Alwyn Uytingco will fight anyone who demeans girlfriend Princess Ryan

IMAGE 0


"Pag binastossi Princess, di ko na mapipigilan ang sarili ko, kahit na sino pang artista omay pangalan, di ko sasantuhin, kahit nasa loob pa kami ng ABS o mall, walaakong pakialam. Iba ako pag nagalit saka pag girlfriend ko na, ibangusapan na ‘yan," declares Alwyn Uytingco. He is against his girlfriend PrincessRyan's sexy role in Eva Fonda.



Dahil sa pagiging effective niya sa kanyang role as the gay son of Ai-Ai delasAlas in Tanging Ina N'yong Lahat, angMetro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Star Cinema, nabuksan na naman tuloyang mga kuwestiyon sa gender ni Alwyn Uytingco.

Ito ay sa kabila pa ng dalawang taon nang itinatakbo ng relasyon nila nggirlfriend na si Princess Ryan. Kaya sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kay Alwyn sa nakaraang prescon ng Tanging Ina N'yong Lahat, nitong nakaraang linggo, agad na tinanongang aktor kung ano ang komento niya sa nasabing isyung ito tungkol sa kanya.

"Nungunang ipinalabas yung first Tanging Ina,tinanong na ako tungkol diyan, ‘Alwyn, bading ka ba talaga?' kasi daw parangsobrang bagay sa akin yung karakter, parang natural daw. Sa loob-loob ko lang,di lang nila alam kung ano ang pinagdaanan ko para lang maging ganun kaganda yungrehistro ng acting ko sa movie, kung paano ako sobrang pinagagalitan ni DirekWenn [Deramas] dahil napakatigas daw ng dating ko.

"Naiisipko nga dun sa nagsasabing napakatural daw ng dating ko for my role, ‘Nagbibiroba kayo?' But naisip ko rin na it's a compliment kung iiisipin natin, diba? Sa akin kasi bahala sila kung ano ang gusto nilang isipin sa akin. Walaakong pakialam, kilala ko ang sarili ko."

KISSING SCENE WITH ANDREW. May kissing scene si Alwyn withAndrew Wolfe sa nasabing pelikula, ikinuwento ni Alwyn kung gaano kahirap parasa kanya na gawin ang eksenang ito. Pero dahil alam niya ang trabaho niyabilang artista, ginawa niya pa rin ang inuutos sa kanya at ang gustong mangyarini Direk Wenn.

"Alam ko na may ganung eksena, ginawa ko na rin naman ito nung first Tanging Ina but it was just a fake,almost magki-kiss, ‘tapos cut na. Pero this time, nung nandun sa mic siDirek Wenn, nagsalita siya, ‘Sige, magki-kiss kayo, magki-kiss talaga kayo.'Nagkatinginan kami ni Andrew, ‘Bro, ano ang gagawin natin?' Sabi ko kay DirekWenn, ‘Wala namang ganung usapan.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Angexplanation niya sa akin, siyempre kailangan naming gumawa ng something new kasi nung first movie nga raw di natuloy. Gawin na lang daw namin dahilkung hindi naman daw puwede, puwedeng ipa-edit out yun.

"Di naminnakuha ng 1st take, nagro-roll pa lang pero tawa na kami nang tawa niAndrew, sobrang awkward yung feeling but in the end, naging kumportable nakami, okey na. Yung buong eksena, mahaba pero yung pinaka-shot, two secondsyata. Sabi ko na lang di ko na uulitin, muntik na akong bangungutin."

AGAINST PRINCESS GOING SEXY. Open book ang relasyon nila niPrincess Ryan, na sexy sa Banana Splitpero mas daring ang role sa Eva Fonda. Aminado si Alwyn na kung siya ang tatanungin ay di gaanong aprubado sa kanya angginagawang pagpapa-sexy ng girlfriend kung kaya't di na nga niya pinapanood angnasabing teleserye.

"Di kaminagkaproblema sa Banana Split kundisa Eva Fonda. Maraming mgaeksena dun na para sa akin extreme na yung ginawa niya. Pero dahil alam ko naproud siya sa ginawa niya, na gusto niya yung mga eksnena dahil kailangandaw para sa character niya as Osang, at di magwo-work ang story pag di niya ginawa,wala na akong nasabi.

"Kinuwentoniya sa akin yun, tapos na, tumahimik na lang ako, tiningnan ko langsiya. Wala, e, nangyari na pero almost bad trip na ako pero hinahayaan kona lang, ganun talaga, e. Di ko na lang pinapanood yung Eva Fonda."

Nagbigaydin ng payo si Alwyn sa girlfriend na karapatan din nitong tumanggi sa eksenapag pakiramdam nito ay lumalagpas na ang pinaggagawa sa kanya at nababastos naang girlfriend.

"Desisyon niya yun, as much as possible ayoko siyang gawing issue. Dati pasinabi ko naman sa kanya na kung may gagawin siyang bagay na pagsisisihan niya,'wag niyang gawin. Saka kung alam niya na nakakabastos na sa pagkatao niyayung pinagagawa sa kanya, kahit ano pa ang sabihin ng director sa kanya, kungsa tingin niya nakakabastos na sa pagkatao niya, 'wag niyang gawin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WILL FIGHT FOR PRINCESS. Sa pagiging daring ni Princesssa dalawang shows na nilalabasan ay di maiiwasang pagpantasyahan ito ng mgakalalakihan. Para kay Alwyn ay di naman ito problema basta 'wag lang may harap-harapangbabastos sa girlfriend dahil isa itong bagay na hindi niya mapapalagpas.

"Okeylang maging proud, pero mayroon pa ring kaunting over-protective [na feeling]kasi girlfiend ko yun. Di ko mapipigilan na maging ganun ang tingin sakanya ng mga tao na hahangaan talaga siya, okey lang yun sa akin basta 'wag langbabastusin.

"Pagnangyari ‘yan, wala na, baka magkita tayo sa ibang pagkakataon, ibang isyu naang pinag-usapan natin. Pag binastos si Princess, di ko na mapipigilanang sarili ko, kahit na sino pang artista o may pangalan, di ko sasantuhin,kahit nasa loob pa kami ng ABS o mall, wala akong pakialam. Iba ako pagnagalit, 'saka pag girlfriend ko na, ibang usapan na ‘yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN