Actress Snooky Serna focuses on her business ventures

IMAGE 0


"Kung anuman yung namamagitan sa amin, siguro sa aminna lang yun. More than that kasi, I feel that I have finally found someone whowill accept me for what I am, at saka yung naririyan lang siya to guide me parasa bagong mundong ito na ginagalawan ko," says Snooky Serna about the new man in her life.



Isa sa mga artistang tiyak na magiging masaya ang Kapaskuhanay ang aktres na si Snooky Serna. Hindi man siya gaanong aktibo ngayon oncamera, nagpapatuloy si Snooky sa simpleng pamumuhay bilang negosyante.Siyempre, marami ang nagtataas ng kilay sa biglang pag-angat diumano ng estadosa buhay ng dahing child actress.

Minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na usisainpa ang anggulong ito sa buhay ng aktres nang bigla na lamang siyang mag-anyayasa isang private business gathering sa Pan-Pacific Hotel sa Malate, Manila,kamakailan. Mga businessmen na ang nakakasalamuha ni Snooky ngayon na may kinalaman sa welfare ng OFWsat immigrants sa U.S. at Canada. Ito ang sinasabing main objective ng PAMANAI(Philippine Association of Manpower Agencies for North America, Inc.), nanagkaroon ng oathtaking at induction of officers and members nito na nasaksihannga namin sa paanyaya ng aktres.

"Forty-two years old na ako kaya kailangan lang namanna magkaroon na ng direksyon ang buhay ko," sabi ni Snooky sa PEP."Naninibago talaga ako, pero marami akong natututunan. Kailangan konggawin dahil may nagtiwala sa akin para mag-handle ng mga negosyo, gaya ngfranchise ng Essenxa sa NIA Road sa ParaƱaque, na nagbukas lang recently, atyung Snooky Serna Exclusives na nagbebenta kami ng semi-precious jewelry na,thank God, bongga naman ang bentahan kahit paano."

THE MYSTERY OF SNOOKY'S FORTUNE. Nananatiling palaisipan ang big fortune na sumasakamay niSnooky. Pero hindi katulad ng iba, ayaw niyang ipagyabang ito.

"This is not really mine," sabi niya."Ipinagkatiwala lang. Nagkataon lang kasi na nakikita ako ng mgataga-showbiz, iba na ang aura ko. Hindi na gaya ng dati na para akongnamomroblema palagi. Naaayos ko na ang sarili ko. Basically, yun lang, at sakamasasabi kong kahit paano, sa awa ng Diyos, nakakaraos na ako nang maayos, patiang mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Actually, ang businessman na nagngangalan Jun de Vera angsumusuporta sa aktres. Ginagawa rin ni Snooky ang lahat para hindi malagay saalanganin ang reputasyon ng lalaking tumutulong sa kanya para mulingmakabangon.

"Kung anuman yung namamagitan sa amin, siguro sa aminna lang yun," sabi ni Snooky. "More than that kasi, I feel that I have finally found someone whowill accept me for what I am, at saka yung naririyan lang siya to guide me parasa bagong mundong ito na ginagalawan ko.

"Ayoko na kasing isipin ng mga tao na nagpapa-pressrelease ako. Kaya nga yung mga nakakausap ko from showbiz, yung mga taong nakakaunawana lang sa sitwasyon ko at hindi ako basta hinuhusgahan lang. Pasasaan ba'tmagtitiwala rin sa akin yung iba, o kung hindi man, wala na rin akong magagawaroon," nakangiti sabi ni Snooky.

SNOOKY'S BOOK. Wala namang dapat ipaliwanag si Snooky sa mas magandang buhay niya ngayon. Kaya nga nagbabalak siyang i-publish anglibro na isinusulat niya ngayon, about her own experiences, na puwedengmakapagbigay ng positive insights sa iba at maka-inspire.

"Marami ang matututo sa ilang naranasan ko sa buhay, inthis book which will be titled The Healing Heart," sabi ni Snooky."It may come out early this year. It's basically about the journey I took,at hanggang ngayon, kung ano ang nararanasan ko, which may be negative to somepeople, but at the end of the day, makaka-inspire pa rin para makaapektopositively.

"That's all I have to say for now. Gusto ko parin naman magpaka-active sa showbiz, pero hati na talaga ang atensiyon ko.Kailangan kong mag-focus sa negosyo, lalo na ang Snooky Serna Exclusives nanagbe-venture na for exports. Sasamantalahin ko na muna ang pagkakataongito," pagwawakas ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN