Jennylyn Mercado on ex-boyfriend Mark Herras: "Tama na yung ninong siya ng baby ko."

IMAGE 0


"Alam naman ni Markkung saan siya nakalugar ngayon sa buhay ko. Napagdaanan na namin ang magkaroonng relasyon at for me, that's more than enough. Ngayon kasi, may kanya-kanya na kaming buhay at gusto kong maging happysa anumang relasyon na papasukin ni Mark," says Jennylyn Mercado about ex-boyfriend Mark Herras.


Naging malakinghamon para sa kauna-unahang StarStruck Ultimate Female Survivor na si JennylynMercado ang taong 2008. Ito kasi ang taon na nasubukan ang pagiging matatag ngkalooban niya.

Ang unang malaking balita sa pagpasok ng 2008 ay angpagbubuntis ni Jennylyn sa anak nila ng dating boyfriend na si Patrick Garcia.Bagamat nagplano na silang pakasal, nauwi rin sa mapait na hiwalayan angkanilang relasyon.

Ilang araw pagkatapos isilang ni Jennylyn ang anak nila niPatrick na si Alex Jazz ay sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama-amahan nasi Mr. Roger Mercado.

Nagpapasalamat siJen dahil sa mga pinagdaanan niya sa taong ito, napatunayan niya na isa siyangsurvivor at kinaya niyang dalhin lahat ng kanyang mga personal at propesyunalna problema.

"Kung babalikan konga, masyadong naging mabigat ang 2008 for me," sabi ni Jennylyn sa PEP(Philippine Entertainment Portal). Nandiyan na nabuntis ako, naapektuhan angpamilya at career ko, nagkagulo ang personal life ko, nanganak ako, namaalam nasi Daddy, at kung anu-ano pang mga tsismis.

"I'm glad to say ngana kinaya ko lahat. Hindi madali para sa tulad ko na kayanin ang mga dumaan saaking mga problema. Akala nga nila na bibigay na talaga ako kasi sunud-sunodang mga nangyari sa akin. Pero dahil sa dasal at guidance ni Lord, I was able tosurvive it all.

"Ang dapat langnaman ay maniwala tayo na kaya natin. Maliit o malaki man ang problema,pasalamatan pa rin natin si Lord. Hindi naman tayo bibigyan ng anumang pagsuboksa buhay kung hindi natin ito kaya," pahayag ng aktres.

PARENG MARK. Ngayon aybalik-trabaho si Jennylyn. Muli silang mapapanood ng kanyang unang ka-love teamat ex-boyfriend na si Mark Herras sa GMA Sine Novela na Paano Ba Ang Mangarap?.

May mga usap-usapannga na baka magkabalikan ang dalawa at muling bumalik ang dati nilangpagtitinginan. Madalas daw kasing nakikita si Mark na dumadalaw sa bahay nilaJennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para kay Jen, walasiyang nakikitang masama kung bisitahin man siya ni Mark sa kanilang bahay.Paulit-ulit na sinasabi ni Jennylyn na magkaibigan sila ni Mark at wala siyangnakikitang masama kung puntahan siya nito sa kanyang tahanan.

Nasabi na niJennylyn before na isa si Mark sa magiging ninong ng kanyang anak na si AlexJazz kaya "kumpare" na ang tawag niya kay Mark.

"Wala akongnakikitang masama kung sakaling pumunta si Mark sa bahay namin. Good friendskami at magkakasama na ulit kami sa isang soap drama sa GMA-7 kaya okay lang saakin. 'Tsaka feeling ko naman,hindi ako ang gustong makita ni Mark kundi yung aanakin niya sa binyag," sabayngiti ni Jen.

Natanong din si Markkung may balak siyang ligawan si Jennylyn kung mabibigyan ito ng isa pangpagkakataon. Nagbigay ng isang makahulugang ngiti si Mark sa tanong na 'yon.

Pero para kay Jennylynay tama na yung magkaibigan na lang sila. Nasubukan na raw kasi nilangmagkaroon ng relasyon at tama na raw 'yon.

"Alam naman ni Markkung saan siya nakalugar ngayon sa buhay ko. Napagdaanan na namin ang magkaroonng relasyon at for me, that's more than enough. Ngayon kasi, may kanya-kanya na kaming buhay at gusto kong maging happysa anumang relasyon na papasukin ni Mark. Para sa akin, tama na yung ninongsiya ng baby ko. Alam ko na mas marami siyang magagawa bilang ikalawangmagulang ng baby ko."

Dahil sa pagiging payat ulit ni Jennylyn ay maymen's magazine daw na gusto siyang kunin para mag-pose sa kanilang cover. Perotumanggi na nga raw si Jen sa alok na ito dahil hindi pa raw panahon paramagpa-sexy ulit siya sa cover ng isang magazine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN