Jomari Yllana gets GMA-7 as media partner for Martin-Pops concert

IMAGE 0


Concert producer and actor Jomari Yllana gives some details about the upcoming reunion concert of his girlfriend Pops Fenrandez and her ex-husband Martin Nievera.



Muling nakipagtsikahan si Jomari Yllana sa ilang mgakaibigan niya mula sa entertainment press noong December 23 sa UCC Cafe alongTomas Morato, Quezon City. Promise niya ‘yon nang una siyang makipagkuwentuhansa mga kaibigan na magmi-meet sila muli for his update sa ipinu-produce nila ngkaibigan niyang si Ronald Singson ng kanilang Fearless Promotions—angpre-Valentine concert ng girlfriend niyang si Pops Fernandez at ang ex-husbandnito na si Martin Nievera. Ito ang Missing You na gaganapin sa February 6, 2009, sa AranetaColiseum.

Itinuring ni Jomari Yllana na "bestChristmas gift" na natanggap niya ang naayos at nakapirma na siya ng contractsa Araneta Coliseum.

"Makakapagsimula na rin kaming magtrabaho,"pagbabalita ni Jomari. "Aaminin ko na kahit naka-reserve na sa amin angAraneta Coliseum, hindi pa rin kami makagalaw, dalawang beses na kamingnakipag-meeting sa kanila, pero hindi pa rin kami nagpipirmahan ngcontract. Gusto ko kasi munang pag-aralan ang lahat, ayokong magingproblema ang naging problema ng ibang concert producers. Kung ako langkasi ang magbabasa ng standard contract ng Araneta Coliseum, hindi komaiintindihan.

"Kaya sa third meeting namin, kasama ko nang humarap sakanila ang mga lawyers ko at si Ms. Tessie Celestino ng Airtime Marketing, Inc.,who's in charge of the marketing ng concert. Kaya maayos na ang lahat, nalamanko na kung ano ang mga dapat panagutan ng isang producer na tuladko.

"Ayoko kasing mangyari ‘yong tulad sa ibang producer na pagkatapos ngconcert, magtataka sila kung bakit gano'n lang ang kanilang kinita. ‘Yon pala,may mga dapat kasi silang bayaran na hindi naman nila binayaran dahil hindinila alam na nasa contract pala ‘yon, basta lang nila pinirmahan. Hindinila ginawa ang ginawa ko kaya sila nagkaproblema."

Medyo malaki talaga ang babayaran sa venue, pero wala nasiyang aalalahanin pang dapat bayaran dahil naayos na nila. How much ang priceng tickets for the concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Six thousand plus ang pinakamahal na price, then fourthousand plus, three thousand plus, two thousand plus, one thousand plus, fivehundred plus, and three hundred plus."

Patuloy ni Jomari, "Nagpapasalamat din ako sa mediapartner namin, ang GMA Network, dahil binigyan nila kami ng magandang deal. Hindilang basta magiging isang special post-Valentine presentation ang Missing Youconcert kundi pinayagan nila kaming maging blocktimer ng network. That means,pwede kaming kumuha ng aming advertisers. At puwede ring mag-promote sina Popsat Martin sa mga shows ng GMA-7."

Papayagan ba ng ABS-CBN si Martin na mag-promote sa GMA-7,particularly sa SOP, samantalang nasa ASAP '08 ito?

Paliwanag ni Jomari, "Wala namang contract si Martin saABS-CBN at alam ko nakakapag-promote siya sa SOP noon ng kanyang albums andconcert. If ever na hindi nila papayagan si Martin sa SOP, magpu-promote kamikung saan kami welcome mag-promote.

"Ngayon na naka-sign na kami ng contract sa AranetaColiseum, early January ay ilalabas na namin ang billboards and print ads ng concert. Bagoumalis si Martin for Christmas sa Las Vegas, with sons Robin and Ram, natapos nanamin ang pictorial nila ni Pops. Very comfortable naman si Martin duringthe pictorial kay Ronnie Salvacion na tumagal lang ng three hours."

FANS OF MARIAN. Ikinuwento rin ni Jomari ang request ng mga kaibigan niyangprofessionals na manood ng premiere night ng Desperadas 2 sa SM Megamall lastDecember 19.

"In this connection, gusto ko ring magpasamalat sa mgalawyer friends ko na tumulong sa akin sa pag-aayos ng contract ko. Gusto langdaw nilang samahan ko sila na manood ng red-carpet premiere ng Desperadas 2.Mga fans pala silang lahat ni Marian Rivera.

"Medyo nagtaka nga ako nang ‘yon ang ni-request nila saakin, at noon ko lang nalaman na ang grupo pala nila na mga professionals,lawyers, doctors, accountants, mga fans pala ni Marian. Naniniwala akongnahuli talaga ni Marian ang market simula pa sa Marimar at hanggang ngayon,lalong dumarami ang humahanga sa kanya, kaya kahit anong negative write-ups ayhindi paniniwalaan ng mga fans niya. Hindi ko sila nasamahang manood ng moviedahil may mga kausap pa ako, pero sinundo ko sila after the screening attuwang-tuwa sila sa movie, lalo na kay Marian," kuwento ni Jomari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN