Kris Lawrence unaffected by Hayden Kho's revelation about his affair with Katrina Halili

IMAGE 0


"Actually, okey lang po yun. I just showed her nasupportive po ako when she needs somebody to talk to, or if she needs to letanything out, I'm there for her. Pero all this intriga, okey lang namanpo," says singer Kris Lawrence after the revelation of Dr. Hayden Kho that he had a brief affair with Kris's rumored girlfriend, Katrina Halili.



Hindi apektado ang nababalitang boyfriend ni Katrina Halilina si Kris Lawrence sa isiniwalat ni Dr. Hayden Kho na nagkaroon sila ng"short-lived affair" ng sexy actress habang sila pa ni Dra. Vicki Belo. (Clickhere to read related article.)

Sa panayam ni Lhar Santiago kay Kris sa 24 Oras naipinalabas kagabi, December 25, ay sinabi ni Kris na mananatili siyangsupportive kay Katrina.

"Actually, okey lang po yun. I just showed her nasupportive po ako when she needs somebody to talk to, or if she needs to letanything out, I'm there for her. Pero all this intriga, okey lang namanpo," sabi ng Star in A Million winner.

Sinabi rin ni Kris na hindi nila pinag-uusapan ang tungkolsa isyung ito pag magkasama sila.

"There's really nothing to talk about naman," sabi niya. "You know, it'sjust, alam mo naman ang showbiz, it's malupit. You just have to brush itoff."

Nagbigay rin ng mensahe si Kris para kay Katrina.

"If I can say anything to Katrina... Ching, I'm here for you. As usual, ifyou need anybody to talk to, a shoulder to lean on, I'm here no matter how longit takes, I'll be here waiting for you," sabi ng singer.

Ibinalita rin ni Kris na itutuloy nila ang planonilang magbakasyon sa Amerika. Lilipad sila patungong Amerika sa bisperas ngBagong Taon, December 31, at babalik sila sa January 5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN