John "Sweet" Lapus recalls his achievements in 2008

IMAGE 0


"In fairness, mastahimik ang 2008 in terms of controversies. Wala akong masyadong naging intriga. Hindi akona-involve sa anumang away this year. Mas naging productive lang ako, which isvery good," says John "Sweet" Lapus.



Bago matapos angtaong 2008, nagbalik-tanaw ang TV host-comedian na si John "Sweet" Lapus sa mgamagagandang nangyari sa kanya sa taong ito.

Sabi ng co-host ngShowbiz Central, naging maganda ang taong 2008 para sa kanya at sa kanyangcareer. Halos wala naman daw siyang naging intriga, hindi tulad ng mga nagdaangtaon.

"In fairness, mastahimik ang 2008 in terms of controversies," bungad ni Sweet sa PEP (PhilippineEntertainment Portal). "Wala akong masyadong naging intriga. Hindi akona-involve sa anumang away this year. Mas naging productive lang ako, which isvery good.

"Siyempre, angpinakanatuwa ako ay ang manalo ako ng award sa Aliw Awards as Best MaleStand-Up Comedy Act last November. Masaya ako kasi muli na namang na-recognizeng Aliw Awards ang mga ginagawa kong pag-entertain sa maraming tao. Alam namanng lahat na hindi madaling magpatawa ng audience. Pero sa awa ng Diyos, naaaliwpa rin sa akin ang marami!" sabay tawa ni Sweet sa Christmas party ng Showbiz Central kagabi, December 23.

CONSISTENT TOP-RATER. Bilang isang TVhost, ipinagmamalaki ni Sweet ang patuloy na pagiging number one ng ShowbizCentral every Sunday. For the past ten months ay consistent na nananalo saratings ang Showbiz Central, not just because of the exclusive showbiz storieskundi ang inaabangan ng marami na "Don't Lie To Me" segment ni Sweet.

Kaka-renew nga langni Sweet ng kanyang kontrata sa GMA-7 kamakailan.

"Sa totoo lang, muchtalked about pa rin ang ‘Don't Lie To Me' segment namin. As in, iyon angpinag-uusapan tuwing Lunes ng mga tsismoso't tsismosa sa mga beauty parlor,palengke, at sa mga naglalaba sa ilog! Lalo na kung kontrobersyal ang umupo sa lie-detectormachine namin, laman na siya ng mga tabloids kinabukasan.

"Ang gusto langnaman namin sa Showbiz Central ay ang mapasaya ang mga loyal televiewers namin.Na ma-entertain sila and at the same time, up-to-date sila sa mga latestshowbiz stories. Tayong mga Pinoy pa naman, mahilig tayo sa kuwentong artista.Favorite pasttime na nga natin ang pagtsismisan ang mga sikat na artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SWEET AS AN ACTOR. Sa pagiging aktornaman ni Sweet, napasama siya sa dalawang top-rating primetime drama series. Unaay ang Ako Si Kimsamsoon kung saan bida si Regine Velasquez, at ngayon aymainstay si Sweet sa Luna Mystika bilang tikbalang bakla na si Karya.

Sa movies naman aykasama rin si Sweet sa 2008 Metro Manila Film Festival entry ng RegalEntertainment na Shake, Rattle & Roll X ("Emergency" episode).

"Isa pa ‘yan sapinasasalamatan ko sa taong ito dahil nakasama ako sa mga magaganda attop-rating drama series ng GMA-7," sabi ni Sweet. "I had so much fun doing AkoSi Kim Samsoon at mas nabaliw naman ako sa role ko sa Luna Mystika. Saan kanaman nakakita ng baklang tikbalang, di ba? Only in GMA-7 ‘yan!

"Alam naman ng lahatna ang first love ko talaga ay ang umarte. Stage actor ako and showgirl at thesame time. Kaya ang mag-perform sa stage, TV, at movies, kering-keri ko. Enjoytalaga ako kasi nakaka-create ako ng sarili kong character sa mga roles nabinibigay sa akin."

ANNIVERSARY SHOW. Sa2009 nga ay magse-celebrate si Sweet ng kanyang 16th anniversary sashowbiz. This early ay nakaplano na ang kanyang magiging anniversary show namay titulong Sweet 16. Sa Mayo 2009 na ito magaganap.

"Every year naman aymay anniversary show ako. Nanggugulat kasi ako parati. For my 16thanniversary, isang bonggang show na naman ang ihahanda namin. Ngayon ay nasaplanning stage na kami, pero ang mga magaganap ay naglalaro na sa utak ko. Masbongga at hindi ito dapat ma-miss," sabi ni Sweet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN