Nia Jose resumes showbiz career with repackaged image

IMAGE 0


Former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate Niña Jose is included in two 2008 Metro Manila Film Festival entries—Shake, Rattle& Roll 10 and Desperadas 2.



Tinaguriang "goddess" sa unang Pinoy Big Brother TeenEdition, mahigit isang taong naging idle ang career ni Niña Jose. Nagpatuloy na lang ng kanyang pag-aaral si Niña sa Assumption College habang umaalagwa na ang career ng kanyang co-housemates na sina Kim Chiu,Gerald Anderson, at pati na rin si Matt Evans.

Magku-quit na sana si Niña sa showbiz ngunit nagkaroonsiya ng magandang offer sa DMV Entertainment, ang humahawak kina Jean atJennica Garcia, Alessandra de Rossi, Polo Ravales, Glaiza de Castro, at iba pa.For Niña, it was an offer too good to resist. Ire-repackage si Niña as a sosisexy girl starting with a cover stint sa FHM, na nag-jumpstart ngkanyang career the second time around.

Kahit mas maraming talents sa DMV ang nasa GMA-7 ngayon,ibinigay pa rin ng manager ni Niña ang priority sa ABS-CBN nang hingin muli angserbisyo nito, simula sa My Girl nina Kim at Gerald. Napansin siNiña sa nasabing primetime soap ng ABS-CBN, kung kaya't sa next project nina Kimat Gerald, si Niña pa rin ang kinuhang na ka-triangle sa Your Song Presents: MyOnly Hope.

Napansin na rin si Niña ng Regal Entertainment kung kaya't sadalawang film festival entries ng film company ng mga Monteverde—ang Shake, Rattle& Roll 10 at Desperadas 2—parehong kasali ang dalaga. Sa SRR 10, kasama parin ni Niña sina Kim at Gerald sa "Class Picture" episode directed by Topel Lee. SaDesperadas 2 naman, siya ang pagseselosang nurse ni Iza Calzado kay TJTrinidad.

"I'm so blessed," sabi ni Niña sa isang merienda cena naibinigay ng DMV para sa kanya kahapon, December 18, sa isang bagong bukas narestaurant sa T. Morato Ave., Quezon City.

Dagdag niya, "Ang hirap ng role ko sa SRR 10 dahil kailangankong nagda-drama habang heavy ang special effects sa akin. Pero okay lang, it'sa job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinalakpakan daw ng production ang eksenang ito pagkataposng take kung kaya't mas masaya si Niña na may katuturan ang naging paghihirapniya.

Contrast ito sa Desperadas 2 na napaka-light ng kanyangeksena, pero kinabahan pa rin siya kahit paano dahil maha-handle siya niDirector Joel Lamangan.

Sa SRR 10 float sasakay si Niña sa Parade of Stars saDecember 24.

Ngayong patapos na ang My Only Hope, may next announcedproject na sina Kim at Gerald, ang Tayong Dalawa, kung saan si Jake Cuenca naang magiging ka-triangle nila. Hindi na raw kasali si Niña rito.

"May sinabi na pong project para sa akin. Kaya lang, hindi papuwedeng sabihin, bawal pa," sabi ni Niña.

May natisod kaming isang bagong project ng ABS-CBN kung saanpuro babae ang bida, kung kaya't tinanong namin si Niña kung ito ba ang tinutukoy niyang next project niya. Nagulatsi Niña, pero hindi sumagot, ngumiti lang.

Dahil uso na ngayon sa showbiz ang smile na may meaning,nag-assume na kaming tama ang project na tinanong namin sa kanya—ang all-girlaction adventure na Bandidas, na hindi pa nire-report kahit saan at kahit sinosa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN