Kris Aquino and Ruffa Gutierrez finally answer sapawan issue on "The Buzz"

IMAGE 0


"I think may mga tao talaga na hindinila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao who are doing thesame thing. E, kasi, di ba, we have our own areas to shine? Like, di ba, youhave your Betty La Fea. I have my Deal or No Deal, di ba?" says Kris Aquino (right) about The Buzz co-host Ruffa Gutierrez (left).



Tinuldukan na ng dalawang The Buzz hosts na sina Kris Aquinoat Ruffa Gutierrez ang isyu tungkol sa diumano'y pagsasapawan nilang dalawa sasarili nilang programa.

Matatandaan na last October 26, sa pagbabalik ni Kris saThe Buzz, hindi maiwasang maikumpara sila ng kanyang co-host na si Ruffa.Hanggang noong isang buwan, nagsimulang lumabas ang mga artikulo sa mga tabloidna diumano ay nagpapaistaran ang dalawa.

Mas lalo pang tumindi ang pang-iintriga nang malagyan ngkulay ang mga sagutan at biruan ng dalawa sa programa. Diumano, nasanay na siRuffa sa mga "sarcastic comments at pang-ookray" sa kanya ni Kris.

Sa The Buzz last Sunday, December 21, once and for all aynagpaliwanag na sina Kris at Ruffa tungkol sa naturang intriga.

"Between us, you're the one that had a series of presscons.So, maybe, may sinasabi ka!" kaagad na bulalas ni Kris kay Ruffa sabay tawa.

"Hoy, in fairness sa akin, I always make you puri, ha!"buwelta naman ni Ruffa. "I always say that ‘Kris, you're the Queen of Talk.'And you know, I always say nice things about you. And sabi ko, I think you likeme. Because if you don't like me, you won't talk to me. Di ba, we're friends?If you don't like me, you make me okray talaga."

"No naman, I make you plastic!" natatawang sabi ni Kris."No, no...it's okay. Diretsong sagot doon, ha. I can attest, and I think youshould attest to it also, na sa second episode, I think there was a ‘ToughTen,' I asked you, ‘Wanna join?' Yung parang when it comes to work talaga, hindiako selfish person. And kung na-hurt man kita doon sa mga nasabi ko, and I wasjoking, I won't joke na."

"Uy, grabe, ha, hindi ako na-hurt," sabi ni Ruffa. "You knowsome of my friends talaga are, you know, mataray. So, hindi ako nahe-hurttalaga. You're not naman mataray, you're so nice nga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biglang sumingit si Boy Abunda, na nasa panel din atnakikinig lang noong una. Aniya, "Let me say something. Kasi dito sa P.O.V.[segment ng The Buzz], laging pag nagsasabay-sabay tayong magsalita,mag-usap...it's a function of the portion. Because this is spontaneous. So, pagmay naiisip si Kris...si Ruffa, minsan may mga pagkakataon... I plead guilty naminsan nagkakasabay-sabay kami. But again that is a function of P.O.V., di ba?But as much as we can, we do try to give each one a chance to talk."

Sabi naman ni Ruffa, "We're just excited kasi when we giveour own opinions and violent reactions. Pero sa akin talaga, hindi po totooyun. I mean, I really look up to Kris and I told you that again and again. Walatalagang isyu para mag-away kami. I mean, for once you're in a comfortableplace right now, so why would you be insecure naman? Poor cute little me, youknow."

"Pinu-point out ko lang sa inyong lahat na ako naman yungnaaapi!" biro ni Kris.

At muling nagsalita si Boy, "Hindi, alam n'yo potalaga...ngayon ko lang ito sasabihin talaga. Ako ho talaga ang api rito."

Sabi naman ni Kris, "No, I think may mga tao talaga na hindinila ma-picture na puwedeng maging magkaibigan ang dalawang tao who are doing thesame thing. E, kasi, di ba, we have our own areas to shine? Like, di ba, youhave your Betty La Fea. I have my Deal or No Deal, di ba?"

At biglang nag-butt in si Ruffa, "Uy, in fairness ha, Krisalways recommends me sa mga projects, ano. She always gives a good word sa mgataong kailangan niyang bigyan ng good word."

"Yeah, baka may iba ka pang masabi," tila pagpipigil ni Kriskay Ruffa. "Sometimes when I tell you secrets, natatakot ako talaga. Kasi youblurt it out right away!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"No!"agad na di pagsang-ayon ni Ruffa. At nagkatawanan na lang silang tatlo.

"A lot of people that watch the show, ang inaabangan talaganila, ‘Ano kaya ang susuutin nitong dalawa?' Pangalawa, ‘Ano kaya ang sasabihinnilang dalawa?'" ani Boy.

Singit ni Kris, "No, 'eto na lang ha. It's good to work withsomebody like Ruffa, kasi it also goes to show na beautiful talaga siya. Kasiang liit ng braso niya, e. Kaya talaga ang sabi ko, takpan ko na nga lang yungakin, ang laki!"

"Okay, question, you like me?" tanong ni Ruffa kay Kris.

"Yes! Is there anyreason for me to dislike you?"ang malakas na sagot ni Kris.

"No! I'm such a nice girl," sabi ni Ruffa.

At muling silang nagtawanan. In the end, muling nagpaalalasi Boy, "You know in this portion, there is a little spontaneity. Notbecause of you two pero dahil sa ating pinag-uusapan. We're not going to agreeon the same things all the time."

"'Eto na lang, we like different people. Meron tayongkanya-kanyang opinions. You have yours and I have mine," wika ni Kris.

At muli ngang in-assure nina Kris at Ruffa sa mga manonoodna wala talagang nangyayaring sapawan o insecure-an sa pagitan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN