, e,di dun na lang siya. Ganoon lang kasimple yun. Basta ang set-up namin niGerald, hindi complicated. Ayaw naming paguluhin ang sitwasyon. Happy kami ngganito. Masaya kami with each other, so ganoon na lang yun.

Walang selosan?Kahit may ma-link din kay Kim na ibang guys?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala namankasing nanliligaw sa akin!" tawa niya.

Yung tungkol kayPauleen Luna na pinormahan daw ni Gerald, paano siya nag-react doon?

"Wala, kasi walanamang sinasabi si Gerald tungkol doon," sagot ni Kim. "Hindi akonagtatanong ng mga ganyan. Mayroon lang talagang isang taong nagsabi sa akin natotoo raw, na pinormahan noon ni Gerald si Pauleen. Pero wala ako sa posisyonpara magsalita o maniwala.

"Kung totoonaman yun, lalabas at lalabas. Pero wala ring katotohanan kasi. Honestly, ayokong ganyang mga bagay na nakakalito. At ayoko rin yung parang nasu-surprise paako. Nagugulat na rin lang ako dahil nalalaman ko yung reaction ng Kimereld fans."

Nagsumbong siya safans?

"Hindi, a!"mabilis niyang tugon. "Hindi ko ginagawa 'yan. Sila ang nagre-react sa mga nalalamanat nababalitaan nila. Lagi ko ngang pinapaintindi sa fans, kung sino ang gustoni Gerald, eventually respetuhin na lang."

So, kumpirmadongwalong buwan na silang mag-on?

"MU ang sabiko, hindi mag-on!" natatawang sabi pa ng young actress. "Sabi nga niGerald, what you see is what you get. Yun na lang.

"I-enjoy na lang natin yung ganitongpagsasama namin, dahil okey na okey kami sa ganito. Wala kamingkaproble-problema, kaya ayaw naming pumasok sa sitwasyon na alam naming may careerkaming dapat tutukan. Baka masira pa ang lahat kapag napasukan ng ganyang mgaseryosong bagay," paglilinaw ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN