Ai-Ai delas Alas: Goodbye Belo, Hello Calayan

IMAGE 0


Comedienne Ai-Ai delas Alas surprised everyone when she dropped by at Dr. Manny Calayan's Christmas party for the entertainemt press last night, December 17. It turned out, the former Belo Medical Clinic endorser has signed up to be the newest image model of Calayan Surgicenter.



Nagulat ang karamihan ng entertainment press na dumalo sa Christmas partyna ibinigay ni Dr. Manny Calayan kagabi, December 17, sa pagdating ngcomedienne na si Ai-Ai delas Alas.

Sa pagkakaalam kasi ng marami ayendorser pa rin ng Belo Medical Group si Ai-Ai. Pero in-announce na nga kagabina sa 2009 ay ilu-launch si Ai-Ai bilang pinakabagong endorser ng CalayanSurgicenter.

Nang tanungin kung bakit siya nag-decide na lumipat saCalayan, tugon ni Ai-Ai: "Wala lang, para maiba naman.Mag-explore naman tayo ng ibang pampaganda."

Tinanong naman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ai-Ai kungnakapagpaalam na siya kay Dr. VickiBelo.

"Hindi pa, kasi si Boy [Abunda], as my manager, ang nakipag-negotiatekay Dr. Calayan," sabi ni Ai-Ai nang makausap namin siya kagabi sa Alba'srestaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Isa rin sa mga bagong endorser ng Calayan Surgicenter si Boy,kasama ang iba pa niyang mga alaga na sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzalez.

Nilinaw naman ni Ai-Ai na wala silang problema ni Dr. Belo.

"Okay naman kami ni Doktora, e... Siguro tatanungin niya langako, ‘Bakit?' Hindi pa kami nagkakausap, e."

Hindi pa rin daw alam ni Dr. Belo na lumipat nasiya sa Calayan Surgicenter.

"Hindi pa, siguro ngayon pa lang," sambit ni Ai-Ai.

Sa tingin kaya ni Ai-Ai ay magugulat si Dr. Belo?

"I think so," nakangiti niyang sagot.

Ano naman ang pakiramdam na endorser na siya ngayon ng Calayan Surgicenter?

"Siyempre, proud ako kasi nakikita nila yung beauty within...Sabi nga, ‘To C is to believe,'" banggit ng comedienne sa bagomg slogan ng kanyang ini-endorse na beauty clinic.

Kung meron man daw gustong mangyari si Ai-Ai sa kanyangkatawan ay ito ay ang pagpapayat.

"Problema ko ‘yon, e. Problema ko talaga kasi matakaw ako, e.Problema ko yung taba talaga," aniya.

CHRISTMAS & BEYOND. Ngayong palapit na nang palapit ang Pasko, ano kaya angplano ni Ai-Ai?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gano'n pa rin, yung yearly charity ko, and then kamingpamilya, kaming mag-anak," sabi ni Ai-Ai, na ayaw banggitin kung anong charity institutionang kanyang tinutulungan.

Ayon kay Ai-Ai, matagal na raw niyang ginagawa ang pagbibigayng regalo sa isang charity insitution.

"Noon pa ‘to, baby pa lang yung panganay ko [Sancho]," aniya."Kasi naniniwala ako na tayong lahat, may purpose tayo... ‘Bakit ako artista,bakit ako nakakaangat ng konti sa buhay.' So, sine-share ko yungblessings kasi, alam ko, in my heart, isa ‘yon sa calling ko... 'Tsaka yung mgabata [her children], nalalaman nila yung essence ng Christmas at essence ng pagtulong.

Paano niya ia-assess ang kanyang year 2008?

"Maganda naman yung 2008 ko. Marami akong shows, nakagawa akong pelikulang nag-hit din naman—Ikaw Pa Rin at Ang Tanging Ina N'yong Lahat—andokay naman siya. Kumbaga, with a bang yung ending."

Ano naman ang mae-expect ng mga tao sa kanya sa susunod nataon?

"New movie and a new show," sagot ni Ai-Ai. "Kasi na-miss koang sitcom. Gusto kong mag-sitcom ulit. Kasi wala nang masyadong sitcom ngayonsa bansa natin, e. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. So, mag-iisip ako ngbagong touch or innovation ng sitcom siguro.

"Kasi para sa akin, yun ang kailangan natin sa dami ng problemanatin. Masaya kung meron din tayong napapanood na mga comedy shows, not onlygag shows, sitcoms."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN