Jericho Rosales surprised by rumor linking him to Karylle

IMAGE 0


"We've known each other for a long time now,because of Genesis [Entertainment]. We're of the same management before; parehokami ng account manager. Dati pa, nagte-text na rin kami, hi-hello, that'sall. Grabe!" Jericho Rosales puts down rumors about his "closeness" with Karylle.



True to his words that he has finally and totally moved onay ang kakaibang sigla ni Jericho Rosales sa interviews. Kahit ang paboritongtopic ay ang mga babaeng nagdulot ng matinding depression noon, at panibagongpananaw sa buhay niya ngayon.

"Yeah, yeah, I did! I did already! Positive natalaga ako ngayon," sabi ni Jericho, referring to his last breakup withHeart Evangelista.

But Jericho would rather not comment on hisex-girlfriend at this point. Wala na raw "heart-heart" sa interviews,pagbibiro naman ng press sa aktor.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Echo, matapos angperformance niya sa musical na Katy noong Sabado ng gabi,December 27, sa Harbor Tent ng Sofitel Hotel, pagkatapos ng 2008Metro Manila Film Festival Awards Night. Masaya rin siya para sa leading ladyniyang si Anne Curtis, na nanalong Best Actress para sa pelikula nilang Baler.

"I had the feeling she'd win. I'm very happy forher!" overwhelming ang reaction ni Echo, na kitang-kita rin sa stage nangi-announce na si Anne ang winner, at isa siya sa naging presenter.

Sa controversial "Tough Ten Questions" sa TheBuzz recently—thrown at Jericho by Ruffa Gutierrez— inamin ni Jericho naposible niyang ligawan ang mestisahing young actress.

After the 34th MMFF awarding, "Tough Question" dinkung tutuusin para sa tulad ni Jericho ang tungkol sa hindi niya pananalong best actor para sa obrang idinirek ni Mark Meilly. Baler, a VivaFilms entry, won a total of 10 major and minor awards, including bestpicture and best director.

"God is good, and He has a reason for everything,"sambit ni Echo. Wala siyang bitterness o disappointment sa nangyaridahil maraming ipinagpapasalamat ang aktor, tulad din ng nabanggit niya inan earlier interview with PEP that same night. (Click here to read relatedstory.)

"I'm leaving tomorrow [December 28] to shoot acommercial, so I have a few endorsements next year. And then, a movie siguromid-year. I'm gonna record my new album, hopefully, by the first quarterof the year. Ayun, at least, for January hanggang kalagitnaan ng2009."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REUNION WITH KRISTINE. Pagkatapos ng Kahit Isang Saglit ng ABS-CBN,may pagbibidahan uling teleserye si Jericho; pero wala pa munang detalyetungkol dito. Kasabay ng pagte-taping ng aktor para sa TV soap ay angpaggawa rin niya ng pelikula, kasama ang naging leading lady sa Kahit IsangSaglit na si Carmen Soo at ang isa ring dating girlfriend atpaboritong leading lady, si Kristine Hermosa.

"Trabaho ulit. Pagkatapos magpahinga, trabaho ulit. I'mvery thankful. It was all worth it! Thank you, Lord!" bulalas niEcho.

Echo now has only good words for Kristine. Naibaon na nga salimot ang anumang mapait na alaala ng hindi nila magandang paghihiwalay noon ngdating girlfriend.

Sinimulan ng kanilang mother studio ang pagtatambal muli sakanila with Kristine and Echo doing an episode in Maalaala Mo Kaya, andit worked.

"When we worked together again, medyo cool langkami," sabi ni Echo. "From there, haping-happy na ako. Kasi angtagal naming di nagkausap, e. Limang taon din 'yon, di ba? But now, youknow, we say 'hi-hello' to each other; we see each other sa Church, sometimeswe text [each other]. It'sfun! I'm comfortable now...I'm comfortable again."

Next, ang speculations tungkol sa posibleng"pagbabalikan" nila ni Kristine?

"Matured na ako... matured na kami," makahulugangbanggit ni Echo. At nangiti si Echo pagkasabi nun.

"CLOSENESS" WITH KARYLLE. Kaiba sa medyo kabadoniyang pag-e-elaborate nang usisain naman ng isang babaeng reporter angnababalita ngayong "closeness" nila ng singer-actress na si Karylle.

Sa diretsong tanong kung "sila" na ngayon niKarylle, nabigla si Echo.

"Ay, my God! Nakakahiya kay Karylle!" reaksiyon niEcho. Nakangiti rin siya.

Late this year lang naging opisyal ang ulat ng pagiging isana ring Kapamilya ng panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla. Pero sinaKarylle at Jericho raw ay malaon nang magkakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We've known each other for a long time now,because of Genesis [Entertainment]. We're of the same management before; parehokami ng account manager. Dati pa, nagte-text na rin kami, hi-hello, that'sall. Grabe!" sambit ng binata.

Tulad ni Kristine Hermosa, maganda rin ang pananalita niEcho para kay Karylle.

"Okay si Karylle, of course. She's a goodgirl...very intelligent. I love her voice. Isa siya sa mga showbizpersonalities na hindi showbiz...nakakilala ko. And that I like about her. She's cool."

Kung si Anne Curtis ay "posibleng ligawan" niEcho, si Karylle naman ay hindi pa matukoy ng aktor.

"I cannot say anything about that, you know. Ithink, she's a good girl and that's all I can say. Ayoko munang mantsahan'yon ng kahit anong... Ayoko munang bigyan ng ibang kahulugan 'yon," saadni Echo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN