Marian Rivera answers new issues raised against her

IMAGE 0


"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibigsabihin noon na magpapatalo ko. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala nalang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yungmga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin," says Marian Rivera.



Two days before Christmas ay nagbigay ng Christmas partypara sa entertainment press ang mga alaga ni Popoy Caritativo na sina DennisTrillo, Mart Escudero, at Marian Rivera. Ginanap ito kahapon ng tanghali,December 23, sa Barrakz Bar & Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Katulad ng ibang mga artista, ito ang naging paraan niMarian at ng mga "kapatid" niya kay Popoy para mai-share ang mga blessing nanatanggap nila this year sa entertainment press, na nakakatulong din sa kanyang career ngayon, 'ika ng aktres.

CHRISTMAS IN CAVITE. Ayon kay Marian, sa Cavite niya ipagdiriwang ang Christmaseve at ang mismong araw ng Kapaskuhan.

"After ng Parade [of the Stars], uuwi ako ng Cavite.Ise-celebrate ko run ang Christmas. Alam ko, by December 26, may trabaho naako. So, hanggang December 25 lang talaga ako makakapagbakasyon," saad niMarian sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dalawang pelikula ni Marian ang kalahok sa 2008 Metro ManilaFilm Festoval: Desperadas 2 at Shake, Rattle & Roll X.

Sa mismong araw ng Pasko, tulad ng nakagawian na ni Marian, ayhihintayin niya ang pagdating ng kanyang mga inaanak sa kanilangtahanan sa Cavite.

"Siyempre, darating ang mga inaanak ko, papamaskuhan kosila. Darating din ang mga pinsan ko. Siguro yung mga inaanak ko, singkuwenta namahigit! Hindi pa kasi ako artista, marami na akong inaanak, e!" natatawangkuwento ni Marian.

FANS GIVE HER STRENGTH. Hindi naman maikakaila na isa si Marian sa mga artistangayon na umarangkada nang husto ang career sa taong 2008. Kaya napakarami rawtalaga niyang dapat ipagpasalamat.

"Oo naman!" bulalas niya. "Actually, hindi ko na lang talagainiisip yung mga negative na nangyayari sa akin. Kasi sobrang dami rin namangpositive sa akin kesa sa negative. Itong mga negative na ito ay pagsubok langtalaga para sa akin para maging matatag ako. At tanggap ko yun bilang artista.Ito ang package nun, e—intriga, tsismis, lahat, e. So, kung ayaw mo ngintriga, huwag kang mag-artista!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano nga ba niya hinaharap lahat ng mga intrigang ibinabato sa kanya?

"Importante sa akin, nag-uusap kami ng pamilya ko," sabi ni Marian. "Alam kona nandiyan sila para sa akin. Yung mga fans ko na talagang sobra-sobra yungpagbibigay nila. Alam ko na 'nandito kami para sa ‘yo,' lahat sila ganoon. So,sobrang grabe yung suporta nila kaya sabi ko, lalo akong nagiging matatag dahilsa kanila."

THE REAL MARIAN. Alam ni Marian na sa trabahong pinasok niya, hindi maiiwasan na may mga gustong hilahin siya pababa. Pero tanggap na rawniya yun.

"Pabayaan na lang natin," aniya. "Kaya nga palagi kongsinasabi, tanungin n'yo mga nakatrabaho ko kung sino talaga ako. Tanungin n'yosila Direk Joyce [Bernal], tanungin n'yo lahat ng naging director ko... SilaNanay Rita [Avila], sila na lang tanungin n'yo.

"Kasi, hangga't hindi mo naman nakikilala ang isang tao, ‘Ay,ganyan-ganyan!' Pero once na nakilala mo na ang isang tao, doon mo namakikilala kung sino talaga siya. Hindi ko mapi-please ang iba kung ganoon angtingin nila sa akin, kasi hindi pa nila ko nakakatrabaho. Hindi pa nila akonakaka-bonding."

How does she feel sa mga taong naninira sa kanya, pero hindipala siya o hindi pala niya kilala at all?

"Siyempre, ayoko namang sabihin na hindi ako nasasaktan. Taolang din naman ako. Ipinagdarasal ko na lang na sana makaya kong lahat."

"DEMOLITION TEAM." Isang simpleng "huwag naman sana" ang naging tugon niMarian sa tanong kung naniniwala ba siyang may "demolition team" laban sa kanya.

"Ayoko kasing isipin na ganoon," sabi niya. "Ako kasi,palagi akong pinagsasabihan sa bahay na kapag meron ka man na dapati-criticize, sarili mo yun. Kung umaarte ka, ano ba ang mali ko? Pero kungako ang magki-criticize sa ibang tao na mamimintas ako na ganoon-ganyan, never,e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Okey lang na ako ang i-criticize n'yo, pero hindi ibigsabihin noon na magpapatalo ako. Parang, ‘eto ako, e. So, mas magandang wala nalang akong gawin. Idaan ko na lang sa dasal. Ang mas pinapahalagahan ko, yungmga taong sobrang sumusuporta sa akin, nagmamahal sa akin."

Very thankful daw siya kung meron man sa mga fans niyangpatuloy na ipinaparamdam sa kanya ang suporta nila.

"Nakakatuwa kasi lalong lumalaki yung mga fans club ko nahindi ko ine-expect na ganoon kalaki. So, thankful ako doon at mas magandana ang mga nangyayari sa akin, positive. Kesa isipin ko na negative nanangyayari sa buhay ko, e, normal lang naman yun."

Sa taong ito, ano ang masasabi niyang pinakagrabeng intrigana ibinato sa kanya?

"Yung mga nangyayari ngayon, kasi parang alam mo yun, anghirap iano, e... Kasi, bakit daw ako umiyak? Bakit daw ako ganito? Kasi, angdaming aspeto kung bakit. Kasi, tingnan n'yo, ha, ang dami kong kontratang[endorsements] inaalagaan, na kung malaman nila kung anuman ang mga tsismis nayun, naaapektuhan ang contract ko," paliwanag niya.

Dagdag niya, "At least, tumatawag sila at naaayos din namin.At naniniwala sila at susuportahan pa rin nila ako. Walangpagbabago. Siyempre, nasa-sad sila kung bakit kailangan akong ganituhin.Pero ang importante, lahat sila nag-renew. Lahat sila kumampi sa akin at masayaako na lahat sila nagtitiwala sa akin."

24 ENDORSEMENTS & COUNTING. Nakumpirma ng PEP sa mismongmanager ni Marian na si Popoy na umabot na pala sa 24 ang endorsements niMarian.

Ang latest endorsement nga ni Marian ay ang PhoenixPetroleum. Recently, may intriga na namang lumabas tungkol kaugnay ng appearance niya sa Davao para sa Phoenix Petroleum.

Ayon kay Marian, "May nilabas nga raw na something sa akinabout sa Davao. Yung mismong may-ari ang nag-text sa akin. Sabi niya, ‘Huwagkang mag-alala. Maglalabas kami agad ng statement na ni isa sa lahat ngsinabing paninira sa ‘yo, walang totoo.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tila lahat ng galaw at kilos niya, may mga nag-aabang paragumawa ng intriga against her.

"Kaya nga, e!" natatatawang sabi ni Marian. "Basta,importante lang diyan, masaya ako ngayong Christmas."

MAGAZINE EDITOR. Nilinaw rin ni Marian ang lumabas sa isangtabloid na may editor daw ng isang magazine na nag-pictorial-interview sa kanyasa kanyang bahay. Bukod sa naghintay raw ang editor dahil tulog pa si Marian,ayon sa maid, nakasulat din doon na pinagsabihan daw niya ng hindi magandaang magazine editor.

Hindi pa namin natatapos ang tungkol sa write-up atsinasabing ginawa raw niya ay pinatigil na kami ni Marian sa pagtatanong atpuwede na raw niyang sagutin at linawin ang isyu.

Aniya, "In the first place, never akong nagpapunta ngreporter sa bahay. Kung nagpapapunta man ako, kay Popoy ako pupunta. Pangalawa,wala akong maid sa bahay dahil ayoko ng may maid sa bahay. Gusto ko, ako anggumagawa sa bahay. Never akong nag-stay-in maid,never.

"Yun lang ang masasabi ko, never akong nagpapapunta ng reportersa bahay at wala akong maid. Ang maid ko, may sariling bahay. Inupa ko ngsariling bahay. Pero ‘eto ang condo ko, nasa tabi lang yung bahay niya. Nevertalaga akong nag-maid, ako ang gumagawa basta sa bahay. Unless yung, ‘Punta karito, Ate, paglabhan mo ko or may ipapagawa ako.'"

Patuloy niya, "At saka yung maid, kung kailan niya gustongmag-day off, day-off siya. Kung hindi siya makakasama, okay. Daig pa nga niyaako! So, doon pa lang, hindi na totoo kasi never talaga akong nagpa-interviewsa bahay.

"Di ba, doon pa lang mali na? Kaya sabi ko, huwag mo nangtapusin talaga. Kahit itanong mo pa sila Popoy, wala akong maid sa bahay.Palagi niyang sinasabi, ‘Yan-Yan, bakit ba hindi ka pa mag-maid?' Sabi ko,‘Momsie, ayoko.' Kahit papaano, gusto ko pa rin yung parang ordinaryong tao parin ako na ako pa rin ang naghuhugas ng pinggan pagkakain ko," pahayag niMarian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN