Be Bench winner Carlo Guevarra's first onscreen kiss is with Ogie Alcasid

IMAGE 0


"Okey naman, kasi si Kuya Ogie naman iyon. ‘Tsaka mayapproval mula sa Star Magic. Ang role naman ni Kuya Ogie ay hindi bading, e.Babae naman siya rito," explains Be Bench winner and now showbiz newcomer CarloGuevarra about his first onscreen kiss with singer Ogie Alcasid.


Introducing ang Be Bench winner na si Carlo Guevarrasa Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment at GMA Films na Desperadas 2. Hindi nga rawini-expect ni Carlo na sa unang araw ng shooting niya ay kissing sceneagad. Hindi nga lang daw niya alam na si Ogie Alcasid pala ang makakaeksenaniya.

Sinabihan daw kasi si Carlo na babae naman daw angmakakaeksena niya sa halikan. Nang malaman niya na ang role nga ni Ogie aybabae naman, hindi na raw ito nakatanggi.

"Okey naman, kasi si Kuya Ogie naman iyon. ‘Tsaka mayapproval mula sa Star Magic. Ang role naman ni Kuya Ogie ay hindi bading, e.Babae naman siya rito," pauna na ni Carlo nang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal).

"And before we shot the scene, nag-usap naman kami niKuya Ogie na trabaho lang naman ang lahat ng ito. Pero we have to make peoplebelieve na lovers kami. The kissing scene naman was just a smack kaya okeylang. May kilig yung mga eksena namin ni Kuya Ogie, lalo na yung beach scene napagulung-gulong kami sa sand. It's so funny kaya they better watch for it,"pagmamalaki ni Carlo.

NO SURGERY DONE.Isa nga si Carlo sa mga baguhang ginu-groom ng ABS-CBN para maging leadingmen. Nakailang TV shows na rin si Carlo at kilala na nga siya dahil sa kanyangpag-endorse ng Bench clothing.

Marami pa rin nga ang hindi makapaniwala na dati-rati aymatabang-mataba ang katawan nito. Carlo used to weigh 230 pounds.

"It was a total sacrifice for me. I did it para na rin sahealth ko. I was really mataba noon. I guess ang timbang na nawala sa akin aykatumbas ng isang teenager na. Ngayon I'm happier with my new body. Inaalagaanko na lang kasi may tendency pa rin akong tumaba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dini-deny ni Carlo na dumaan siya sa anumang surgery parapumayat siya.

"Wala akong pinatanggal through surgery. Lahat ito aygawa ng workout at diet. Marami nga akong naging sakripisyo at hindi madali angginawa ko. Pero focused po kasi ako sa pagpapapayat and I did it naman. ‘Taposnanalo pa ako sa Be Bench kaya malaking bonus iyon sa akin."

NO GIRLFRIEND.Sa next movie raw sana ni Carlo ay totoong girl na raw sana ang makahalikanniya. Inamin ni Carlo na nakaisang girlfriend pa lang siya pero matagal na rawiyon. Mataba pa raw siya noon kaya hindi siya nanligaw pa ulit.

"Pakiramdam ko kasi noon walang magkakagusto sa akin kasisobrang taba ko. Kaya nawala ang interes ko sa girls and I worked out. Talagangtutok ako sa pagpapapayat noon and it literally paid off."

Ngayon at maganda na ang katawanniya at model pa siya ng Bench, sure kami na marami na diyan ang willing maginggirlfriend na ni Carlo Gueverra.

"Wala naman akong nararamdaman na may gusto sa akin,"ngiti niya. "Okey lang naman ako ngayon kahit walang karelasyon. I have namanmy career and it's doing well. Ang girlfriend, madali na lang siguro ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN