PEP FORUM: "What I want for Christmas" celebs' wish list

IMAGE 0


Celebrities like Anne Curtis, KC Concepcion, Angel Locsin and Marian Rivera reveal what they want to have this Christmas.


Ilang oras na lang at Pasko na. At naging tradisyonna nga sa mga Filipino ang pagbibigayan ng Christmas gift. Isa ito sa mga mapapansing kaugalian ng mga pamilyang Pinoy sa oras ng Noche Buena.

Tuwing Kapaskuhan nga raw mas nararamdaman angspirit of sharing and giving. So, here in PEP (Philippine EntertainmentPortal), sinubukan naming tanungin ang ilang celebrities kung sila angpamimiliin, ano ang mga nasa wish list nila for Christmas. Tipong "What I want for Christmas is..."

ANNE CURTIS. "Well, I can't think of any right now. Paranganything lang na ibigay nila sa akin, ma-appreciate ko na. Pero siguro, if Iwill be given a Mercedes [Benz], yun, gusto ko talaga yun."

MARCO ALCARAZ. "Matutuwa na ‘ko kung may magbibigay sa akin ngcell phone, T-shirt. Nakikita n'yo naman ang cellphone ko ngayon, medyosira-sira na talaga ang cellphone ko, so parang kailangan na talaga ng kapalit.Siguro kung sa brand, okey na ang N71."

KC CONCEPCION. "I would want accessories for mycar. Actually, natuwa nga ako, kasi yung manager ko, binigyan niya ako ngcar refrigerator at saka portable toilet. It's very useful na puwede kongdalhin kahit nasaan ako. Pero siyempre, gusto ko pa rin ng mattress for thecar."

JERICHO ROSALES. "Gusto ko ng turntable.Kung walang magbibigay, siguro, bibilhin ko na lang. Yun na bale ang magiginggift ko sa sarili ko this Christmas."

CHYNNA ORTALEZA. "Natanggap ko na, actually.It's a new pair of eyeglasses kasi yung isang pair ko, palaging nasisira dahilrimless. So, I have new durable ones this coming New Year."

JAKE CUENCA. "A new car, He-he-he! Actually, nakakuha na ako what I guess I really wanted dahil matagal ko na talaga siyang gustongkuhanin."

JON AVILA. "Actually, I just moved to a new house, so, Iwouldn't mind a television, yung maganda talaga. Meron ako sa bedroom, pero sasala, wala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALEX GONZAGA. "Wallet na may lamang cash. Ha-ha-ha! Pangitkasi ang wallet ko. E, ayoko namang bumili kasi, hindi naman nakikita,so, sayang lang. So, kahit ano lang basta leather."

PIOLO PASCUAL. "Siguro, magiging masaya na ‘ko kung may magbibigaysa akin ng oven toaster. Yung typical na oven toaster lang, kasi, wala ako noonsa bahay. Kung minsan, gusto mong mag-toast ng bread, kaso, bigla kong maiisip,wala nga pala akong oven toaster."

ANGEL LOCSIN. "Ngayong Christmas? Gusto ko ng E-pass! Wala pakong E-pass, e. Di ba, sobrang traffic? ‘Tapos, pipila ka pa. So, yun... Yunlang talaga ang naiisip kong sobrang kailangan ko talaga."

ZANJOE MARUDO. "Kahit ano ba? Kotse! Ha-ha-ha!"

MARIEL RODRIGUEZ. "Lalagyanan ngaccessories. Kailangan ko, e. Kailangan ko ng lalagyan ng accessoriespara hindi kalat-kalat yung mg accessories ko."

DENNIS TRILLO. "Actually, ang gusto kong matanggap, binili ko na!Nag-upgrade lang ako sa sound system ko. Ginawa ko lang siyang HD paramag-match yung high-depth picture sa high-depth sound."

MART ESCUDERO. "Wala naman akong ine-expect na any material gift.Ako kasi yung taong hindi sanay na makatanggap ng mga regalo ever since pa langna bata ako. Wala kasi akong ninong or ninang, I mean, meron akong isang pairlang, kaso, wala pa rito, nasa malayong lugar. Pero siguro kung meron manakong gustong matanggap, siguro lulubus-lubusin ko na, gusto ko kotse. Kunghindi Mazda 6, yung Mitsubishi Evo."

MARIAN RIVERA. "Kahit ano, okey lang sa akin. Puwedeng bag, cell phone.Kaso, may nagbigay sa akin na fan na cellphone, ‘tapos, Hello Kitty pa! So,okey na ko run."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN