KC Concepcion clarifies report that she was seen with ex-boyfriend Lino Cayetano

IMAGE 0


"I think there's a thin line between public service andpolitics, showbiz is enough politics for me. Iniibig ko ang public service,pero hindi ko ginagamit yun dahil gusto kong tumakbo o gusto kong sumali sa pulitika,not at all," says KC Concepcion.



Bago pa man gawin ang For the First Time ng Star Cinema, isasa napagkasunduan ng Star Cinema at GMA Films ay ang pagpapahiram ng ABS-CBNkay KC Concepcion para makapareha ni Richard Gutierrez sa GMA Films.

Si Joey Reyes sana ang magdidirek ng pelikulang pagtatambalanmuli nina KC at Richard. Pero ilang araw lang ang lumipas ay lumabas ang balita natuloy ang nasabing pelikula, pero hindi na si Direk Joey ang gagawa nito.

Last December 16, sa awarding ng Ten Accomplished Youth Organizations(TAYO) na ginanap sa Renaissance Hotel sa Makati, kinumpirma ni KC angnasabing isyu. Ibinalita niya rin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na si Direk Joel Lamangan naang magiging direktor ng pelikula nila ni Ricahrd sa GMA Films at Regal Entertainment.

"It's okay because siya naman ang nagsulat ng mga kanta saKaty: The Musical," sabi ni KC. "So, kahit papaano, nakatrabaho ko siya. Bilang director siguro,there's a better time to work with him. Ipinaalam naman niya sa amin ni Richardna wala siyang issue at all sa mga artista, ang problema yata is between himand the production because of the creative differences. Understood naman yun,ipinaalam naman niya sa amin before pa lumabas.

"I respect that, Chard respectsthat naman. Ngayon, ang direktor naman namin is Direk Joel Lamangan. He'ssomebody I've been looking forward to work with. We met last night with GMA,oky naman yung movie and we're making it sure na it would be a good one also."

Sa isyu ng script changes, kung saan lumalabas na hindi rawmapagkasunduan kung ano ang tatakbuhin ng istorya, kung sino ang aangatna bida, alam at tanggap ni KC na dumadaan talaga sa mahabang proseso angpaggawa pa lang ng isang istorya.

"Lahat naman ng pelikula, hindi n'yo lang alam, na bago pa‘yan lumabas sa sinehan, ang dami nang pinuntahan ng mga script na ‘yan.Mapa-Star Cinema man ‘yan, mapa-Regal, mapa-Viva, o GMA... Maski saan, may mgachanges sa script dahil kailangang maganda talaga," saad ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE ROAST TURKEY. Sa mga pinagdaanang problema ng Gutierrez family—ang health problems ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama, pati na ang kontrobersiya kay Richard—sinabi ng dalaga na nagkita lang sila uli ni Richard nang mag-meeting sila sa GMA Network Center para sa pelikula nila.Napag-usapan din ang tungkol sa roast turkey na ipinadala niya sa Gutierrezfamily na mismong si Ruffa na ang nagkuwento na nagustuhan ng kanilang pamilya.

"Nagkita kami sa meeting, first time na nagkita kami uli," aniya. "Sobra kaming natuwa na makita ang isa't isa uli. Sabi ko nga, Part 2, heto nanaman kami uli, magkakatrabaho uli.

"I'm happy na nagustuhan nila yung roast turkey, sobra angpasasalamat ko kay Florabel, yung friend kong chef. Talagang napakasarap ngturkey na yun because it takes one whole day para lang ma-defrost at one wholeday to cook."

LINO LOOK-ALIKE. May lumabas na balita na nakita raw sa isangevent sina KC at Direk Lino Cayetano together. Nabuo talaga sa isip ng iba namukhang nagkabalikan na raw ang dalawa pagkatapos ng mag-iisang taon na rinnilang breakup. KC clarified the issue.

Paliwanag niya, "No, it's not Lino, kamukha lang siya ng friend ko. He comesfrom Australia. Actually, natatawa nga ako kasi magkamukha talaga sila.Nagha-hangout kami as a group, kasama ko minsan sila Piolo [Pascual] or yungmga taga-For The First Time.

"We text each other, but nagkaproblema yung phone ko, liketwo weeks na hindi siya nagwo-work. Hindi ko alam kung nagte-text siya sa lasttwo weeks na yun. We're still in touch, we're friends."

KC'S DAD. Kumpirmado rin ang pag-alis ng bansa ng amang si GabbyConcepcion. May mga espekulasyon na sa dami raw ng mga intriga at problemangkinahaharap nito ngayon ay baka hindi na ito bumalik. Tinanong namin si KCtungkol sa ama at ano ang reaksiyon niya sa kumakalat na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There are times na hindi talaga kami nagkikita dahil maytaping siya and may work din ako. Actually, work ang medyo problema. Butwhenever there are chances, kahit sa Greenhills, kahit nasa dalawangmagkahiwalay kaming kotse, nagkikita kami just to say 'hi'. Depende yun sa kungano ang gusto niya. Pero siguro tama na siguro munang magpahinga siya after nglahat ng mga intriga at problema niya."

PUBLIC SERVICE. Sa isinigawang Clinton Global Initiative Asia, na ginanapnoong December 2 and 3 sa Hong Kong, ay binigyan ng certificate of recognitionsi KC sa mga contribution niya as National Ambassador Against Hunger for UnitedNations' World Food Program.

Sa pagiging aktibo sa pagtulong sa charitable institutionsat dahil nasa dugo ang pagiging pulitiko bilang isang Cuneta, tinanong namin si KC kung may plano rin ba siyang pasukin ang pulitika.

"I think there's a thin line between public service andpolitics, showbiz is enough politics for me. Iniibig ko ang public service,pero hindi ko ginagamit yun dahil gusto kong tumakbo o gusto kong sumali sa pulitika,not at all."

Six days from now ay Christmas na. Para sa Cuneta at Pangilinan family, isa itong malaking selebrasyon na talagang pinaghahandaannila.

"It's my sister's birthday last December 16, birthday ng lola ko on December 31, birthday ng Mama ko [Sharon Cuneta] on January 6, so malaking selebrasyonang Christmas for us because ang dami-daming nangyayari," ani KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN