Luis Manzano calls Angel Locsin his "lucky charm"

IMAGE 0


"Even kay Angel,sinabi ko sa kanya na lucky charm ko siya. After na nagkasama kami at lahat-lahat, dumating ang mga projects ko,endorsements... So thankful talaga ako sa kanya," says Luis Manzano about rumored girlfriend Angel Locsin.



Most people believena kung suwerte ang isang tao sa kanyang lovelife, malamang na malas naman siya sakanyang career. But Luis Manzano seems to be an exception to the rule.

Kahit wala pangkumpirmasyon sa totoong estado ng relasyon nila nina Luis at Angel Locsin, veryvisible naman sila sa showbiz gatherings. Aminado ang TV host-actor na si Angelang itinuturing niyang "lucky charm."

"Even kay Angel,sinabi ko sa kanya na lucky charm ko siya. After na nagkasama kami at lahat-lahat, dumating ang mga projects ko,endorsements... So thankful talaga ako sa kanya," saad ni Luis nang makausap siyang PEP (Philippine Entertainment Portal).

2008 has been a goodyear for Luis. Sunud-sunod ang product endorsements at TV shows niya. Recentlynaman ay nagkapirmahan na ng kontrata para sa pelikulang pagsasamahan nila ngkanyang ina na si Gov. Vilma Santos at si Joihn Lloyd Cruz.

Sa ganda ngtinatakbo ng career ni Luis, nagbitaw ng pahayag ang Star For All Seasons naboto raw talaga siya kay Angel para sa anak. Bukod daw sa nakikita niyangmasaya si Luis, alam niyang good influence ang dalaga sa anak.

Nang tanungin ngalang namin ang totoong relasyon nila ni Angel ay bitin pa rin angmga sagot ni Luis.

"Kung mayroon tayongkapamilya at nakikita nating masaya, kung sinuman ang nagpapasaya na yun,definitely we're gonna like the person, and pasasalamatan natin siya samagandang epekto niya sa taong yun. All I can say is that we're very, veryhappy mula sa progression namin dati. Basta masaya kami kung anuman ang estadonamin ngayon."

Kinumpirma ni Angelna nag-celebrate siya ng Bagong Taon last year sa Lipa City, kasama ang pamilyani Luis. Pero ngayon ay makakasama naman daw ng aktres ang kanyang sariling pamilyapara salubungin ang 2009.

Ano naman ang giftniya for Angel this Christmas>

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"I have something in mind na, kumbaga,dino-double, triple check ko na lang kung yun ba ang magugustuhan niya," sagotni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN