Sen. Francis Kiko Pangilinan proud of KC Concepcions advocacies

IMAGE 0


"I'm very proud of her advocacies, malaking bagayna ang mga kabataan natin ngayon, binibigyang-halaga ang ating komunidad at angating bansa," says Sen. Francis "Kiko" Pangilinan of his stepdaughter KCConcepcion. KC has been very active in cause-oriented youth activities,charities and the campaign to end world hunger.


Isa sa isyung patuloy na ipinupukol sa relasyongSen. Francis "Kiko" Panngilinan at Sharon Cuneta ay ang pagiging "on the rocks"na raw ng pagsasama nilang dalawa.

Humantong pa nga ang isyung ito sa paghahamon ngMegastar na magbibigay siya ng P10 milyon sa kung sinumang makapagpapatunay namay babae talaga ang asawa at may anak, gaya ng noon pang usap-usapan. At hindipa man humuhupa nang tuluyan ang isyung hiwalayan ay nasundan agad ito ng tsismisna hindi naging maganda ang Carribean cruise ng pamilya Pangilinan upangmakalayo sa mga intriga sa kanila sa showbiz.

IT'S ALL POLITICS. Sa panayam ng PEP(Philippine Entertainment Portal) at Cinema News Weekend Alert kay Sen. Kikolast Dec. 16 sa 6th TAYO (Ten Accomplished Youth Organizations) Awards, kungsaan member ng panel of judges ang senador, ay nagbigay ito ng pahayag sa mgaisyung patuloy na kumukuwestyon sa pagsasama nila ng Megastar.

"Alam mo, sa palagay ko walang tigil ‘yan, kasiwalang tigil yung intriga sa pulitika. Maya't maya ibabalik. Sa atindapat siguro matuto yung mga nagkakalat ng mga walang-katotohanan na it's notworking. If you think speading rumors will bring me down, obviously, it'snot working. So, sana matuto na sila na hindi nagagawa yung layunin nila. Obviously,it [separation rumor] is politically motivated."

Dahil din sa mga negatibong isyu ay may ilan tuloyna nag-iisip na womanizer o babaero talaga si Sen. Kiko.

"Alam mo sa pulitika, ganun, e, marumi. Angano lang natin, alam naman natin na di totoo. Ang katotohanan ay lalabas din sahuli."

Sa nakaraang isyu na nagsasabing muntik nangmagkahiwalay sina Sen. Kiko at Sharon ay naghamon na ang Megastar na handasiyang magbigay ng P10M sa sinumang makapagbibigay ng ebidensiya na maymistress at may mga anak nga sa ibang babae ang senador. Para kay Sen. Kiko, ay masmabuti pang ang asawa na lang ang tanungin tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siya ang tanungin ninyo kung ano ang feeling niyatungkol dun. As far as I'm concerned, ganyan naman talaga, kasama sapulitika ang paninira. Nakalungkot mang isipin, but I believe in the end,the truth will come out. Lalabas at lalabas din ‘yan."

PG-13 DETAILS. Nang tanungin kung ano nga ang nangyari sa Carribeancruise ng kanilang pamilya, masaya ang description na ibinigay sa amin ni Sen.Kiko.

"Basta masaya, nakakatuwa. Yung detalye, sa amin nalang yun. PG-13, e."

Hiningan din namin ng mensahe ang senador paranaman sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala na maayos ang pagsasamanila ng asawa.

"Ako ay patuloy na nagpapasalamat sa pagmamahalninyo sa akin, lalo na kina Sharon at KC [Concepcion]. At ang kanilangpanalangin sa amin, mahalaga ang kanilang panalangin , di biro ang amingsitwasyon. Kumplikado ang pulitika, kumplikado ang show business ngunit dahilna rin sa tiwala sa Diyos at pagmamahal namin sa isa't isa, patay na patay parin kami sa isa't isa.

"I thank those who have been praying for us, forthose who have been supporting us all through these years, nakakataba po ng pusona nariyan pa rin kayo."

PROUD OF KC. Known to be a supportive and loving stepdad to KC,nagpahayag si Sen. Kiko ng labis na kasiyahan sa aktibidades ni KC bilangAmbassador Against Hunger ng United Nations sa Pilipinas at sa pagdalo nitorecently Clinton Global Initiative Asia. Masaya rin ang senador na aktibo sapagtulong sa mga foundations at mga nangangailangan si KC. Sa TAYO nga ay isasa naging presentor ng awards ang aktres.

"Siyempre, di natin maiiwasang matuwa at magingvery proud gaya nga dito sa TAYO, kung saan isa rin siya sa board members. Ine-encouragenaman siya na mag-participate at maging involved para makita niya kung anu-anoang mga ginagawa ng mga kabataan sa iba't ibang lugar. I'm very proud of heradvocacies, malaking bagay na ang mga kabataan natin ngayon, binibigyang halagaang ating komunidad at ang ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin kasi molde na niya ‘yan kasi yunglolo niya, my father-in-law, half a decade ‘yan sa public service. Nasadugo na ni KC ang pagtulong."

CELERATING CHRISTMAS. Angselebrasyon ng Pasko para kay Sen. Kiko ay ang tradisyonal pa ring paraan kungsaan ang sentro pa rin nito ay ang pamilya.

"Christmas Eve is usually with the Cunetas, ever sinceSharon and I got married. Christmas day withPangilinan side naman. We have our gift- giving sa amin. It's afamily tradition and keeping the tradition, that's our celebration."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN