JC de Vera considers Rhian Ramos his weakness

IMAGE 0


"Sabihin n'yo nga lang ang pangalan niya, napapangiti na ako,e. Yun ang effect niya sa akin. Nai-inspire ako sa work, sa life.Parang ganado ako palagi. Alam mo yun,para siyang weakness ko. Maganda, maganda naman ang naidudulot niya sa akin," says JC de Vera about Lalola co-star Rhian Ramos.



May pakulo ang Showbiz Central noong Linggo, December 21,among its hosts. Nagkaroon sila ng Kris Kringle, kung saan sila ang mag-i-interviewsa artistang mabubunot nila.

Ang nabunot ni Raymond Gutierrez ay si JC de Vera, na kasamasa "Emergency" episode ng 2008 Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle & Roll X.

Pinalinaw ni Raymond kay JC ang lumabas na balita na sataping daw ng Lalola, kahit tapos nang kuhanan ang mga eksena niya ay hindi parin siya umaalis sa set dahil hinihintay pang matapos ang kapareha niyaritong si Rhian Ramos.

"Effort?" natatawang sabi ni JC. "Opo, opo, totoo po yun.Nag-i-stay talaga ako run. Hinihintay ko talaga siyang ma-pack up. Minsan kasi,mas nauuna akong ma-pack up. After dinner, tapos na ako. Pero tinatapos ko parin ang taping."

Ano yung pinaka-late na nag-stay siya para lang hintayin siRhian?

"Kasi, natatapos kami four in the morning...five in themorning," sagot ni JC.

Raymond asked, "Kahit tapos ka na, hinihintay mo pa rin siRhian na matapos hanggang four, five in the morning?"

"Opo," pag-amin ni JC. "Minsan naman din, kapag late calltime naman ako, pumapasok pa rin ako sa taping nang maaga."

Sabi ni Raymond, "Gumigising ka ng maaga para makapunta sataping? First time kong narinig ‘yan!"

"Ang ganda ng show, e!" natatawang hirit ni JC.

Tinanong din ni Raymond kung totoo bang mahilig magdala ngdimsum si JC para kay Rhian.

"Nabigyan kasi ako ng tip na yun nga, mahilig sa food siRhian. So, ako naman, since mahilig din akong kumain, palagi ko siyangdinadalhan."

Yun ang naging bonding moment nila sa set?

"Isa yun... Isa yun sa palagi kong ginagawa," sambit ni JC.

Aside from dimsum, ano pa ang mga paborito ni Rhian?

"Coffee. Rice. Ricelang na walang ulam!" natatawang pambubuko ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Ano pa ba? Basta ang maganda kasi sa kanya,anything na ibigay mo sa kanya, naa-appreciate niya. Hindi siya maarte.Favorite niya, Thai food. Yun talaga ang pinaka-favorite niya."

Aside from eating, ano pa ang most common naginagawa nila?

"Masarap kausap si Rhian, kasi matalino siya," sabi ni JC. "Lahatng pinag-uusapan n'yo, may sense. Ateveryday na nag-uusap kami, may bago akong natutunan sa kanya. So, ibigsabihin, ganoon ka-deep ang mga napag-uusapan namin. Very interesting."

Once and for all, may relasyon nga ba sila ni Rhian?

"Masaya ako," sagot ni JC. "Masaya ako na nakakausap kosiya. Marami akong bagay na gustong gawin na kasama siya. Masasabi ko nanandoon yung commitment. Nandoon, pero wala yung label talaga."

Paglilinaw ni Raymond, "Meron kayong commitment, like mutualunderstanding, pero wala pa yung label na boyfriend-girlfriend?

"Yes," pagsang-ayon ni JC. "Kasi meron pa akong hinihintayna galing sa kanya. Basta yun, pinag-usapan namin yun at alam niya rin yun.May hinihintay lang ako."

Bakit palagi siyang masaya kapag kasama niya si Rhian?

"Sabihin n'yo nga lang ang pangalan niya, napapangiti na ako,e," sabi ni JC. "Yun ang effect niya sa akin. Nai-inspire ako sa work, sa life.Parang ganado ako palagi. Alam mo yun,para siyang weakness ko. Maganda, maganda naman ang naidudulot niya sa akin."

Sa Shake, Rattle & Roll X, sina JC at Roxanne Guinoo angmagka-partner. Balita rin ang kissing scene nilang dalawa sa movie. Ano naman ang naging reaction ni Rhian dito?

"Wala," sabi ni JC. "Tulad nga ng sinabi ko, matalinongbabae si Rhian. Madali para sa kanyang intindihin yung mga ganoon, lalung-lalona sa work. Madaling intindihin sa kanya yung mga ganoon. Actually, nanood pasiya ng premiere last night. Masaya, masaya naman siya. Alam niyang work namandin kaya wala, walang naging problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN