Anna Charisse Yacapin reveals she and Marlon Carmen were really a "tag-team"

by Ruel J. Mendoza
Dec 20, 2008
Survivor Philippines third finalist Anna Charisse Yacapin reveals she and the much-hated castaway Marlon Carmen were really a tag-team. "Kapag nag-uusap kami ni Marlon, palalabasin namin na we don't like each other at napipikon ako sa kanya. Pero ang totoo is may pinaplano na kami niyan. Ang style namin is si Marlon ang mamimikon ng mga castaways. Kapag buwisit na buwisit na sila kay Marlon, doon ako papasok to pacify or to talk to them. Doon ko na

Bumalik na sa kanyang trabaho sa isang telecommunications company ang nakasama sa final three ng Survivor Philippines na si Anna Charisse Yacapin.

After nga raw ng highly-successful na reality franchise na ito sa GMA-7 ay agad na bumalik si Charisse sa kanyang trabaho bilang isa sa mga namamahala sa promotion ng naturang telecom company. Hindi naman daw umaasa si Charisse sa anumang mangyayari sa kanya after ng Survivor Philippines.

"There are no promises naman coming from GMA-7 na kukunin kami bilang talent after ng show. Yung iba, masuwerte sila because they were signed up by GMA Artist Center. May mga guestings din naman ako and it's fun din naman in the entertainment world.

"But now kasi, baka maging priority ko ang trabaho ko. Na-miss ko rin kasi ang usual na ginagawa ko before Survivor Philippines. And na-miss ko rin ang mga co-workers ko sa office kaya excited din ako to be back sa aking nine-to-five job," kuwento ni Charisse nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng The Sweet Life ng QTV-11.

Continue reading below ↓

HOW IT BEGAN. Graduate ng Ateneo de Manila University si Charisse at napa-audition lang siya sa Survivor Philippines dahil sa pang-engganyo ng kanyang kasamahan sa trabaho.

"We were in Cebu for a seminar. ‘Tapos yung isang kasamahan ko sa work, nag-audition siya for the show. Sabi niya, bakit hindi ko raw i-try kasi madaldal daw ako at baka puwede raw ang personality ko sa reality show na iyon.

"So, sinubukan ko lang naman and wala naman sigurong mawawala sa akin if I give it a try. So I went to SM Cebu and nakakatawa nga is that hindi ako naghintay ng matagal. Unlike yung iba na ilang hours silang nakapila. Ako, one hour lang, tapos na. And when I got back to Manila after ilang days ay pinatawag na ako.

"Kaya I started to think na baka I was meant to be on the show. Noong final call na, I wasn't able to make it sa final 18 castaways. So okey lang at least I tried. Pero after a few days, I got a call nga from the show saying na pasok ako sa final 18 kasi yung pang-18th na contestant backed out. So tuwang-tuwa ako because parang binigay talaga sa akin yung slot na iyon."

Continue reading below ↓

THE REAL TEAM. Nabanggit nga ni Marlon Carmen (isa sa naging Tribal Jury) sa isang interview niya dito sa PEP na si Charisse nga raw ang dapat pagkaingatan ng ibang castaways dahil marunong daw itong makipaglaro. Hindi raw mahahalata kay Charisse na may kakaibang mga plano ito kaya hindi nagtataka si Marlon na nakaabot ito sa final three.

"Tutal tapos naman na ang show kaya puwede ko nang sabihin ito. Kami talaga ni Marlon ang tag-team. Kung napapanood nila ay parang asar na asar ako kay Marlon, totoo naman iyon pero strategy namin iyon to annoy the other castaways.

"Kapag nag-uusap kami ni Marlon, palalabasin namin na we don't like each other at napipikon ako sa kanya. Pero ang totoo is may pinaplano na kami niyan. Ang style namin is si Marlon ang mamimikon ng mga castaways. Kapag buwisit na buwisit na sila kay Marlon, doon ako papasok to pacify or to talk to them. Doon ko na ipapasok yung mga plano namin. Subtle lang ang dating ko pero naging effective naman.

Continue reading below ↓

"This is how Survivor is really played, e. Talagang pagalingan na lang ng utak ito at pakiramdaman. If you are too emotional for the game, matatanggal ka agad talaga. The thing is you have to know how the other castaways are playing it. Kung medyo mahina at nakikisakay lang, doon ka papasok kasi madali mo na silang makuha.

"Before naman kami pumunta sa island, nanood ako ng ilang seasons ng Survivor. Nakuha ko ang strategy ng ilang castaways, just like Marlon and Rob [Sy]. Nag-marathon viewing sila talaga ng Survivor, kaya may mga tricks din silang alam.

"Ang mali ko lang is hindi ako masyadong nag-effort sa mga physical challenges. It could have won me immunity pero okey na rin because I made it to the top three at malaking achievement na iyon sa tulad ko."

So, ang pinakita ba niyang pag-iyak kay Kiko [Rustia] ay hindi pala totoo at nilalaro lang pala niya ito?

Continue reading below ↓

"Ano ba sa tingin mo?" sabay tawa niya.

"Okey naman si Kiko, e. He's really a good leader and he could have won kung naging mas observant pa siya. Hindi nga niya nahalata na I was playing him, e. What happened was, naging kampante siya masyado with his tribemates. Ako siyempre, style ko na yung maging close ako sa kanya kasi nga I was gathering information. Yun ang hindi niya nahalata sa akin.

"But okey naman kami ni Kiko. Noong matanggal na nga ako, nakapag-usap naman kami. I said naman na I was just playing the game and it just so happens na mas nauna siyang natanggal sa akin."

PROUD SURVIVOR. Maganda nga raw ang naging kapalit ng pagsali ni Charisse sa Survivor Philippines. Sa work niya ay mas mabilis na raw ma-approve ang kanyang mga proposals dahil kilala na siya ng kanilang mga kliyente. Sa personal na buhay ay natuto na si Charisse na pahalagahan ang mga maliliit na bagay na she took for granted before.

Continue reading below ↓

"The show did a lot for me. Sa work ko, because I'm in the promo department, mabilis mapirmahan ang mga papers ko because they consider me as a celebrity na.

"Sa personal life ko naman, I learned to appreciate the small things in life na noon wala akong pakialam. Tulad sa pag-asikaso na lang ng mga gamit ko at pagkain, ngayon I am learning to do it myself. Though hindi pa ako marunong magluto talaga, I will try to learn kasi kailangan pala talaga.

"Mas na-appreciate ko na ang pagkain ngayon. Before pa-diet-diet pa ako at dinededma ko ang mga nakahain sa akin. Ngayon, I thank God for the food that He has given us every day. Hindi biro ang magutom and I've experienced that on the show. Food is a blessing and we should be thankful na may kinakain tayo."

May napatunayan na nga si Charisse sa kanyang pamilya at mga kaibigan, na isa rin siyang survivor kahit na hindi siya ang hinirang na winner.

Continue reading below ↓

"Many thought na hindi ako tatagal. May nagsabi pa nga na baka second or third person ako na papauwiin. But I lasted until the very end. Hindi ko ini-expect iyon. I feel sad because I wasn't able to make it sa Final Two but I am proud that I was the only female na nag-last sa 36 days ng Survivor Philippines. I couldn't believe it but it happened and I am so proud of what I have achieved," pagtatapos ni Charisse Yacapin.

Read Next
Read More Stories About
Survivor Philippines
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Survivor Philippines third finalist Anna Charisse Yacapin reveals she and the much-hated castaway Marlon Carmen were really a tag-team. "Kapag nag-uusap kami ni Marlon, palalabasin namin na we don't like each other at napipikon ako sa kanya. Pero ang totoo is may pinaplano na kami niyan. Ang style namin is si Marlon ang mamimikon ng mga castaways. Kapag buwisit na buwisit na sila kay Marlon, doon ako papasok to pacify or to talk to them. Doon ko na
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results