Baron Geisler's goal for next year: "No alcohol, no smoking, pure work, and to get rich!"

IMAGE 0


"Sana 2009, maging napakaintriga rin, pero sana lahatmagaganda. Hindi na po pangit," says Baron Geisler when asked about his wish for 2009.



Kasabay na dumating ni Baron Geisler sa Harbor Garden Tentng Sofitel Hotel kagabi, December 27, sa 34th Metro Manila FilmFestival Awards Night ang co-star niya sa pelikulang Baler na si Nikki Bacolod.Pareho raw silang masaya sa magandang kinalabasan ng ginawa nilang movie underViva Films.

Para kay Baron, isa sa magandang pangyayaring naganap sakanya sa 2008 ay ang pagkakasama niya sa Baler, na itinanghal na Best Picture sa MMFF. Umaasa ang aktor na sa 2009, masmarami pa siyang magagandang projects na gagawin. Instead na mga pangit naintriga, magaganda naman daw sana for next year ang maglabasan.

"Sana 2009, maging napakaintriga rin, pero sana lahatmagaganda. Hindi na po pangit," nakangiting pahayag ni Baron.

Sumang-ayon naman ang aktor na marami mang negative issues sakanya, parang pambawi naman ang magagandang nangyayari sa kanyang career.

"Kasi po ngayon, sobrang mahal ko ang trabaho ko, ang craftko, at gusto ko pong maabot yung mga naabot nila Mr. Eddie Garcia, Mr. PhillipSalvador... At hindi lang po ito panandalian para sa akin. Ako po ay in love atnagmamahal sa aking craft," seryosong sabi ni Baron.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, meron ba siyang New Year'sresolution para sa sarili?

"New Year's resolution? Isasama po ako ni Tito Ipe sa youthcamp. Three days kami run. No smoking, no drinking, no whatever! So, bakamag-quit ako ng smoking next year. Hindi ko pa lang sure kung saan, pag-uusapanpa po namin, pero three days po yun. This New Year, wish ko po na no alcohol,no smoking, pure work, and to get rich! Yun po ang Christmas wish at the sametime, goal ko po," saad ni Baron.

Bagamat present si Baron sa Gabi ng Parangal ng MMFF, hindiraw siya umasa at all na mananalo siya for Best Supporting Actor award, nanapanalunan ng co-star niyang si Phillip Salvador. Nandoon lang daw siya talagato give his support for Baler, na nakakuha ng 10 tropeyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi po ako nag-expect kasi napakagaling po ng lahat ngkasama rito. Suporta lang po akong talaga sa MMFF dahil ito po ang unang besesna binigyan nila ako ng pagkakataon na makasama sa napakagandang proyekto, lalona ang Viva, Baler," pagtatapos ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN