Mother Lily hosts "blockbuster" thanksgiving party

IMAGE 0


Mother Lily Monteverde (third from left) celebrated her recent successes with her closest friends in showbiz—(from left, first row) talent manager Dolor Guevarra and host-columnist Butch Francisco; (from left, second row) director Boots Plata, Eat Bulaga! lady boss Malou Choa-Fagar, talent manager Girlie Rodis, PEP and YES! editor-in-chief Jo-Ann Maglipon, talent manager Ethel Ramos, showbiz editor Salve Asis.


Ginanap ang taunang thanksgiving party ng Regal Filmsmatriarch na si Mother Lily Monteverde sa kanyang bagong renovate na bahay saNortheast Greenhills sa San Juan noong January 3, 2009.

Sa text-invite na ipinadala niya sa kanyang malalapit na kabigan sa loob at labas ngshowbiz, kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at YES! magazine, sinabi niyang:

"I am inviting you to my house tocelebrate our new year 2009 with a big bang plus thanksgiving party. And ofcourse, I owe it all to you. Please be here. Thank you."

Nang dumating ang nasabing araw, dumagsaang mga inimbitahan ni Mother Lily kahit sabihin pang hilo na ang mgatao sa showbiz dahil sa dami ng parties nitong nagdaang kapaskuhan.

Itsurang premiere night ng pelikula, naroonang mga malalapit na artista kay Mother—kabilang ang mag-asawang RichardGomez at Lucy Torres, ang magkasintahang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, sinaAnnabelle Rama at Eddie Gutierrez, Lorna Tolentino, at marami pang iba, pati mga managers and members of the movie press.

Marami ngang dapat ipagpasalamat angmaituturing na isa pa rin sa pinaka-aktibong movie producer sa bansa. Kabilangna rito ang pagtabo sa takilya ng marami sa kanyang mga pelikula noong nagdaangtaon, gaya ng mga co-produced films niya with GMA Films na My Best Friend's Girfriend (Richard Gutierrez-Marian Rivera), Monster Mom (Annabelle Rama-RuffaGutierrez), at My One True Love(Dingdong Dantes-Marian Rivera).

Bukod pa rito ang Kulam ni Judy Ann Santos na isang surprise hit noong Oktubre 2008.

Maganda rin ang naging resulta para saRegal ng dalawa nitong official entry sa Metro Manila Film Festival-Phippines2008, ang Desperdas 2 nina Ruffa Gutierrez, Marian Rivera, Iza Calzado, Rufa MaeQuinto at Ogie Alcasid; at ang Shake, Rattle, and Roll X na pinagbidahan ninaKim Chiu, Gerard Anderson, JC de Vera, Roxanne Guinoo, at muli, ni MarianRivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa pinakahuling estimate ng box-office results, nag-number four and five respectively sa over-all ranking sa takilyaang nasabing dalawang pelikula.

Sa usapaing personal naman ay ipinagpapasalamat ni Mother Lily na halos tapos na ang ipina-renovate niyang 14-bedroommansion sa Northeast Greenhills na halos apat na taon na niyang ipinapagawa.

"'Pagawaako pag may pera," laughs the owner of the 48-year old Regal Films. "Pag wala, hinto muna. Hahaha!"

Fourteen bedrooms ang nilalaman ng nasabing bahay dahil kasama rito angkanya-kanyang kuwarto ng kanyang limang na anak—Meme, Roselle, Dondon, Goldwyn,at Winnie—at ang kanyang mga apo sa bawat isa rito.

Hiniling niya raw sa kanyangmga anak na makapiling sa bahay ang kanyang mga apo sa mga susunod na taonhabang siya'y buhay. Ipinangako rin niya sa kanyang mga anak na sa loob ng limao anim na taon ay bibigyan niya sila ng kani-kaniyang bahay.

Ngayong taong 2009 ay tumatakbo na sa ika-49years ang Regal Films ngunit tila hindi naman nakikitaan ng kapaguran si MotherLily.

Kabaligtaran sa palagi niyang sinasabi na magreretiro na siya, aktibo pa rin si Mother Lily at panay pa rin ang pagbuo niya ng konsepto para sa upcoming projects ng Regal,solo man o co-production.

Sa ngayon ay ayaw pa niyang magbigay ng detalye samga bagong proyektong niluluto, liban sa gumigiling na ngayon, ang When I Met You niRichard Gutierez at KC Concepcion, kung saan ay muli siyangnagkipag-co-production sa GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN