Marian Rivera clarifies Davao incident and thumbs-up sign

IMAGE 0


"Naaapektuhan ako,pero wala rin namang mangyayari kung mas iintindihin ko yun. Iniisip ko na langna maraming blessings ang dumarating sa akin na dapat kong ipagpasalamat atmarami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At nagpapasalamat ako safans na hindi bumibitaw ng suporta sa akin," says Marian Rivera about issues against her.



Dumalo si Marian Rivera sa Christmas party ng EntertainmentPress Society (Enpress) na ginawa sa Baliwag Grill sa E. Rodriguez Ave., QuezonCity branch nito kagabi, December 21. Nakangiti siyang pumasok ng function roomat nagbirong nag-gatecrash siya sa first Christmas party ng press na kanyangdinaluhan.

Binati ni Marian ng Merry Christmas ang Enpress members patimga bisita. Nagpasalamat din siya sa suporta sa kanya, lalo na sa mga pelikula niyang Desperadas2 at Shake, Rattle & Roll X, na parehong kalahok sa 2008Metro Manila Film Festival ang dalawang pelikula.

Thankful din si Marian sa magagandang reviews sa kanya sanabanggit na mga pelikula, lalo na sa SRR X na talagang pinatawaniya ang nanood nito sa premiere night. Natuwa rin ang aktres sa comment napuwedeng gawing buong pelikula ang kinatatampukan niyang episode, ang "Nieves,"dahil mahaba pa ang tatakbuhin ng istorya at puwede pang pahabain ang loveangle nila ni Pekto.

"Natutuwa ako kung nagustuhan ang performance ko sa ‘Nieves' at very proud ako kahitdahil dun, natapilok at na-cast ang paa ko. Pinilit kong gawin yun kahit sabini Popoy [Caratitativo, her manager] magpahinga na lang ako at hindi ako nagsisi,"wika ni Marian nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

NO COMMENT. Sinubukan naman ng iba pang miyembro ng Enpress si Marian sasinabi diumano ni Karylle na hindi niya intensiyon na saktan siya nangmag-smile lang siya nang tanungin ni Boy Abunda sa The Buzz kung buntisba si Marian.

"Gaya ng sinabi ko kanina sa Showbiz Central, ayokonang pag-usapan pa ang isyung ‘yan," iwas ni Marian. "Tapos na yun at okey naako. Magtatrabaho na lang ako kesa isipin pa ang intriga.

"Naaapektuhan ako,pero wala rin namang mangyayari kung mas iintindihin ko yun. Iniisip ko na langna maraming blessings ang dumarating sa akin na dapat kong ipagpasalamat atmarami pa rin ang sumusuporta at nagmamahal sa akin. At nagpapasalamat ako safans na hindi bumibitaw ng suporta sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THUMBS-UP SIGN. Kasama si Marian sa party ang kanyang personal assistant saChristmas party ng Enpress. May lumabas na balita na sinenyasan daw ni Marianng thumbs up ang kanyang PA pagkatapos niyang umiyak sa presscon ng Desperadas2 para tanungin kung okey ang "performance" niya. Isang staff daw ng Juicy ngTV5 ang nakakita at nagkuwento sa press.

Paliwanag ng PA ni Marian, "Mali ang interpretation ng taongyun sa thumbs up sign ni Marian. Ang ibig lang niyang sabihin, okey na siya atpuwede na kaming umuwi. Hindi dahil para tanungin ako kung okey ng performanceniya. Pati si Mother Lily gusto na siyang pauwiin."

Matagal-tagal ding nag-stay sa party si Marian, nakipagbiruanat nakipag-kodakan sa press. Nang mag-decide na siyang umuwi ay hindi siya agadnakalabas ng resto. Hinarang kasi siya ng customers at staff ng resto na gustongmagpalitrato sa kanya.

THE DAVAO INCIDENT. Bago sumakay sa kanyang van, inusisa munanamin siya sa totoong nangyari sa Davao. Pumunta siya a few days ago para sacontract signing ng Phoenix Petroleum na kanyang ini-endorse. May isyungnag-inarte siya, gaya ng hindi niya raw isinuot ang Phoenix t-shirt, nag-demandng wheelchair, at hindi nag-perform, na ikina-disappoint daw ng may-ari.

"Not true ang mga nasulat. Magri-release nga sila ngstatement para sabihing hindi totoo ang mga nakarating na balita rito. Lahat nalang ng kilos ko napapansin. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang mgaisyu," sabi ni Marian.

Unang nakausap ng PEP si Popoy tungkol sa Davao incident. Itoang nagpaliwanag kung bakit hindi isinuot ni Marian ang t-shirt ng Phoenix.Hindi raw kasi natuloy ang motorcade. Ang usapan nila, sa motorcade langisusuot ng aktres ang t-shirt dahil kailangang naka-bestida siya sa contractsigning.

Ang Phoenix daw mismo ang nag-provide ng wheelchair naginamit ni Marian pagbaba ng eroplano dahil alam nilang nagpapagaling pa rinito ng pilay ng kanyang kanang paa. Nag-perform din daw si Marian sa Davao, kabaligtaransa mga nasulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alam na nina Popoy kung sino ang source ng balita, pero ayawna lang nilang kumibo at ipinauubaya sa Phoenix ang paglilinaw sa mga balita.Ang ipinagpapasalamat na lang nina Popoy, may mga naniniwala pa rin sa kanila,gaya ni Kris Aquino na nagpahayag sa The Buzz last Sunday na kayasunud-sunod ang tira kay Marian dahil she's the hottest star now.

CHANGE OF SCHEDULE. Samantala, nalaman ng PEP na naurong saJanuary 6, 2009 ang first taping day ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyangdahil kailangan pang pagalingin nang husto ni Marian ang kanyang paa dahilvery physical ang role niya sa soap.

"Malikot ang character niya rito, umaakyat siya sa mga puno,takbo nang takbo. Sa first day taping, may eksenang aakyat siya ng azotea atmay eksenang tatalon pa siya, kaya kailangang fit na fit siya," kuwento ngisang staff ng upcoming GMA-7 primetime series sa PEP.

Nakadagdag din sa pagkaantala ng taping ng soap angpaghahanap ng tamang bahay na gagamitin ni Dingdong Dantes. Detalyado raw si DirekJoye Bernal at gusto niya ay totoong mansion ang gagamiting bahay ni Dingdongsa serye.

As for Marian's next movie, isang taga-Regal ang nagbalitangkung matutuloy, pelikulang pagsasamahan nina Marian, Dennis Trillo, at GabbyConcepcion ang binabalak ng Regal Entertainment at GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN