Katrina Halili and Rufa Mae Quinto reportedly involved in Vicki Belo-Hayden Kho breakup

IMAGE 0


Confirmed: Dr. Vicki Belo and Dr. Hayden Kho have broken up. Vicki discovered on Hayden's laptop intimate videos allegedly involving sexy stars Katrina Halili and Rufa Mae Quinto.


Kumpirmado nang hiwalay sina Dr. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho matapos ang tatlong taong relasyon.

Unang nakatawag pansin ang romansa ng dalawa dahil sa laki ng pagkakaiba ng mundo nila. Si Vicki ay isang multimillionaire doctor, hiwalay sa asawa, at may dalawang anak. Maliban sa galing sa mayamang pamilya, naitayo nitong mag-isa ang Belo Medical Group, ang pinaka-commercially successful cosmetic dermatology and surgery clinic sa bansa. Ilang linggo na lang, sa Enero 25, si Vicky ay 53 years old.

Si Hayden naman ay isang struggling doctor, single, tubong Marinduque, at galing sa pamilyang may sapat lang na pamumuhay. Noong naging empleyado ito sa Belo Medical Group ay saka siya nakapagdalubhasa sa ilang dermatological procedures, at nang maging boyfriend ni Vicki ay naging celebrity. Siya ay 28 years old noong May 20, 2008.

Ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ngayon ay walang opisyal na paliwanag. Bagamat nangyari ang breakup noong December 10, walang nagsasalita hanggang ngayon alinman kina Dra. Belo at Hayden—ang pamilyar na tawag sa dalawa ng press at ng publiko.

Gayunpaman, ang lumalabas na pinakadahilan ng breakup ay ang pagkakadiskubre raw ni Dra. Belo sa pagtataksil ni Hayden. At dawit daw sa breakup ng dalawa ang sexy stars na sina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto.

THE DISCOVERY. Nakakuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng impormasyon tungkol sa breakup mula sa ilang showbiz at non-showbiz sources.

Noong December 17, Miyerkoles, nag-host si Dra. Belo ng birthday party para sa kaibigang si Anton San Diego, editor ng Philippine Tattler, sa magarang bahay ng doktora sa Dasmariñas Village, Makati. Dito sa party, nailabas ni Dra. Belo sa ilang guests ang kanyang saloobin.

Isang guest sa naturang party, na nakikisimpatiya kay Dra. Belo at masama ang loob kay Hayden, ang nagkuwento sa PEP ng mga sumusunod na detalye:

Umalis noong November 24 sina Dra. Belo at Hayden papuntang Amerika para sa show ng Wowowee—ang host nitong si Willie Revillame ay endorser ng Belo Medical Group—sa San Diego, California, at para manood ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya sa Las Vegas, Nevada. Tinataya ng guest na ang buong biyahe ay sagot ni Dra. Belo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bumalik ang magkasintahan noong December 9, madaling-araw ng Martes. Kinagabihan ng Miyerkoles, nangyari ang breakup.

Noong araw na 'yon ng December 10, hinihintay raw ni Dra. Belo ang kasintahan sa condo unit ng huli upang maghanda para sa lakad nila. May katagalan si Hayden dahil nag-shower pa raw ito. Sa pagkainip, naisipang mag-Internet ng doktora gamit ang laptop ni Hayden. Doon na nagsimula ang gulo. Sa laptop, nadiskubre raw ni Dra. Belo ang mga intimate o sex videos ni Hayden na kasama diumano ang maraming babae, mapa-showbiz at hindi.

Meron daw sumasayaw para kay Hayden ang babae, merong nakikipagtalik, at merong mga preserved text messages ng mga flirtations ni Hayden sa ilan pa. Malinaw raw na hindi alam ng mga babae ang pagkaka-video sa kanila. Mistulang dokumento nga raw ng sex life ni Hayden ang laptop nito.

Sinasabing may mga malalaking pangalan pa sa showbiz ang nasa laptop. Ang ilan daw rito ay hindi talaga maiisip ni Dra. Belo na papatol kay Hayden dahil mga bata pa at wholesome ang image. Naroon din daw ang ilang sexy stars, kasama na raw sina Katrina Halili at Rufa Mae Quinto. (Sa tabloid report noong December 16, pinangalanan si Katrina; sa radyo nang sumunod na araw, pinangalanan si Rufa Mae Quinto.)

Agad raw kinumpronta ni Dra. Belo si Hayden. Hindi na raw maipagkaila ni Hayden dahil siya mismo ang nagdokumento ng kanyang pagtataksil. Noon din daw ay nakipag-break ang doktora sa kasintahan. Ang pinakatanging rule pa raw ni Dra. Belo nang mag-umpisa ang relasyon nila ni Hayden ay huwag na huwag ito magkakaroon ng ibang babae. Kapag nangyari raw ito, hinding-hindi raw ito mapapatawad ni Dra. Belo.

MELODRAMA. Hindi raw nagtapos diyan ang kuwento. Matapos makipag-break sa kanya si Dra. Belo, nagtangka diumanong magpakamatay ni Hayden. Nag-overdose raw ito ng Valium, isang gamot na pampatulog. Isang kasamahan daw ni Hayden ang tumawag kay Dra. Belo at ipinaalam ang nangyari rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang matagpuan daw si Hayden, may nakasulat sa kanyang dibdib na: "I LOVE U, I LOVE U VICKI!"

Si Dra. Belo pa raw mismo ang nagdala kay Hayden sa Makati Medical Center. Drug overdose ang naging diagnosis ng mga duktor kay Hayden, na in-admit nung Lunes, December 15, at matapos ma-detox ay dinischarge ng kanyang duktor noong Huwebes, December 18.

Dagdag dito, habang nakaratay si Hayden ay naitanong pa raw nito kay Vicki: "Can I go back to Belo?" Ang ibig tukuyin ni Hayden ay ang Belo Medical Group, kung saan empleyado siya.

"No," ang sagot daw ni Dra. Belo.

Ikinatuwa naman ito ng party guest na nakausap ng PEP. "I think that's too much if she takes him back. She has done everything for him. She has to think of herself this time."

May PEP source namang duktor sa Makati Medical Center na nagsabing nakita niya mismo si Hayden sa "basement" ng ospital. Ayon sa source, dinadala raw dito ang mga "psychiatric patients needing rehabiliation and suicidal patients needing close watch." Nakita rin daw niya roon si Vicki noong December 18, ang araw ng paglabas ni Hayden sa ospital.

Nang araw ring iyon, ayon sa source, may kasamahan siya na nagsabing natanaw nito si Vicki sa Medical Plaza, isang building sa tabi ng Makati Med kung saan maraming doctors' clinics, kabilang na ang kay Dra. Belo.

"She was crying in the parking lot," pag-quote ng source sa kasamahan. "She was walking to her car and crying. She was in an orange dress."

Sa pag-analisa ng duktor, na may ibang specialization at hindi kasama sa mga tumingin kay Hayden: "I don't think Hayden really meant to kill himself. As a doctor, he knows the lethal dosage. And many males, if they really want to commit suicide, they would succeed."

RUFA MAE DENIES INVOLVEMENT. Kahapon, December 20, nahingan ng reaksiyon ng Startalk sina Rufa Mae Quinto at Katrina Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Direktang pinabulaanan ni Rufa Mae ang kanyang pagkakadawit sa breakup nina Dra. Belo at Hayden.

"Ha? Ano namang kinalaman ko dun?" sagot ni Rufa Mae. "Wala, hindi lahat ng nagbi-break, kailangang ma-involve o ma-link ako. Breakup ng iba, pati ako madadamay! Ano ba ‘yan?"

Itinanggi rin ni Rufa Mae ang tungkol sa sex video.

"Talaga? Grabe na iyan ha! Todo na ba iyan? Talaga? Sigurado ba kayo, ako? Basta wala akong kinalaman diyan, malayo po, wala akong koneksiyon," sunud-sunod na sabi niya sa panayam ng Startalk sa premiere night ng Desperadas 2 noong Biyernes, December 19.

Diin ni Rufa Mae, "Hindi naman ako guilty, kasi hindi naman ako magpapa-involve sa isang tao na may involvement na."

Nabanggit din ni Rufa Mae na nagsimula silang ma-link ni Hayden nang biruin sila ni DJ Mo Twister sa birthday presentation ng huli sa Showbiz Central this year. "Nung nag-birthday si DJ Mo, niloloko kami ni DJ Mo, siguro inaasar, ganun... Something like that," ani Rufa Mae.

Pero ayon sa isang showbiz insider na nakausap ng PEP, totoong niligawan ni Hayden si Rufa Mae. Ang hindi malinaw sa insider ay kung nagustuhan si Hayden ni Rufa Mae.

KATRINA EVADES THE ISSUE. Naging matipid naman si Katrina Halili sa kanyang pananalita nang ma-interview siya nang live nina Butch Francisco, Ricky Lo, at Lolit Solis, na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Dra. Belo sa showbiz at manedyer din ni Hayden.

"A, masasabi ko po...wala po!" may hagikhik pang sinabi ni Katrina sa Startalk. "Kasi po, ayoko na pong... Kaya po ako nandito ngayon, ayoko pong palakihin yung isyu. Kasi nag-usap po kami ni Dra. Belo. Okay naman po kaming dalawa. Kung magsasalita po ako, hahaba lang po siya nang hahaba. E, wala naman pong problema." Halata ang pag-iwas ni Katrina sa tanong.

Dahil kilalang endorser ng Belo Medical Group si Katrina, tinanong siya ni Lolit kung endorser pa rin ba siya ng Belo at ng sister company nitong Forever Flawless. Umoo naman si Katrina, at pinasalamatan pa nga niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa isa pa ring showbiz insider, "bilang na ang mga araw" ni Katrina bilang endorser ng Belo Medical Group.

Samantala, sa mga oras na ito, pagbukas ng belomed.com, ang website ng Belo Medical Group, ang una pa ring tumatambad ay ang litrato ni Katrina, naka-undies. Ang pangalawa ay ang litrato nina Katrina at Hayden, hubo't hubad at naka-back-to-back sa sahig, na ginagamit pa rin sa advertising campaign ng clinic at lumalabas pa rito sa PEP.

Nagsimulang ma-link sina Katrina at Hayden pagkatapos nilang magkasama sa Celebrity Duets, isang GMA-7 singing contest na kinatatampukan ng isang celebrity at isang singer. Sa unang season nito, noong 2007, si Hayden ay isa sa mga contestant, samantalang si Katrina ay isa sa celebrity guests na naka-duet niya.

Parehong idinenay noon nina Katrina at Hayden na may namamagitan sa kanila. Maging si Dra. Belo ay mariing pinabulaanan ang isyung ito, lalo pa't kinuha niyang maging endorser ng kanyang clinic si Katrina.

Sa interview ng PEP kay Dra. Belo noong May 19, 2008, sa birthday party na ibinigay niya para kay Hayden, ito ang sinabi niya tungkol sa pagkakaugnay nina Hayden at Katrina: "I know Katrina so well. She's our baby... Aliw na aliw kami kay Katrina kasi she makes her own career, di ba?"

Natsismis din noon na madalas nakikita si Hayden sa condo unit ni Katrina. Muli ay ipinagtanggol ni Dra. Belo si Katrina. Aniya, "Hindi, a! Sa clinic pumupunta siya palagi. Si Katrina kasi, yung clinic niya sa Morato. Si Hayden din, clinic niya sa Morato. So, nagkikita sila."

Samantala, kinumpirma ng showbiz insider ang sinabi ni Katrina na nagkausap na sila ni Dra. Belo. Kaya lang, mas "kumprontasyon" itong matatawag, sabi ng insider. Naganap ito noong December 16, anim na araw matapos makipag-break ni Dra. Belo kay Hayden at isang araw matapos itakbo nito si Hayden sa Makati Med.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kanilang pagtatagpo, inamin diumano ni Katrina kay Dra. Belo ang relasyon nila ni Hayden. Ngunit sinabi raw ni Katrina na minsan lang may namagitan sa kanila ni Hayden.

Pero ayon sa isang GMA-7 talent, bagamat totoong matagal nang walang relasyon sina Katrina at Hayden nang madiskubre ito ni Dra. Belo, totoo ring nagtagal ang kanilang ugnayan ng halos isang taon. Ang ibig sabihin daw nito ay isinabay ni Hayden ang relasyon kay Katrina sa pangalawang taon ng relasyon kay Dra. Belo.

Sa sinabi ni Katrina na okay sila ni Dra. Belo, tiniyak naman ng showbiz insider na hindi ito totoo. Labis daw nasaktan si Dra. Belo dahil pakiramdam niya ay trinaydor siya ni Katrina, na itinuring na niyang anak at kinuha pa niyang endorser ng Belo Medical Group.

AGAINST ALL ODDS. Hindi ito ang unang pagkakataon na napabalitang nag-break sina Dra. Belo at Hayden. Ni-report ng PEP nung September 3 na kumpirmadong nag-break ang dalawa noong gabi ng August 30, pero nagkabalikan din sila nang madaling-araw ng August 31. Samakatuwid, ilang oras lang ang itinagal ng kanilang paghihiwalay.

Sinasabi ngayon sa PEP ng isang non-showbiz female friend ni Dra. Belo na marami nang beses nag-break sina Vicki at Hayden. Yun nga lang daw, hindi na ito naibabalita. Gayunpaman, napakarami na raw ng bali-balitang nakakarating kay Dra. Belo tungkol kay Hayden.

Pero rito sa recent breakup lang nila nagkaroon ng ebidensiya na may ibang babae nga si Hayden. Ang naging kundisyon lang daw ni Dra. Belo kay Hayden, ayon sa non-showbiz female friend ay: "If she ever finds out that he is having an affair, whoever that is, if it should happen, she would leave." At iyon na nga raw ang nangyari.

Ayon sa isa pang source, "naaawa" si Dra. Belo kay Hayden ngayon. Pero gusto raw linawin ng beauty doctor na sa simula pa lang ay alam na niyang hindi magtatagal ang kanilang relasyon ni Hayden dahil sa age gap nilang 25 years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawa ang naging anak ni Dra. Belo sa dating asawang si Atom Henares, isang businessman: si Quark Henares, na nagdidirek sa TV at pelikula, at si Cristalle Henares, na namamahala ng Belo Essentials, ang cosmetics line ng Belo clinic. Pareho silang nakatira sa bahay ni Dra. Belo.

Bagamat sinabi ni Manay Lolit sa Startalk na nalulungkot si Cristalle dahil malungkot ang mommy niya, open secret na hindi kailanman natanggap ni Cristalle si Hayden para sa mommy niya.

Sa ilang kaibigan, naikuwento ni Cristalle ang isang insidenteng nagpatigas sa paniniwala nitong hindi mahal ni Hayden si Dra. Belo, kundi ginagamit lang ito. Ito ay noong binigyan ng mommy niya si Hayden ng kotse bilang birthday gift.

Ganito raw ang naging dialogue sa pagitan ni Cristalle at ni Hayden noon:

Hayden: Why are you against my relationship with your mom?

Cristalle: I don't know if I can trust you.

Hayden: You think I'm just using her?

Cristalle: Yeah, you're using her car.

Hayden: Why, does it bother you that I use the car?

Cristalle: Yes, I do.

Pagkatapos nito, inasahan ni Cristalle na isosoli ni Hayden ang kotse para mapatunayang mahal nito ang kanyang ina, at hindi lang naghahabol sa anumang mapapakinabangan sa mayamang duktora. Ngunit hindi ito nangyari. Hanggang sa mga araw na ito, na kay Hayden daw ang kotse. SHOWBIZ TOO HOT TO HANDLE. Nagsisisi diumano si Dra. Belo na in-encourage niya si Hayden na pasukin ang showbiz.

Dapat kasi ay si Dr. Belo ang kasali sa Celebrity Duets last year. Pero dahil ayaw niya, si Hayden ang pinasali niya. Todo ang suportang ibinigay ni Dr. Belo kay Hayden, to the point na ikinuha pa niya ito ng voice coach para sa pagsali niya sa Celebrity Duets, at ginastusan ang lahat ng iba pang logistics ng paghahanda para sa contest. Bukod pa rito ang text votes na itinulak niya para kay Hayden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito na rin ang nagbukas ng pinto para kay Hayden na pasukin ang showbiz. Nagkaroon siya ng papel sa mga teleseryeng Marimar at Ako Si Kim Samsoon.

Ayon sa isang kaibigan ni Dr. Belo, dito na raw nagsimulang gumulo ang kanilang buhay. "Hayden couldn't handle the fame and the fortune," sabi pa ng aming source.

LIFE AFTER HAYDEN. Noong Biyernes, December 19, ay host si Vicki sa Christmas party ng Belo Medical group. Napansin ng isang non-showbiz friend ni Dra. Belo, "Pumayat siya, but she looked all right, she seemed happy."

Pero ayon sa isa pang guest, nang kumustahin niya si Vicki, tugon nito, "I'm a walking zombie." Ito rin ang sinabi ni Manay Lolit sa Startalk, na pakiramdam daw ni Dra. Belo ngayon ay para siyang "walking zombie." Dagdag ni Manay Lolit, "Parang walang laman yung utak niya. She feels sad, she feels at loss. Ganun."

Ayon pa rin sa isa pang showbiz insider, pinalitan na rin daw ni Dra. Belo ang number ng kanyang cell phone.

"Ang hiwalayang Vicki-Hayden ay final na." Ito ang pagkumpirma ng non-showbiz friend ni Vicki. Sa kanya sinabi raw ni Dr. Belo na "tapos na ang lahat sa kanila ni Hayden, hindi na babalik si Vicki kay Hayden, it's over."

Ito ay sa kabila ng sinabi ni Manay Lolit sa Startalk, "Pagkakasalita ni Vicki, sabi niyang ganun, pag humingi ng tawad sa kanya si Hayden, magsu-soften up siya. Kaya, as of now, ayaw niya munang makausap si Hayden."

Subalit umaasa ang karamihan ng mga kaibigan ni Dra. Belo na final na nga ang decision niyang huwag nang makipagbalikan kay Hayden.

Plano ni Dra. Belo na rito sa Pilipinas mag-celebrate ng Pasko, although nababalitang aalis siya ng bansa para mag-recuperate mula sa breakup.

As for Hayden, balitang magpapahinga muna siya sa bahay ng kanyang ina sa Marinduque. Titigil na rin daw sa pag-aartista si Hayden, na incidentally ay hina-handle ni Manay Lolit. Sa katunayan, ayon sa aming source, tinanggal na siya sa cast ng upcoming GMA-7 soap na All About Eve.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN