Mrs. Mildred Cadaweng wants closure on son Marky Cielo's death

IMAGE 0


"Gusto kong magpakita siya o mag-ano siya na, ‘Okay na ako.'Parang okay na rin ako. Parang ganun. Kaya nga sabi ko, ‘Sana kung magparamdamka man o meron kang sasabihin, huwag mo akong i-puzzle. Gusto ko na diretso monang sabihin sa akin kung ano yung...meron akong pagkukulang para maka-say sorryako.' Yung mga ganun. Gusto ko ng closure," says Mrs. Mildred Cadaweng about her late son, Marky Cielo.


Tatlong araw pagkatapos maihatid sa kanyang huling hantunganang yumaong aktor na si Marky Cielo, muling binalikan ng Startalk angBauko, Mountain Province upang makausap muli ang mga magulang niya na sina Mrs.Mildred Cadaweng at Mr. Bobby Cielo.

Ayon kay Mommy Mildred, sisikapin nilang maging bukas sapubliko ang libingan ni Marky sa isang bahagi ng bakuran ng kanilang bahay.

"Pinagkakaisahan pa ‘yan kasi ako naman, gusto ko namanparang isang area na you can communicate with him [Marky], for prayer, isangprivate place. Pero tingnan namin paano na private siya, pero at the same time,may access din yung fans," saad ng ina ni Marky.

REALITY BITES. Dahil dalawang linggo pa lang naman ang nakalilipas mulanang pumanaw si Marky, hindi pa handa si Mommy Mildred na balikan ang mga bagayna makapagpapaalala sa kanya na wala na ang kanyang anak.

"Hindi ko lang alam kung umuwi na kami dun sa Antipolo, kungsaan araw-araw kami magkakasama. Mas marami kaming maaalala sa kanya doon. Perosa ngayon, so far, nakakalungkot na. Mararamdaman ko na yung... Ayokong manood ngTV, although pinipili ko lang, yung La Lola, at least nakikita ko siya, saBleach..."

Napapanood pa rin hanggang ngayon si Marky sa La Lola dahilnakapag-advanced taping pa siya bago siya namatay. Maririnig din ang boses niMarky bilang Ichigo Kurosaki sa anime series na Bleach.

Pero alam ni Mommy Midlred na darating ang araw na kailanganniyang harapin ang lahat ng ito.

"Sabi ko nga sa mga kasama ko sa bahay na huwag nilanggalawin yung...ako lang mag-aayos. Gusto ko lang munang i-celebrate yungChristmas with him dito... Pagdating ko dun, ayusin ko na," aniya.

Ayon kay Mommy Mildred, gusto niyang magparamdam ang kanyanganak sa pamamagitan ng mga taong nakakasalamuha niya.

Kuwento niya, "May natanggap akong sulat na iniyakan ko dindahil... Hindi man niya yun friend o kilala, pero siyang-siya yung tono ngpagsasalita. Hindi ko alam kung instrumento sila, pero sa akin, directly paranghumihingi siya ng sorry kasi mami-miss niya yung sabi namin na walang iwanan,nakalimutan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto kong magpakita siya o mag-ano siya na, ‘Okay na ako.'Parang okay na rin ako. Parang ganun. Kaya nga sabi ko, ‘Sana kung magparamdamka man o meron kang sasabihin, huwag mo akong i-puzzle. Gusto ko na diretso monang sabihin sa akin kung ano yung...meron akong pagkukulang para maka-say sorryako.' Yung mga ganun. Gusto ko ng closure."

CONTROVERSY IN TIMES OF GRIEF. Sa gitna ng pagdadalamhati ng mga magulang ni Marky aynagkaroon ng kontrobersiya nang ilabas ang mukha ng batang aktor na nasa loobng kabaong sa isang news program ng ABS-CBN. Ito ay sa kabila diumano ngpakiusap ni Mommy Mildred na huwag ipakita ang mukha ng anak na nasa loob ngkabaong.

Sa isang official statement na inilabas ng ABS-CBN, humingisila ng paumanhin sa pamilya ni Marky, partikular kay Mommy Cadaweng, dahil samga isyung naglabasan. (Click here to read related article.)

"In-express ko yung aking hinanakit sa hindi pagrespeto saaking hiling," sabi ni Mommy Mildred. "Kung humihingi sila ng paumanhin,sinsero nilang hinihingi yung paumanhin, kami naman, lalo na yung anak ko,hindi naman talaga ‘yan nagtatanim ng galit. Taos-puso ko rin na tinatanggap."

Habang nagsasalita si Mommy Midlred ay ipinakita ng Startalkang footage, kung saan pinipigilan ng dalawang tao ang ina ni Marky habangkinukumpronta nito ang isang tao.

Ayon sa isang taga-GMA-7 na nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal), ito ang insidente na kinumpronta ni Mommy Mildred angisang crew ng ABS-CBN pagkatapos niyang malaman na ipinakita sa TV ang mukha ngkanyang anak na nasa kabaong. Sa tindi ng kanyang sama ng loob ay napagbuhatandin daw ng kamay ng ina ni Marky ang naturang crew ng Kapamilya network.

"Totoo, nag-ano talaga ako do'n sa ilang beses na paghihinging dispensa bakit ayaw sana naming makunan siya [Marky] sa mukha. At narinig kona lang na na-expose pa, hindi lang nakunan, na-expose pa, ano talaga ako doon...Masakit talaga yung loob ko doon na ba't hindi yun inintindi, hindi nilainirespeto," saad ni Mommy Mildred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Mr. Bobby Cielo, "Sa ngayon, bigyan n'yo kaming sariling katahimikan. Hindi lang siguro sa amin kundi lalo na kay Marky nanasa process pa na magtatawid sa kabilang buhay. So, sana maintindihan n'yo yungpoint ko na, respetuhin n'yo ang aming dalamhati."

MARKY AS AN INSPIRATION. Sa kabila ng nangyari kay Marky, hindi nagsisisi si MommyMildred na pumasok sa showbiz si Marky.

"Hindi ko rin ma-ano na magsisi na naging artista siya,"aniya. "Kasi kung naisip man niya o hindi, pero marami siyang ginawa, maramisiyang nagawa. Na sinabi ko sa kanya na, ‘Siguro misyon mo ‘yan. Kasi gusto molang sumayaw. Gusto mo lang mag-perform sa stage. Pero more than that yungnagawa mo.'"

Naging instrumento rin daw si Marky upang makilala pa ng mgatao ang lahing Igorot.

"Panay ang discrimination sa ka-Igorotan, na at the sametime yun ding gumagawa ng inferiority sa level din ng mga ka-Igorotan pagnag-i-interact sila sa mga lowlanders. So, siguro yung pag-angat, pagtataas-noosa aming mga kababayan, na ang isang Cordilleran, ng isang Igorot, ayrespetado rin, bigyan ng tsansa na magpakita ng kanyang galing. Yun angmalaking tingin ko na naiwan niya [Marky] na sana i-pick up din ng aming mgakababayan, lalo ng mga kabataan, sa kanilang pagpupursige," pahayag ni MommyMildred.

CHRISTMAS WITHOUT MARKY. Hindi naman napigilang maiyak ni Mommy Mildred nangmapag-usapan ang tungkol sa nalalapit na Kapaskuhan. Ito ang isang bahagi ngkanilang buhay na hindi kayang punuan ng alaala, lalo na para sa isangnagdadalamhating ina.

"Open book naman ‘yan na dito siya nag-aral, yung kapatidniya nasa ibang town. Ako naman nasa Mindanao or saan ako na-assign. Pero saChristmas, kahit hindi bonggang-bongga ang celebration, magkakasama kami. ‘Yanyung mahalaga. Kahit mga simpleng gifts o wala, magkakasama kami sa Christmas.Ngayon, hindi namin siya kasama. Hindi namin siya makikita. Yung isangChristmas, siya yung Santa Claus namin kasi siya yung kuya. Ngayon, hindi koalam..." naiiyak na sabi ni Mommy Mildred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay nagpasalamat si Mommy Mildred sa lahat ng mgataong umunawa at nagmalasakit sa pagkamatay ni Marky.

"Pakiramdam ko ngayon, mas dumami yung anak ko, mas lumakiyung pamilya ko. Dumami yung minahal niya na nagmamahal sa amin. Meron akongnatanggap na condolences, marami rin akong natanggap na congratulation.Pakiramdam ko, mas victorious ako. Marami akong naha-harvest na bunga ngkanyang kabutihan. Ganun din sa Panginoon," saad ni Mommy Mildred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN