Marian Rivera answers new issues raised against her

Dec 24, 2008
"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibig sabihin noon na magpapatalo ko. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala na lang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yung mga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin," says Marian Rivera.

Two days before Christmas ay nagbigay ng Christmas party para sa entertainment press ang mga alaga ni Popoy Caritativo na sina Dennis Trillo, Mart Escudero, at Marian Rivera. Ginanap ito kahapon ng tanghali, December 23, sa Barrakz Bar & Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Katulad ng ibang mga artista, ito ang naging paraan ni Marian at ng mga "kapatid" niya kay Popoy para mai-share ang mga blessing na natanggap nila this year sa entertainment press, na pinaniniwalaan ng aktres na nakakatulong din sa kanya kung nasaan man siya ngayon.

CHRISTMAS IN CAVITE. Ayon kay Marian, sa Cavite niya ipagdiriwang ang Christmas eve at ang mismong araw ng Kapaskuhan.

"After ng Parade [of the Stars], uuwi ako ng Cavite. Ise-celebrate ko run ang Christmas. Alam ko, by December 26, may trabaho na ako. So, hanggang December 25 lang talaga ako makakapagbakasyon," saad ni Marian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dalawang pelikula ni Marian ang kalahok sa 2008 Metro Manila Film Festoval: Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X.

Continue reading below ↓

Sa mismong araw ng Pasko, tulad ng nakagawian na ni Marian, ay hihintayin niya ang pagdating ng kanyang mga inaanak sa kanilang tahanan sa Cavite.

"Siyempre, darating ang mga inaanak ko, papamaskuhan ko sila. Darating din ang mga pinsan ko. Siguro yung mga inaanak ko, singkuwenta na mahigit! Hindi pa kasi ako artista, marami na akong inaanak, e!" natatawang kuwento ni Marian.

NEGATIVE VS. POSITIVE. Hindi naman maikakaila na isa si Marian sa mga artista ngayon na umarangkada nang husto ang career sa taong 2008. Kaya napakarami raw talaga niyang dapat ipagpasalamat.

"Oo naman!" bulalas niya. "Actually, hindi ko na lang talaga iniisip yung mga negative na nangyayari sa akin. Kasi sobrang dami rin namang positive sa akin kesa sa negative. Itong mga negative na ito ay pagsubok lang talaga para sa akin para maging matatag ako. At tanggap ko yun bilang artista. Ito ang package nun, e—intriga, tsismis, lahat, e. So, kung ayaw mo ng intriga, huwag kang mag-artista!"

Continue reading below ↓

Paano nga ba niya hinaharap lahat ng mga negatibong intrigang ibinabato sa kanya?

"Importante sa akin, nag-uusap kami ng pamilya ko," sabi ni Marian. "Alam ko na nandiyan sila para sa akin. Yung mga fans ko na talagang sobra-sobra yung pagbibigay nila. ‘Alam ko na nandito kami para sa ‘yo,' lahat sila ganoon. So, sobrang grabe yung suporta nila kaya sabi ko, lalo akong nagiging matatag dahil sa kanila."

THE REAL MARIAN. Alam ni Marian na sa trabahong pinasok niya, hindi maiiwasan na may mga gustong hilahin siya pababa. Pero tanggap na raw niya yun.

"Pabayaan na lang natin," aniya. "Kaya nga palagi kong sinasabi, tanungin n'yo mga nakatrabaho ko kung sino talaga ako. Tanungin n'yo sila Direk Joyce [Bernal], tanungin n'yo lahat ng naging director ko... Sila Nanay Rita [Avila], sila na lang tanungin n'yo.

"Kasi, hangga't hindi mo naman nakikilala ang isang tao, ‘Ay, ganyan-ganyan!' Pero once na nakilala mo na ang isang tao, doon mo na makikilala kung sino talaga siya. Hindi ko mapi-please ang iba kung ganoon ang tingin nila sa akin, kasi hindi pa nila ko nakakatrabaho. Hindi pa nila ako nakaka-bonding."

Continue reading below ↓

How does she feel sa mga taong naninira sa kanya, pero hindi pala siya o hindi pala niya kilala at all?

"Siyempre, ayoko namang sabihin na hindi ako nasasaktan. Tao lang din naman ako. Ipinagdarasal ko na lang na sana makaya kong lahat."

"DEMOLITION TEAM." Isang simpleng "huwag naman sana" ang naging tugon ni Marian sa tanong kung naniniwala ba siyang may "demolition team" laban sa kanya.

"Ayoko kasing isipin na ganoon," sabi niya. "Ako kasi, palagi akong pinagsasabihan sa bahay na kapag meron ka man na dapat i-criticize, sarili mo yun. Kung umaarte ka, ano ba ang mali ko? Pero kung ako ang magki-criticize sa ibang tao na mamimintas ako na ganoon-ganyan, never, e.

"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibig sabihin noon na magpapatalo ko. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala na lang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yung mga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin."

Continue reading below ↓

Very thankful daw siya kung meron man sa mga fans niyang patuloy na ipinaparamdam sa kanya ang suporta nila.

"Nakakatuwa kasi lalong lumalaki yung mga fans club ko na hindi ko ine-expect na ganoon kalaki. So, thankful ako doon at mas maganda na ang mga nangyayari sa akin, positive. Kesa isipin ko na negative na nangyayari sa buhay ko, e, normal lang naman yun."

Sa taong ito, ano ang masasabi niyang pinakagrabeng intriga na ibinato sa kanya?

"Yung mga nangyayari ngayon, kasi parang alam mo yun, ang hirap iano, e... Kasi, bakit daw ako umiyak? Bakit daw ako ganito? Kasi, ang daming aspeto kung bakit. Kasi, tingnan n'yo, ha, ang dami kong kontratang [endorsements] inaalagaan, na kung malaman nila kung anuman ang mga tsismis na yun, naaapektuhan ang contract ko," paliwanag niya.

Dagdag niya, "At least, tumatawag sila at naaayos din namin. At naniniwala sila at susuportahan pa rin nila ako. Walang pagbabago. Siyempre, nasa-sad sila kung bakit kailangan akong ganituhin. Pero ang importante, lahat sila nag-renew. Lahat sila kumampi sa akin at masaya ako na lahat sila nagtitiwala sa akin."

Continue reading below ↓

24 ENDORSEMENTS & COUNTING. Nakumpirma ng PEP sa mismong manager ni Marian na si Popoy na umabot na pala sa 24 ang endorsements ni Marian.

Ang pinaka-latest endorsement nga ni Marian ay ang Phoenix Petroleum. Recently, may intriga na namang lumabas tungkol kaugnay ng appearance niya sa Davao para sa Phoenix Petroleum.

Ayon kay Marian, "May nilabas nga raw na something sa akin about sa Davao. Yung mismong may-ari ang nag-text sa akin. Sabi niya, ‘Huwag kang mag-alala. Maglalabas kami agad ng statement na ni isa sa lahat ng sinabing paninira sa ‘yo, walang totoo.'"

Tila lahat ng galaw at kilos niya, may mga nag-aabang para gumawa ng intriga against her.

"Kaya nga, e!" natatatawang sabi ni Marian. "Basta, importante lang diyan, masaya ako ngayong Christmas."

MAGAZINE EDITOR. Nilinaw rin ni Marian ang lumabas sa isang tabloid na may editor daw ng isang magazine na nag-pictorial/interview sa kanya sa kanyang bahay. Bukod sa naghintay raw ang editor dahil tulog pa si Marian, ayon sa maid, nakasulat din doon na pinagsabihan daw niya ng hindi maganda ang magazine editor.

Continue reading below ↓

Hindi pa namin natatapos ang tungkol sa write-up at sinasabing ginawa raw niya ay pinatigil na kami ni Marian sa pagtatanong at puwede na raw niyang sagutin at linawin ang isyu.

Aniya, "In the first place, never akong nagpapunta ng reporter sa bahay. Kung nagpapapunta man ako, kay Popoy ako pupunta. Pangalawa, wala akong maid sa bahay dahil ayoko ng may maid sa bahay. Gusto ko, ako ang gumagawa sa bahay. Never akong nag-stay-in maid, never.

"Yun lang ang masasabi ko, never akong nagpapapunta ng reporter sa bahay at wala akong maid. Ang maid ko, may sariling bahay. Inupa ko ng sariling bahay. Pero ‘eto ang condo ko, nasa tabi lang yung bahay niya. Never talaga akong nag-maid, ako ang gumagawa basta sa bahay. Unless yung, ‘Punta ka rito, Ate, paglabhan mo ko or may ipapagawa ako.'"

Patuloy niya, "At saka yung maid, kung kailan niya gustong mag-day off, day-off siya. Kung hindi siya makakasama, okay. Daig pa nga niya ako! So, doon pa lang, hindi na totoo kasi never talaga akong nagpa-interview sa bahay.

Continue reading below ↓

"Di ba, doon pa lang mali na? Kaya sabi ko, huwag mo nang tapusin talaga. Kahit itanong mo pa sila Popoy, wala akong maid sa bahay. Palagi niyang sinasabi, ‘Yan-Yan, bakit ba hindi ka pa mag-maid?' Sabi ko, ‘Momsie, ayoko.' Kahit papaano, gusto ko pa rin yung parang ordinaryong tao pa rin ako na ako pa rin ang naghuhugas ng pinggan pagkakain ko," pahayag ni Marian.

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibig sabihin noon na magpapatalo ko. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala na lang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yung mga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin," says Marian Rivera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results