Dingdong Dantes on No. 3 ranking in E!'s Sexiest List: "Sobrang flattered ako at sobrang thankful!"

IMAGE 0


"Siyempre, these are people na may mga differentachievements sa mga larangan nila. Nirerespeto ko kung saan sila galing, kungano ang ginagawa nila. Siguro, gaya ko, hindi rin nila ko masyadong kilala athindi ko rin sila kilala personally, but I'm glad to be part of that group,"says Dingdong Dantes about being included in the list with David Beckham and Johnny Depp.



Last Sunday, December 21, sa Showbiz Central ay nagkaroon ngtaped interview kay Dingdong Dantes. Kasabay nito ang pagpapakita ng ilangvideo clips sa episode ng E! Television for its 25 Sexiest Men of the World special,kung saan pumangatlo ang Filipino actor.

"Sobrang flattered ako at sobrang thankful sa E! for givingme this recognition," nakangiting sabi ni Dingdong. "Something na neverkong na-imagine noong nag-umpisa ako rito sa showbiz. Ngayong nandiyan na‘yan, you have to make the most out of it. Salamat, salamat! Isangbagay ito na hindi ko makakalimutan."

Ang bagay na ito ay ni sa pangarap ay hindi man lang sumagisa isipan ni Dingdong, pero nangyari sa kanya. Obviously, it is a proof thatDingdong has made a tremendous mark in the industry.

Ayon kay Dingdong, wala siyang idea at all noong una namay ranking pa pala after niyang mapasama sa Top 25 list.

"Alam ko naman dati pa yung 25," sabi niya. "Hindi ko langalam yung ranking. Actually, hindi naman ako masyadong particular samagiging position ko ro'n. Noong malaman ko nga na No. 3 pa, sobrangnakakatuwa!"

Hindi rin daw halos makapaniwala si Dingdong na napabilangsiya sa mga listahan kahanay nina David Beckham (No. 1) at Johnny Depp (No. 8).

"Siyempre, these are people na may mga differentachievements sa mga larangan nila. Nirerespeto ko kung saan sila galing, kungano ang ginagawa nila. Siguro, gaya ko, hindi rin nila ko masyadong kilala athindi ko rin sila kilala personally, but I'm glad to be part of that group,"saad ni Dingdong.

Masaya si Dingdong dahil masaya rin para sa kanya ang mgamalalapit na kaibigan dahil sa recognition na natanggap. Ang ka-love team niyana si Marian Rivera raw ay mas nauna pang nakaalam ng ranking niya kesa sakanya.

"In fact, alam na niya, may nagsabi sa kanya. Hindi niyasinasabi sa akin. Kaya noong i-announce, isa siya sa tuwang-tuwa at sabi nganiya, ‘Sabi ko sa ‘yo, e!' Nakakatuwa kasi nandoon siya sa special na moment nayun. She makes it more memorable."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOKING FORWARD. Sa napakaraming mga bagay at pangyayaring naganap sa kanyasa taong 2008, he can only look forward to more blessings nextyear.

"Na-achieve, siyempre marami," aniya. "Pero alam ko namarami pa akong dapat na gawin sa industriyang ito. At sana, unti-unti,ma-accomplish ko siya, which is nagagawa ko naman at sana sa 2009, mas magingmaganda pa."

Pagpasok ng taong 2009, ang unang pagkakaabalahan niDingdong ay ang taping ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, angupcoming primetime series nila ni Marian sa GMA-7.

"Excited ako for Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang.Pagkatapos na pagkatapos ng New Year, yun agad ang gagawin namin, kaya I'm excited preparing for that," ani Dingdong.

May mensahe rin si Dingdong para sa lahat ng sumusuporta sakanya ngayong Kapaskuhan.

"Merry Christmas and Happy New Year! Lahat kayo ay nagingbahagi ng memorable 2008 para sa akin kung kaya't lahat kayo, hindi ko kayomakakalimutan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN